Official

2.9K 113 4
                                    


PAPASOK pa lang si Niccolo sa kanilang hideout ay umaalingasaw na ang pangit na enerhiya.

Hindi pa siya tuluyan nakaapak sa bukana ng pinto ay sinalubong agad siya ng mga tauhan niya kasama sina Mori at Jigs.

"Boss!" Magkasabay ang lahat na yumuko. Bakas sa mga mukha ng mga ito ang hindi mapalagay.

"What's wrong?" Malamig niyang tanong na inabot kay Jigs si Bella.

"Boss, may problema." Si Mori na hinarap siya.

Hindi niya pinansin si Mori. Nagtuloy tuloy siyang pumasok sa basement. Tumama ang kanyang mata sa isang malaki at mahabang kahon. Mahinuhang isang regalo ang pagkabalut niyon.

"Fuck!" Tila kulog ang mura ni Niccolo nang bumungad sa kanyang harapan ang isang bangkay na nasa loob ng kahon. Ang tauhan na tinalaga niya upang magsaliksik at hanapin ang lungga ni Franco. "When did this corpse arrive?!"

"Ngayon lang, Boss!" Si Mori.

"Ligpitin n'yo 'yan!" Kinuha ni Niccolo  si Bella. Nagtungo siya sa Chesterfield chair saka doon pinagpahinga ang sarili.

Lumapit si Mori sa kanya. "Boss, alam na ni Franco ang lugar natin, natutunton niya tayo ng walang kahirap-hirap." Sinulyapan ni Mori ang bangkay sa likuran.

"So what? Wala akong planong umatras!"

"Pero Boss, sa ngayon hindi tayo makakilos dahil ni anino ng matanda ay hindi natin mahagilap."

Niccolo hissed. There's nothing they can do but not to put their guard down, dahil sigurado siyang may nakabantay sa bawat kilos ng pangkat n'ya sa katotohanan na kusang pinadeliver ni Franco ang bangkay sa lugar niya.


"Boss, alam ni Franco kung nasaan tayo."

Kumikilos na ang matanda ng palihim. The old man threatened him. He wanted him to go back to Italy

Wala siyang planong bumalik doon. At wala siyang planong hahayaan ang matanda sa balwarte na sa simula pa lamang ay sa kanya na.

"They're a bunch of a coward! Mori, appoints Rocky to find that old man's hidden base!" Madiin na utos niya na halos madurog ang bagang sa panggagalaiti.

"Opo, Boss masusunod."

***

Isang linggo ang nakalipas mula noong dumalaw si mommy Evelyn at hanggang ngayon ay wala akong narinig sa kanya. Alam kong nagdamdam ang aking ina pero siguro naman sa pagkakataong ito iisipin ko naman ang sarili ko.

"Isabella!" si Ate Roda sa kabilang linya. "Sigurado ka ba diyan sa desisyon mo?"

Umungol lang ako bilang puna kay ate.

"You're really into him, do you? Natuto ka nang kalabanin si mommy."

Ilang segundong walang narinig si ate mula sa'kin. Nagpakawala siya ng buntong hininga.

"Basta ako, hindi kita pangingi-alaman diyan sa desisyon mo basta kung anuman ang mangyari nandito lang ako. Hindi sa kinukunsinte kita matanda ka na, Isabella alam mo na ang tama at mali."

"Ate-"

"Anyway, my career now is facing a crisis!"

Nabasa ko sa isang tabloid. Nakuhanan ng press si ate kung paano niya sinagot sagot sina mommy at daddy noong nagfamily dinner kami kamakailan. Hinuhusgahan siya ng mga tao na walang modo at walang utang na loob. And it was because of me.

Got Hitched By MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon