Chapter Nineteen

41 3 6
                                    



"Kasama mo ba siya nung kinuha siya?" tanong ni Brent ng lumapit siya samin. Parang ayaw pa sumagot ni Ivory nang tanungin siya ni Brent dala ng takot. Tumango lang siya.



"Magkikita sana kami ng library para sabay sabay nang umuwi. Nang makita namin ni Philip na may humahatak sa kanyang dalawang lalaki. Nakacivilian sila ng suot tapos nakatakip ang mukha nila. Tumigil lang kami ng makita namin na may hawak silang baril tapos yung isa tinututukan si Lawrence sa tagiliran." Hawak hawak ni Ivory ang braso ko na para bang nanghihingi pa sakin ng suporta para hindi tuluyang bumagsak sa sahig.


"Nang habulin ko sila nakita kong isinakay nila si Lawrence sa isang van. Wala namang plate number. Naipablotter na namin sa pulis yung nangyari." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Philip.


"Ivory, Philip wag na muna kayong uuwi sa inyo. Hangga't hindi ako bumabalik dito muna kayo sa bahay. Safe kayo rito. At kung sakaling tawagan kayo ng mga pulis na kausap niyo kanina wag na wag niyong sasabihin kung nasaan kayo. Naiintindihan niyo ba ko?" matigas kong utos sa kanilang dalawa. Kahit parehong nagtataka ay sumunod nalang sila sa inuutos ko.


"Brent, tara." Sabi ko kay Brent na ikinabilis niya ng takbo papunta sa sasakyan.


"Anong balak mo?" tanong niya sakin habang papalabas na kami ng gate ng bahay.


"Babalik tayo sa school. Magbabakasakali akong tinakot lang si Lawrence. Dahil kung sakali, doon siya ibabalik ng mga yon." And I hope tinatakot lang nila si Lawrence. Na tinatakot lang din ako ni Mad-hatter. Dahil kung may masamang mangyari sa kanya. Hindi ko na alam kung ano pang makakaya kong gawin. You could take away everything from me but not him. Not him, mad-hatter. Or I'll kill you myself.


Mabilis na nagpatakbo si Brent habang kinakausap sa phone ang mga kasamahan niya. He called Eros to help us secure the school's entrance. Inutusan niya rin si Inigo na humanda at makipagkita samin sa school for reinforcement at siya naring tumawag sa grupo ng Marzana.


Hindi naibsan ng kahit konti ang bigat sa pag aalala ko kahit na sinabi ni Brent na handa na ang lahat.


Nang makarating kami sa school. Sobrang tahimik. Wala ni isang estudyante ang nasa labas. Maingat kami ni Brent ng lumabas kami ng sasakyan niya.


Hinalughog namin ang buong campus. Lahat ng pwedeng pagtaguan. Lahat ng pwedeng pagdalhan nila kay Lawrence. We met Eros along the way.


"Hindi pa rin namin siya nakikita. But there's an assurance na nandito na sila sa loob. Unfortunately, all the guards are dead. Pero inassign ko na ang ilang pawns para magbantay sa entrance at sa exit. All we have to do is to find him." Aligagang umalis si Eros holding his gun with a silencer in his side. He's ready for this combat.


"Maaaring assassins ni Mad-hatter ang kumuha sa kanya. This might be a trap." Patuloy na naglalakad kami ni Brent habang maingat n nagmamasid sa paligid. Tama siya. This might be a trap kaya kailangan naming mag ingat.

Have You Heard The Rumors?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon