- L : 4 -

508 22 2
                                    





Hindi naman laging masama ang relasyon namin ni Eufy noon.

Simula nang magkaroon ako ng kamalayan sa sitwasyon niya sa palasyo, naglagay na ako ng distansya sa kanya. "Lianne," tawag ni ama mula sa pintuan. Nag-angat ako ng tingin mula sa paglalaro ng manika sa silid-pahingahan. Nakita ko si ama, hawak sa mga balikat ang isang batang may maikling gintong buhok. "Ito si Eufemia. Ang iyong kapatid."

Tinitigan ko ang batang iyon. Hindi ako ngumiti. Hindi rin ako sumimangot.

Ang tanong ko lang sa isip ko ay: Galing din ba siya kay Eyha?

Nang iwan kami ni ama sa silid ay lumapit siya sa'kin.

"Ako si Eufy," masayang nag-abot ang bata ng kamay sa'kin. "Ikinagagalak kong makilala ka, Prinsesa Lianne!"

Blanko ang mga mata ko. Tinitigan ko ang kamay niya. "Sabihin mo," bulong ko. "Sino ang iyong ina?"

Natigilan si Eufy sa tanong ko. Huminga. At nanumbalik ang ngiti sa labi nito.

"Pasensya na, ngunit hindi ko kilala."

Nakahinga ako nang maluwag noon. Hindi siya galing sa babaeng 'yon. Tingin ko'y hindi ko masisikmura ang isa pang anak na galing sa aking ina. Kaya naman inabot ko kay Eufy ang isang manika ko. Iyong may kapareho niyang gintong buhok. At sa unang beses, nginitian ko ang ampon na iyon.

"Maglaro tayo."

Tama.

Hindi ako naging masama sa kanya noon. Sa totoo lang, nagagandahan pa nga ako sa kanya. Lagi akong nagpiprisintang magsuklay sa kanyang buhok. Lagi ko siyang sinasama sa hardin. Ako ang humiling kay ama na isama siya sa mga klase ko. Nais kong kasama lagi si Eufy dahil sa lungkot ko-- lungkot na laging nag-iisa. Halos matanggap ko nang tunay ko siyang kapatid.

"Tandaan niyo," strikto kong sabi sa mga lingkod. "Nais kong ituring niyo si Eufy bilang isang prinsesa ng palasyong ito."

Naramdaman ko ang inis noon nang hainan ako ng mamahaling pagkain ng mga lingkod habang si Eufy ay hindi binigyan.

"Lianne, ayos lang ako." Hinawakan ni Eufy ang kamay ko. "Hindi naman nila alam kaya-"

Tinitigan ko ng masama ang mga lingkod. "Pwes, ngayon alam na nila." Nilingon ko si Eufy at pinisil ang kanyang kamay. "At sasabihin ko rin kay ama na ipakilala ka sa lahat."

At iyon nga ang aking ginawa. Ipinakilala ni ama si Eufy sa lahat ng lingkod sa palasyo. Hindi bilang opisyal at lehitimong prinsesa. Natuwa akong tatratuhin na si Eufy nang maayos ngunit hindi ko pinakita iyon sa kanya. O kahit kanino. Simula pagkabata, hindi na talaga ako magaling maglabas ng emosyon sa mga taong nakapaligid. Tinatago ko iyon lahat sa loob ko kaya ang tingin ng iba'y wala akong pakiramdam.

At iyon din ang mismong dahilan kung bakit nabahiran ang tingin ko kay Eufy.

"-sana si Prinsesa Eufemia na lang ang naging lehitimo-"

"-hindi iyong supladang batang iyon. Narinig kong sinigawan niya yung lingkod niya noong isang araw-"

"-kelan ba naging mabait si Prinsesa Lianne? Pinapahirapan naman tayong lahat nun eh-"

Paraisla ii: KahaliliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon