Sue me or Sue you?

492 10 0
                                    

Ang Panibagong Yugto

Isabella?

Ang babae ay nagpapa-alala sa kanya sa ina ng anak niya. Nilakbay niya ang paningin sa mukha nito.

The woman is attractive... pretty. Isn't seductive but innocent. Hugis puso ang mukha nito. Matangos ang ilong. Ang labi ay maninipis at natural na mapupula. Makinis din ang pisngi nito na may kaunting freckles na bumagay lalo sa anyo. Wala ni maski parte sa mukha nito na kaparehas kay Isabella. Pareho silang maganda ngunit magka-iba ang angking ganda.

Si Isabella ay may pinakamagandang mukha na nasilayan niya sa tanang buhay niya. Kahit na noong highschool pa lang sila alam niya ang kagandahan taglay ng dalaga na kinubli nito sa likod ng malaking salamin sa mata. Kulay gatas ang balat nito at napakakinis. Matangos ang ilong ni Isabella. Ang labi nito ay natural na namumula kahit hindi ito nakasuot ng lipstick. Mahaba at tuwid ang buhok na palagi nitong tinatali. May hugis almond na mga mata at pilantik na pilikmata.

Malayo ang hitsura ng babaeng kaharap niya kay Isabella ngunit ang mga mata ng babae ay maihahalintulad niya kung paano tumingin si Isabella sa kanya.

"Isabella?" Hindi namalayan ni Niccolo na lumabas iyon sa bibig niya nang magtama ang kanilang mga mata.

Nang marinig ng babae ang binigkas niyang pangalan ay tila nakitaan niya ng pagkalito ang hitsura nito. Ngunit agad din iyong naglaho. Isang maliit na ngiti ang pinakawala nito pagkatapos.

"I think the cat is alright." Pahayag nito na dinampot ang kuting saka hinaplos.

Walang namutawing salita sa labi ni Niccolo saka umatras. "I am sorry." Daling siyang tumalikod at iniwan ang babae.

Blangkong nakasunod tanaw lang sa kanya ang babae na halos tinakbo ang kinaparadahan ng kotse niya saka nilisan ang lugar.

***

Natagpuan ni Niccolo ang sarili sa isang pribadong bar.

"Boss!" Kanina pa siya sinaway ni Jigs.

Panay ang tungga niya ng brandy. Wala siyang planong umuwi sa bahay na hindi lango sa alak dahil siguradong kakainin na naman siya ng tinding pangungulila.

"Grab a drink, Jigs!" Matamlay niyang inikot-ikot ang baso ng may laman mamahaling alak.

"Boss, naghihintay si princess Chiara sa bahay."

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawala niya nang marinig si Jigs. "Just give a minute... uuwi na tayo pagkatapos."

Hindi pwedeng maging pabaya siya. Kailangan siya ni Chiara.

Sumusukong naupo si Jigs sa nakalaang stool sa harap ng counter saka tinungga rin ang basong may lamang alak.

Dinukot ni Niccolo ang cellphone sa bulsa nang mapansin niyang tumunog ito. May mensahe galing sa prinsesa niya.

Daddy, what time ka po uuwi?

Any minute, I'll be there, princess.

I'll wait, Daddy. Luv u.

I love u too, princess.

Isang maliit na ngiti ang sumilay sa labi ni Niccolo habang binasa ang mensahe ng anak niya. Chiara never fails to please him. She always reminded him that he still existed as her father. Chiara is smart, sweet and loving.

Sinulyapan niya ang relo sa braso. Alas diyes na at lumalalim na ang gabi.

"Jigs, let's go." Nauna na siyang tumayo upang lumabas sa esklusibong bar na pagmamay-ari ng kaibigan niyang doctor.

Got Hitched By MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon