A Date

2.8K 98 9
                                    

"STAY where you at. I'll run to you," madiing utos ni Niccolo sa kabilang linya. Mas lalo akong napahikbi nang marinig ko sa boses niya na may bakas na pag-alala.

Yes. I hate him yet; he flutters my heart. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ko siya tinawagan basta natagpuan ko na lang ang sarili kong hinanap ang call logs ko.

"Who made you cry, Isabella!" kalmado ngunit may diin na tanong niya mula sa kabilang linya. 

Tuloy mas lalong bumalong ang luha ko sa mga mata sa narinig. Walang namutawing salita sa bibig ko kundi ang aking mga hikbi. 

Walang kisap mata'y narating ng binata ang kinaroroonan ko sa labas ng apartment I was standing meters away from his gate. Nanginginig ang palad ko habang nanatili na nakadiin ang cellphone sa aking tainga.

Nakita ko si Niccolo na gaya ko ay hawak-hawak niya ang cellphone. He straightened. He looked at me from a far. He was a few meters away.  

"Y-You came!" sumisingot na sabi ko sa cellphone.

"Run to me, Isabella," si Niccolo mula sa di-kalayuan. "Run to me."

Walang pag-alinlangan na sumunod ako sa utos ng binata. Hindi ko man maipaliwanag ngunit sa pagkakataong ito wala akong ibang hangad kundi ang makulong sa mga bisig niya. Tinawid ko ang pagitan naming dalawa hanggang sa nakalapit ako sa kanya ng tuluyan.

"Tell me, who made you cry, Isabella?" Nahihimigan ko sa boses niya ang galit. Biglang nagdilim ang mukha ng binata. "Sabihin mo kung sino ang nagpa-iyak sa 'yo at hindi ako magdadalawang isip na burahin siya sa mundo!" Awtomatikong inabot niya ang braso ko't kinabig ako ng yakap.

Mahigpit na yakap. Yakap na nakakapawi ng hinanakit na nadarama ko sa sandaling ito. Tuloy mas lalong naglandas ang luha ko. He made me feel that I am existed; that I am appreciated.

"Tell me, Isabella," his voice hoarse.

"H-Hindi mo kailangan na maging bayolente upang pawiin ang hinanakit na nararamdaman ko. Ang presensiya mo ay sapat na upang mapawi ang lahat na bigat sa puso ko, Niccolo." Sumisingot na turan ko.

Dama ko ang paghigpit ng yakap niya sa katawan ko. Kusa ko din na dinala ang bisig para suklian ang yakap niya. He brushed his lips on my hair.

"Anong gusto mong gawin ko para tumahan ka na?" tanong niya nang marinig ang walang humpay na pagsingot ko. 

"Anong gusto mong gawin ko para ngumiti ka na?" marahan niyang tanong muli. Hindi pa rin ako sumagot at pinakiramdaman ko ang sarili. "You want me to throw a joke?" Out of nowhere he added.

Nanatili kami sa gano'ng posisyon. Binaon ko ang mukha sa dibdib niya hanggang sa kalaona'y unti-unting tumila ang mga luha ko. I feel at ease. 

"May joke ako," panimula niya. "Anong hayop na walang gilagid?" sobrang seryoso ang boses niya na hindi ko matukoy kung nagjo-joke nga ba siya.

Umungol lang ako bilang puna sa sinabi niya.

"E di Lang-gum!"

Hindi ako natawa at tila ba dumaan ang uwak sa paligid dahil sa corny ng joke niya. Pero sa totoo lang gumaan naman talaga hinanakit na nararamdaman ko dahil sa presensiya niya. It just that he was so corny.

"Fuck, Isabella! Sabihin mo kung paano kita mapapasaya?" giit ni Niccolo nang walang marinig mula sa akin. Hinigpitan niya ang yakap sa akin.

"I-I am okay." Kinalas ko ang bisig sa pagkakayakap ko sa kanya. Tiningala ko ang mukha niya. Malinaw sa mga mata ko ang gwapong hitsura ng binata kahit na ba medyo madilim ang kinatatayuan namin. Tanging ang liwanag na mula sa buwan at ang ilaw sa poste ang nagsisilbing tanglaw sa sandaling ito. 

Got Hitched By MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon