Si Chanyeol 8

2.8K 133 46
                                    


Makaraan ang ilang oras natapos na kaming mag-ayos ng sari-sarili naming mga tent. Ilang minuto na lang mag-start na ang activities namin.

"Tumabi na kayo sa partners niyo." Sabi nong prof na na-assign sa'min.

Hinanap ko si Kris. Mabuti na lang at matangkad siya at nakita ko siya agad. Kumaway ako sakanya at ngumiti.

Ngumiti na lang din siya at pumunta sa gawi ko. Kahit ang haba ng baba ni Kris napakagwapo niya pa rin. Bakit gano'n? Nakakaiyak.

"Ang first activity niyo ay ball hunting." Pagsisimula nong prof habang dinadaan-daanan kami. "Sa bawat sulok ng gubat na 'to may bola na naghihintay sainyo. Kailangang maka-lima kayo. Pero limited ang oras niyo. Binibigyan ko kayo ng isang oras dahil medyo malawak ang gubat na 'to."

Tch. Ball hunting. Puro hunting. Hindi ba pwedeng boy hunting na lang? Ay joke. La naman akong pake sa ibang lalaki. Kay Chanyeol lang naman ako may pake eh.

"Ready, start. Now!"

Hinawakan ako ni Kris at nagsimula na kaming maglakad na dalawa. Binilisan din namin ang lakad dahil katulad nga nong sabi nong prof malawak ang gubat na 'to. Baka hindi kami umabot.

Naramdaman kong medyo lumalayo na kami. Hanggang sa may nakita akong puting bola na nasa ilalim ng puno.

"Kris! Ayon oh!" Saka ko tinuro yung bola. Agad naman niya 'tong kinuha at bumalik na sa gawi ko. "Good job, Baek!" Then he pats my head like a dog. Nag-pout naman ako pero inakbayan niya ako at nagsimula na ulit maglakad.

Lakad lang kaming nang lakad hanggang sa maka-apat na bola na kami. Isang na lang. Medyo nahihirapan nga kami eh. Bakit gano'n? Kung kailan naman isa na lang do'n pa kami nahirapan.

Tinignan ko yung orasan ko. 30 minutes pa naman eh. Pero mas maganda siguro kung mas maaga naming matapos 'to. Para may prize kami. Ay teka, 'di nga pala binanggit kung ano ang prize. Tch. Talaga naman oh.

"Baek, dito ka lang, okay? Maghahanap ako do'n. 'Wag ka na sumama. Babalikan na lang kita dito."

"P-pero.."

"Babalikan kita, okay? Don't worry." Hinalikan niya naman ako sa noo at saka nagsimula nag maglakad paalis.

Inikot-ikot ko naman ang paningin ko sa buong gubat. Baka mamaya biglang may lumabas na endangered species dito eh. Natatakot ako.

Maya-maya lang bigla akong nakarinig ng isang sitsit. Pero parang hindi naman sitsit eh. Kakaibang tunog ang naririnig ko.

Lumingon ako sa likod ko. Nanlaki ang mata ko dahil merong ahas na nakapalibot sa punong malapit sa'kin.

"Waaaah! Kris! Kris!" Tumakbo na ako. Sa sobrang taranta ko hindi ko na alam kung sa'n ako pupunta. Naiiyak na ako. Takot sa mga gano'n eh. Dapat pala nag-insist na lang ako kanina kay Kris. Dapat hindi na lang ako nagpa-iwan. Hindi pa pala niya alam na takot ako sa mga gano'n.

"KRIS! KRIS! TULUNGAN MO 'KO!" Buong pwersang sigaw na ang ginawa ko para marinig ako ni Kris. Patuloy pa rin ako sa pagtakbo hanggang sa may makasalubong ako. Pero nang dahil sa sobrang bilis kong tumakbo natumba kami pareho.

Hingal na hingal ako. Tinignan ko yung taong nakasalubong ko. Nanlaki ang mata ko dahil si Chanyeol ang nakita ko.

"Okay ka lang, Baekhyun?"

Bigla akong namula. Kaya naman agad-agad akong umayos at tumayo. Pinunasan ko din ang luha ko.

"Bakit ka umiiyak? Asa'n si Kris? Naligaw ka ba? Nagkawalaan ba kayo?"

Umiling-iling naman ako. "S-sorry, Chanyeol. I-iniwan kasi ako ni Kris. Sabi niya kasi siya na muna maghahanap ng bola. Sabi niya babalik niya ako. Hindi naman ako umalis eh. P-pero kasi may ahas do'n sa pinag-stay-an ko. T-takot ako do'n eh.." Nagsimula nanaman akong umiyak. Hanggang sa hindi ko na namalayan na yakap-yakap na pala ako ni Chanyeol.

Unang pagkakataon. Nayakap niya ako nang ganito. Nakakaginhawa kapag yakap-yakap ka ng taong mahal mo. "Tahan na, Baekhyun."

"B-baekhyun.." Napahiwalay naman ako sa yakap ni Chanyeol nang marinig ko ang boses ni Kris.

Humarap ako sakanya. Nakita kong hinihingal siya habang hawak-hawak ang limang bola. Nakompleto namin.

Binagsak niya lahat 'yon at tumakbo papunta sa'kin. "S-sorry. Sorry talaga! Hindi ko alam. Sana sinama na lang kita! Sorry talaga, Baekhyun!"

"Okay lang, Kris. Okay lang! Shh.." Tinap-tap ko ang likod niya. Sobrang higpit ng yakap niya sa'kin. Pero okay lang. Katulad ng kay Chanyeol, nakakaginhawa din ang mga yakap niya.

"Kris.."

Lumuwag ang yakap ni Kris nang marinig niya si Chanyeol. Naramdaman kong lumapit siya sa'min ni Kris.

At hindi ko inaasahan ang sasabihin niya. "Sa susunod, ingatan mo siya. 'Wag mo iwan basta-basta."

---

Nakakuha kami ni Kris ng prize dahil pangatlo kami sa nakakuha ng mabilis. Isang t-shirt lang naman ang prize namin at meron pang limang bench and bath.

"Baek, congrats!" Sabi ni Kyungsoo nang makalapit siya sa'kin.

"Salamat. Oh eto, sa'yo na yung isa."

"Talaga? Salamat!" Kinuha niya yung isang bench and bath. "Nga pala yung kambal mo kinukulit nanaman ni Sehun."

"Lagi naman niyang kinukulit si Luhan."

"Nagseselos ka ba?"

Napatigil naman ako. Oo nga pala. Sinabi ko sakanya na si Sehun ang gusto ko. Pakshet naman oh. Bakit kasi sinabi ko 'yon? Nakakainis! Panibagong problema nanaman 'to eh!

"Hindi ako nagseselos. Okay lang sa'kin. Crush ko lang naman si Sehun." Tumango-tango naman siya. "Kayo ni Chanyeol? Kamusta naman?"

"Kami? O-okay naman."

Tumingin ako sakanya. "May problema ba kayo ni Chanyeol?"

Umiling siya at ngumiti. "Wala. Sa totoo nga lang mahal na mahal namin ang isa't isa eh."

And there. Para tuloy tinusok yung puso ko nang paulit-ulit. Ang sakit, sobra. Marinig mo 'yang mga salitang 'yan. Grabe, para gusto mo na lang matanggalan ng tenga para hindi mo marinig 'yan.

"Mukha nga eh. S-sana tumagal kayo.." Gago ka, Baekhyun. Napakasinungaling mo. Masyado mong sinasaktan sarili mo.

"Sana nga. Kung mabubu-"

"KYUNGSOO!"

Nagulat kami ni Kyungsoo sa biglang sumigaw. Nakita namin si Chanyeol na hingal na hingal na nakatingin sa'ming dalawa. Same scene 'to sa nangyari nong nasa garden kami ni Kyungsoo.

"Oh, anong nangyari sa'yo? Basang sisiw ka diyan!" Tumayo si Kyungsoo at pinuntahan si Chanyeol.

"Sa'n ka ba kasi nagsususuot?! Alam mo bang kanina pa kita hinahanap?! Bigla-bigla ka na lang nawawala sa paningin ko!"

"Sorry na, sorry na. Chill ka lang. Kasama ko naman si Baek eh." Dahil do'n medyo nag-calm si Chanyeol. "Halika na." Lumingon sa'kin si Kyungsoo. "Una na kami, Baek." Tumango naman ako at kumaway.

Nanatili lang akong nakaupo dito sa mataas na damuhan na 'di kalayuan sa tent namin.

Nakikita ko ang sabay na paglakad ni Chanyeol at Kyungsoo. Magkahawak sila ng kamay habang nag-sway sway pa. At nong medyo nakalayo sila binuhat ni Chanyeol si Kyungsoo, piggyback ride.

Ang sweet.

Hanggang sa panaginip ko na lang talaga siguro makikita 'yan. Yung sweet kami ni Chanyeol. Lahat ng ginagawa niya kay Kyungsoo ginagawa niya din sa'kin. Hanggang panaginip na lang talaga.

"Nag-iisa ka diyan."

Napalingon ako sa biglang nagsalita. Umupo siya sa tabi ko at nginitian ako.

"Sehun.."

---

Sorry na. Sebaek din kasi ako. Huehuehue. Pero syempre forever chanbaek ako. Don't bash, okay? Just love.

Si Park Chanyeol (Chanbaek Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon