Chapter II:

55 3 0
                                        

"Gaano na ba kayo katagal ng boyfriend mo?"tanong niya sakin.

"11months lang. Noong nakipagbreak siya sakin,1st anniversary sana namin non kaya lang don na rin nagtapos ang aming love story."

"Kawawa ka naman pala e.tanging nasabi niya.

"E kasi naman e,akala ko siya na yung romeo ng buhay ko yun pala ayun,nawala lang ako ng ilang araw nilandi na kaagad yung mga ahas don sa school. Tapos huling-huli ko na nga,sasabihin pang 'we're just friends.'At ako naman tong si tanga.."

"Pinatawad mo pa at nag-act na naniniwala kang kaibigan niya lang yun kahit alam mong more than friends sila. Tama ako diba?"pagdurugtong niya.Tumango na lamang ako bilang sagot.

"Oh,di tanga ka nga."

"Eh mahal ko eh."

"Eh tanga ka eh."

"Oo na!"sagot ko saka inirapan siya.

Pagkatapos naming magtalong dalawa,agad siyang may itinurong store sa labas. Asa store.

"Tingnan mo yun oh!Asa store."

"Oh tapos?Anong meron sa asa?"

"Singer."simpleng sagot niya.

"Singer?"

"Oo,sikat yun! Si asa siguerra."

Kahit kailan,napakacorny ng lalaking to.

"Asa? Ako yun."pag go go with the flow ko.

"Pala-asa!"pagdurugtong ko.

"Bitter mo."simpleng nasabi niya.

"Hindi ba masakit na kitang-kita mo na ang lahat? Nakakatawa ano?Umasa akong papakasalan niya ako. Pero sabi niya,wag daw akong mag ilusyon ng ganun kasi kahit kailan,walang mangyayaring ganun."

"Ang swerte niya,mahal na mahal mo siya."

"Ikaw ba? Wala kang lovelife?"pagtatanong ko.

"Meron. Kaya lang susuyuin ko pa girlfriend ko ngayon. Medyo nag away kasi kami eh. Ayun,nagtampo. "

"Ang swerte niya naman sayo,kasi kahit di niya sinasabing suyuin mo siya,sinusuyo mo."

"Mahal ko e.Kahit naman minsan masungit yon,di magbabago ang pagtingin ko sa kanya."

"Ah so siya ang pupuntahan mo dito?"

Tumango na lamanh siya.
"Eh ikaw ba?"pagtatanong niya sakin.

"Magpapalipas lang ng sama ng loob."simpleng sagot ko.

Once Upon A BusWhere stories live. Discover now