CHAPTER 124 : CHAMPIONSHIP

Magsimula sa umpisa
                                    

"Tsh.. hindi lang ikaw ang magaling sa Team natin, Kev.. malakas naman talaga sila at mahirap kalabanin.." sagot nya pa.

"K-Kasalanan ko pa rin.."

"Ano ba kasing sinuot mo??" pigil ang inis na tanong nya. "P-Pare.. hindi na kita maintindihan, parang hindi na kita kilala e.." bumuntong-hininga ulit sya. "Parang hindi na ikaw yung Kev Gonza na kilala ko---anong nangyari sayo?!"

Napatungo ako sa diin ng pagkakasigaw nya sakin..

Alam kong galit sya at alam kong hindi magiging madali sakin ang ibalik ang tiwala nya..

"Masyado kang nilalamon nyang galit mo.. Sa sobrang tindi ng galit mo.. s-sariling buhay mo na yung sinisira mo Kev.. Hindi ka naman ganito noon di ba?! Maayos ang buhay mo---at masaya! Kuntento na tayo sa buhay nating kahit kapos--basta masaya! Nagbago lahat nung nagsimula kang magtatanong tungkol dyan sa buhay ng Nanay mo!" sigaw nya pa at mas napatungo pa ako sa pagkapahiya. "Hindi kita maintindihan.. at hindi yata kita maiintindihan.. Kakaiba na kasi yang isip mo.. Nagugulat na nga lang ako kasi nagagawa mo pa ring magsorry ngayon.. buti naman naisipan mong magsorry?" sarkastikong tanong nya pa kaya naman iniangat ko ang paningin ko sa kanya.

"S-Sorry talaga, pare.." sabi ko.

Bumuntong-hininga ulit sya habang salubong ang kilay na nakatingin sakin..

"Tignan mo ang sarili mo.. ni hindi ka makapaglakad ng maayos!" sigaw na naman nya.

Hindi ako nakasagot..

"Anong sasabihin mo sa Nanay mo kapag nakita nila yan?!" tanong nya pa.

"H-Hindi ko naman balak ipakita e.."

"Sa tingin mo naman, hanggang kailan mo maitatago sa kanila yan!?"

"H-Hindi ko alam.."

"Tignan mo na?! Puro ka kasi kalokohan! Hindi mo naman kayang lusutan!"

"T-Tsk.. nandito na 'to kaya kung pwede.. wag na tayong magtalo.. Nagsosorry na nga ako e.."

"H-Hintayin mo ko dyan, kukunin ko lang yung gamit ko.." sabi nya at saka mabilis na tumalikod.

"Dinala ko na.." sabi ko dahilan para matigilan sya at muling lingunin ako. Itinaas ko naman ang kaliwang kamay ko habang hawak ang bag nya para makita nya.

Umiling sya bago tuluyang lumapit sakin at pahablot na kunin yon...

"I-Ikaw na lang ang natitirang tunay na kaibigan ko kaya sana pare.. m-maintindihan mo.." bulong ko pa.

"Hindi kita maiintindihan kahit kailan kaya wag ka ng umasa.."

"Pucha pare.. para naman tayong magsyota nito e.." asar na sabi ko pa. "M-Magpapaliwanag ako.."

Nagsimula kaming maglakad tuluyan papalabas ng school.. Maglalakad lang kami pauwi..

"Alam mo naman kung anong klaseng tao sila Mallyu at Yago di ba? Bakit sumali ka pa sa tropa nila? Hindi ka pa ba kuntento'ng kaibigan mo ko?!"

"H-Hindi mo kasi maintindihan.."

"Dahil hindi ko ugaling mambugbog tulad nila!?? Oo! Alam ko! Hindi ako sing tapang nila at hindi ako sing lakas nila! Pero sa puso't isip ko.. 'kaduwagang' matatawag yung ginagawa nila!"

"J-Jermayne.."

"Okay na okay na tayo sa buhay natin sa school---bakit naisip mo pang sumali sa kanila?! Nauulul ka na ba talaga ha!?" sigaw nya pa habang naglalakad kami ng mabagal papauwi.

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon