CHAPTER I:

112 6 2
                                        

"O sige na!Maglalarga na to mamaya! Sakay na ang gustong sumakay!" Sigaw ng iba't-ibang konduktor ng bus sa bus station sa koronadal city.

Umuulan noon kaya't nagmamadali akong sumakay ng bus papuntang davao city. Gusto ko kasing magpalipas ng sama ng loob sa bestfriend kong si chelsea kaya naisipan kong bisitahin siya kahit umuulan.

Nakadungaw ako that time sa bintana habang suot-suot ang aking earphone at pinapakinggan ang walang kasawa-sawang theme song namin ng boyfriend kong si Clarenze.

Hindi ko inaakala na,sasakay muli ako ng bus mag-isa.Hindi ako sanay pero kailangan kong sanayin ang sarili ko. Wala eh,break na kami.

Ilang sandali pa ang nakalipas,nagsimula nang maghanda ang bus para lumarga.

"Excuse me miss,mag-isa lang po ba kayo dito?"rinig kong tanong ng lalaki. Tumango na lamang ako bilang sagot sa kanya.

Inilapag niya ang kanyang bag sa lalagyan at saka umupo na sa tabi ko.

"Uhm..miss,okay ka lang ba? Napapansin ko kasing parang malungkot ka. May problema ka ba? Pwede kang magshare kung gusto mo :)"

Naatingin ako sa kanya at saka inirapan siya. Napakaintribidido naman to.

"Ang sungit mo naman."rinig kong sabi niya.

"HINDI AKO MASUNGIT."wika kong halos pasigaw.

"Tanga lang."pagdurugtong ko.

"Ah. BH ka pala."

"BH?"pagtatanong ko sa kanya.

"Bh..ahm..yun yung feminine wash. BH care hahaha"sagot niya at natawa sa sarili niyang joke.

Gwapo sana. Corny lang.

"Uy..tumawa ka naman. Napakaseryoso mo e. Gusto lang naman kitang patawanin."

"Corny mo."simpleng sabi ko.

"Broken hearted ang ibig sabihin non. Okay lang yan,makakahanap ka rin ng iba. Yung talagang magpapasaya sayo. Ang ganda ganda mo tapos nakasimangot ka lang."sabi niya saka iginuhit ng masaya ang mukha ko gamit ng kamay niya.

"Hoy,anong ginagawa mo?"pagtatanong ko saka iniwagsi ang kamay niya.

"Gaya ng sabi ko,pinapatawa lang kita."

"Close ba tayo? Hello? Di nga kita kakilala eh at saka di ko kailangan ng iba para sumaya"

"Bahala ka. Pero kapag pumangit ka at nakita ka ng ex mo,sigurado di niya pagsisisihan na pinalitan ka niya. At kahit kailan,kailangan mo parin ng iba para sumaya. Wag kang KJ."

After nun,di na siya nagsalita pang muli.

Nagfocus na lamang ako sa pagsta-stalk sa kay clarenze sa fb. Ayun,ansaya niyang nakikipagharutan sa bago niya.

"Di ka naman masasaktan kung di ka stalker sa ex mo e."

Naluluha akong napatingin sa lalaking katabi ko. Wala na akong pakialam kung corny at nakakainis siya,kailangan ko na ng kausap e at..at..

"Pahiram ng panyo"

Kailangan ko ng panyo. Wala akong dala eh. (hehehe)

Once Upon A BusWhere stories live. Discover now