Pasensiya na Mike, pero hindi ko ipagsasapalaran si Roxanne sayo, nasa sa iyo na siya noon, pinakawalan mo pa.

Ngayon lang talaga siya nagkaganito sa babae. Imagine, yung babaeng opposite pa ng mga babaing magugustuhan niya. Walang kahinhin-hinhin sa katawan, magaslaw, makulit, maingay. Sobrang pinipigilan niya yung sarili niya tuwing gabi na pasukin ito sa kuwarto.

Ginamit nila ang pick up ng binata papuntang Davao. Excited na excited si Kate, matagal-tagal na rin kasi itong hindi nakakapunta ng Davao, yung huli yata ay nung Disyembre pa. Sabi nga si Drew, may bago raw bukas na mga malls. 'Di naman talaga siya mahilig sa mga malls, yun nga lang, para sa anak niya, gagawin niya ang lahat.

Ang ingay na naman ng dalawa habang nagpaparamihan ng makikitang baka at kalabaw sa paligid. Halos 3 oras rin ang ibibiyahe nila papuntang Cotabato City at Kulang –kulang apat na oras papunta namang Davao.

"Papa, dun ba tayo sa dating bahay natin?" May bahay kasi sila sa Davao City.

"Yes Baby. I-tour mo si Tita Roxanne mo dun ha."

"Opo, Papa. Tapos pupunta tayo ng malls ha, maglalaro ako sa zoofari at sa world of fun."

"Sure Baby Pretty, sasama ako sayo dun kasi missed ko na magplay." Si Roxanne. "Bossing, ano nga pala transaction natin sa Davao?"

"Wala." Simpleng sagot nito.

"Wala, as in whiz?"

"Oo, magrerelaks lang tayo, matagal ko na ring hindi naipasyal si Kate."

Naalala niya si Pot-Pot. Matagal na rin silang hindi nakakapasyal. Nalungkot tuloy siya. Napansin iyon ni Duncan.

"Bakit?"

"Namissed ko lang si Pot-Pot."

Naawa tuloy ang binata.

Gabi na nung dumating sila sa Davao. Nakatulog na ang dalawa. Napangiti si Duncan, para silang mag-ina.

Ginising niya ang mga ito para kumain na lang sa isang fastfood chain. Nakita niya ang excitement sa mukha ng mga ito. First time kasi ni Roxanne makatuntong sa Davao. Malawak nga talaga ang Davao. Sa Maynila kasi nagtataasan ang mga gusali, mga skyscrapers, pero hindi naman magpapahuli ang Davao.

Humanga si Roxanne sa bahay ni Duncan. Hindi gaanong malaki pero ang ganda ng interior design, halatang namamaintain din ang kalinisan nito.

"Magpahinga na muna kayong dalawa, bukas, mamamasyal tayo."

Biglang tumunog ang cellphone ni Roxanne. Si Mike.

"Mike, oo, nandito kami sa Davao. Kaming tatlo."

Napasimangot si Duncan. Nakakasira ng moment itong si Mike. Pero ang haba ng tenga nito, nakikinig sa usapan ng dalawa.

"Mga limang araw raw kami dito Mike eh."

Bakit parang may lungkot yata ang boses ni Roxanne, mas gusto ba nitong makasam si Mike kesa sa kanya? Nabuhay na naman ang hindi niya maintindihang selos.

"Matulog na nga tayo Kate."

Kinabukasan ay tumawag siya kay Lucas Dylan.

"May update na ba, Pare?"

Natawa ang nasa kabilang linya. Nung isang araw lamang ibinigay ng kaibigan ang detalye tungkol kay Roxanne, update agad agad ang gusto nito. Pero nakapagsimula na ang agent niya sa Manila, hinahanap na ang address nito.

"Pare naman, chill lang, dalawang araw lang yata ang nakalipas nung ibigay mo to sa akin."

"Dalawang araw pa lang ba?" Parang wala sa sarili si Duncan.

Ang Promdi At Ang ProstiKde žijí příběhy. Začni objevovat