Chanyeol 11

3K 147 47
                                    


Bigla akong napatigil sa sinabi ni Sehun. At hindi ko alam pero bigla na lang tumulo yung luha ko. Parang ang bigat ng pakiramdam ko. Napaka-bigat.

"Sinabi ko na sa'yo, Baek. Pero wala na talaga ako sa posisyon ngayon para sabihin ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw nilang sabihin sa'yo yung tungkol sa sakit ni Kyungsoo.."

Pagtapos niyang magsalita lumabas na siya ng tent. Naiwan kaming dalawa ni Luhan. Ako naman napahawak na lang sa ulo ko. Hindi ko alam kung ano gagawin ko. Naguguluhan ako.

Unang-unaㅡbakit ayaw nilang sabihin sa'kin? Ano naman kung malalaman ko? Pangalawaㅡbakit parang ang dami nilang tinatago sa'kin. Panghuliㅡhindi ko na alam. Sobrang gulong-gulo na 'ko.

"Twinnehㅡwala kang kasalanan, okay? Hindi mo naman alam eh. 'Wag kang ma-frustrate. 'Wag mo sisihin sarili mo." Sabi ni Luhan habang hinahagod ang likod ko.

Umiling-iling ako. "Twinnie, kailangan kong puntahan si Kyungsoo. Gusto ko siyang kausapin. Gusto kong malaman lahat dahil pakiramdam ko ang dami nilang nililihim sa'kin eh."

"Pero, Twinneh.."

"Twinnie, I want to know the truth."

Nakatingin lang sa'kin si Luhan. Parang naguguluhan din siya kung papayagan niya ako o hindi.

Bumuntong hininga siya.

"Twinneh, 'wag muna ngayon."

"Kailan pa? Kapag patay na si Kyungsoo?" Awtomatikong napaluha ko nong sinabi ko 'yon.

Hindi nakapagsalita si Luhan.

Lumabas na lang ako ng tent. Naramdaman kong nakasunod sa'kin si Luhan. Pero hinayaan ko na lang siya.

Nakita ko si Sehun. Kakatapos lang makipag-usap sa phone niya.

"Sehun!" Tawag ni Luhan. Agad naman napatingin dito si Sehun.
"Pupunta lang akong hospital."

Bigla naman akong nabuhayan. Pumunta ako sa gawi ni Sehun. "Sasama ako, Sehun. Isama mo 'ko."

"Pero, Baek.."

"Sasama ako! Gusto kong sumama!"

Tinignan muna ako ni Sehun. Alam kong nagda-dalawang isip siya kung isasama niya ba ako o hindi. Pero desperadang-desperada na akong pumunta sa hospital. Gusto ko na talaga malaman ang totoo.

Bumuntong hininga si Sehun.

"Sige. Sakay na kayo."

-

Nang makarating kami sa hospitalㅡsi Jongin at Chanyeol agad ang nadatnan namin. Tumakbo na papunta si Sehun sakanilang dalawa. Meron na ding dalawang tao do'n katabi nila. Ayon siguro ang magulang ni Kyungsoo.

Nagulat ako dahil tumayo bigla si Jongin at sinugod ako. "Anong ginagawa mo dito?! Lumayas ka! Hindi ka kailangan dito!"

Bigla naman akong naiyak.

"Jongin, ano ba?! Wala siyang kasalanan! Hindi naman niya alam eh!" Hinila ko naman si Luhan palayo sakanya.

"G-gusto kong makita si Kyungsoo.." 'Yon na lang ang tangi kong nasabi.

Maya-mayaㅡnagulat ako dahil nandito na si Chanyeol sa harapan ko. Nakatingin siya sa'kin. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano. 'Di ko mabasa ang mga mata niya.

"Nasa loob. Puntahan mo.." Sabi ni Chanyeol tapos bigla na lang siya umalis.

Hinayaan ko na lang muna si Jongin. Pumasok ako sa loob kung saan nandito si Kyungsoo. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto hanggang sa makita ko na siya.

Si Park Chanyeol (Chanbaek Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon