Epilogue

4.4K 138 35
                                    



Lumipas ang ilang taon.

Kinasal na kami ni Chanyeol. Katulad nga nong sinabi niya na pagdating namin sa 25ㅡeh ikakasal na kami. Mismong age talaga namin nonㅡkami kinasal. Masyado niyang tinutupad at ginagawang specific talaga ang mga plano niyaㅡplano namin actually.

"Eomma! Eomma!"

Napalingon ako sa bulinggit na tumawag sa'kin. Napangiti naman ako dahil nakita ko nanaman ang napaka-cute na mukha nito.

"Eomma, si Hyunnie. Umiiyak nanaman."

Wala ng bago. Lagi namang umiiyak si Hyunnie. Batang 'yon talaga.

"Sige. Gutom na siguro. Kukuha lang ako ng gatas niya. Bumalik ka na ulit sa kwarto niyo. Dalian mo."

"Opo, eomma."

Nagtimpla ako ng gatas tapos inakyat ko agad sa kwarto. Shine-shake shake ko pa habang pinapatahan si Hyunnie.

"Ang iyakin mo naman, anak. Bakit ba ganyan ka? Hindi naman ako iyakin nong bata. Yung tatay moㅡlagi namang nakangiti. Masayahin naman siya. Eh bakit ikaw? Jusko naman."

"Padedehin mo na lang kasi Eomma. Ang dami-dami mo pang sinasabi eh." Sabi ni Channie habang nagkakamot ng ulo.

"Sampalin kita diyan eh. Kumuha ka nga ng pampalit ni Hyunnie. Namamawis na oh."

"Psh."

"Batang 'to."

Ayon namang isang 'yon. Napaka-mareklamo. Parang laging may problema. Inis na inis pa kapag iyak nang iyak yung kapatid niya. 'Di ko nga rin alam kung sa'n nagmana 'yon. Ay malamang sa'kinㅡreklamadora ako eh. Hays. Anak ko nga 'yon.

"Uwaaah! Uwaah!"

Ay jusko naman oh. Lalong lumakas yung iyak ni Hyunnie. Asa'n na ba kasi si Chanyeol? Putangina talaga. Kung kailan kailangan eh.

"Channie! Bilisan mo naman oh!"

"Teka lang, eomma! Ang hirap maghanap ng damit ni Hyunnie eh! Bakit kasi tagong-tago naman?!"

"Hay nako! 'Wag ka nang magreklamo kung ayaw mong tusukin kita ng eyeliner!"

"Psh. Itapon ko lahat ng eyeliner mo eh."

"BASTOS KANG BATA KA!"

"Uwaaaah!"

Napalingon ako ulit kay Hyunnie.

"Sorry baby. Sorry na. Tahan na kasi. Shh..." Binuhat ko na siya tapos hinele-hele ko na. Juskoㅡkailan ba titigil 'to?

Punyeta naman kasi si Chanyeol. Hinayupak talaga yung higanteng 'yon. Ngayon pa gumimik kung kailan naman kailangan ko siya dito.

"Channie, anak!"

Dali-dali namang lumapit dito si Channie.

"Bakit, eomma?"

"Tawagan mo naman yung appa mo oh. Dali, kakausapin ko lang."

"Okay po."

Kinuha naman niya yung phone niya. Tapos sinimulan niyang tawagan si Chanyeol.

Malilintikan sa'kin 'tong higanteng 'to eh. Pagtapos akong buntisinㅡiiwan akong mag-isang mag-alaga dito? Dapat nga siya yung naghihirap ditoㅡpara malaman niya yung naramdaman ko nang i-ire yung dalawa naming anak.

Pero hindiㅡkulang-kulang pa 'to sa paghihirap ko nong ipinanganak ko si Channie at Hyunnie.

Pagka-graduate na pagka-graduate namin ni Chanyeolㅡeh talagang hindi na niya pinalampas ang pagkakataon. Gano'n siya ka-baliw sa'kin.

Si Park Chanyeol (Chanbaek Fanfiction)Where stories live. Discover now