Chanyeol 9

2.8K 134 17
                                    


"Sehun.."

Naupo siya sa tabi ko. Meron siyang inabot sa'king barbeque.

"Kunin mo na. Alam kong gutom ka. Meron kasing inihaw, ewan. Napagtripan. Lahat kasi sila gutom na eh."

Ngumiti naman ako. "S-salamat."

Tumango naman siya.

Tahimik lang kami na kumakain habang tumitingin sa paligid. Nao-awkward na ako sakanya.

"Uhm, Baekhyun.." Nabitawan ko yung stick nang magsalita si Sehun. "M-may tatanong lang ako.."

"A-ano 'yon?"

"Ewan ko kung totoo..pero sabi sa'kin ni Kyungsoo..may gusto..ka daw sa'kin.."

Natigilan ako. Putangina ni Kyungsoo. Bakit niya sinabi? Eh hindi naman ako seryoso do'n. Tsanggala naman talaga oh.

"Sabi na nga ba at hindi totoo eh! Ginu-good time talaga ako non ni kwago!" Sabi niya tapos nag-chuckled. "Tsaka 'diba sabi mo tutulungan mo ako kay Luhan?" Sasagot na sana ako pero nagbago bigla ang expression niya. "Huwag na pala.."

"May problema ba, Sehun?"

Umiling siya. "Wala 'to, Baek. Halika na. Balik na tayo do'n. Mag-lunch na." Tatayo na sana siya pero pinigilan ko siya.

"Hindi tayo kakain hangga't hindi mo sinasabi 'yang problema mo."

Napabuntong hininga naman siya at umupo na ulit. "Promise. Kapag nasabi mo 'yan meron din akong ise-share sa'yo."

"Yung kambal mo kasi eh. Ang sakit magsalita. Sabi niya 'di niya daw ako magugustuhan. Kahit kailan hindi daw magiging kami. Syempre ako naman 'tong si tanga, habol lang nang habol sakanya. Na kahit ang sakit sakit na, kinakaya ko pa rin. Minsan lang ako maging ganito, Baek. Sobra na akong tinamaan diyan sa kambal mo."

Tinap ko naman ang likod niya. "Pasensiya ka na sa kambal ko ha? May lahing bakulaw kasi 'yon kaya gano'n. Kaya mo pa ba?"

"Kakayanin ko. Hindi ako susuko sakanya, Baek. Tulungan mo naman ako sakanya oh."

Ngumiti naman ako. "Sure. I'll help you."

Sunod ko naman sinabi yung side ko. Sinabi ko sakanya lahat-lahat. Simula sa nagkagusto ako kay Chanyeol hanggang do'n sa sinabi ko na gusto ko si Sehun.

"B-bakit mo sinabi 'yon?"

"Syempre alangan namang sabihin ko kay Kyungsoo na si Chanyeol ang gusto ko, edi malamang sinapak na ako non!"

"Ay sabagay." Binatukan ko naman siya. Utak talaga neto.

"Sehun, please? Lahat ng 'to 'wag mong sasabihin. Secret lang natin."

"Oo naman." Inabot niya naman sa'kin yung pinky niya.

At ayon. Nag-pinky swear kami.

-

Pagbalik namin sa base namin, nakita kong tumakbo si Luhan papunta sa tent niya.

"Teka lang ha?" Sabi ko kay Sehun. Tumango naman siya. Hindi niya siguro napansin si Luhan.

Pumasok ako sa tent. Naririnig ko ang malakas na hikbi ni Luhan.

"Twinnie! Anong nangyari?" Tanong ko habang hinahaplos ang likod niya.

"Si Jongin kasi eh!" Pagkabanggit niya non, umiyak siya ulit. Sobrang lakas na ng hikbi niya. Kaya naman hinaplos ko pa nang hinaplos ang likod niya.

"Tahan na! Ano bang ginawa sa'yo ng negro na 'yon?!" Galit na tanong ko.

"Nag-confess ako sakanya pero 'di niya daw ako gusto! May iba daw siyang gusto at hindi ako 'yon!" At lalo pang lumakas ang hikbi niya. Napakamot naman ako. Hirap pa namang itahan nito.

Si Park Chanyeol (Chanbaek Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon