“If you have something to tell, go. We’re here to listen.”
“Wag niyo nga sabi akong pakialaman.”

“Pa’no ka namin maiintindihan?”

“Sarili ko nga di ko maintindihan.”

“Vanes―”

“Hindi ko maintindihan ba’t kailangan silang mawala! Hindi ko maintindihan bakit kailangang magkalayo kami ni Emil. Hindi ko maintindihan bakit kailangan kong maiwan dito kasama kayo! At kayo! Hindi ko kayo maintindihan! Kung pamilya tayo, sinong nanay, sinong tatay ko?!”

Sinamantala ko ang katahimikang nangibabaw para magpatuloy sa pag-iimpake ng mga gamit.

“You asked for space,” Kalmanteng panira ni Mr. Linares sa panandaliaang katahimikan. “Binigay naman namin. Now that we’re here―”

“Yun na nga e. Dinaig niyo pa totoong magulang! Ang exagge nyo maka-parenting.”

“We’re just thinking about your safety.”

“Lahat na lang! Lahat na lang tatanungin nyo. Kesyo sa’n ako pupunta. Sinong kasama ko. Anong oras darating. Kulang na lang maging bodyguard ko kayo.”

“Iniintindi ka namin pero sana intindihin mo rin kami. It’s our duty to―”

“Duty duty. Kung feeling niyo sundalo pa rin kayo ba’t pa kayo nag-early retirement? Tapos ngayon ako pagdidiskitahan nyong guwardyahan? Protektahan? Punyeta!” Nakadagdag pa sa init ng ulo ko ang bag na hindi ko maisara dahil halos bumulwak na sa dami ng gamit na pinaglalagay ko.

“Hija, hindi ka pwedeng umalis―”

“We’re just trying to―”

“Bakit niyo hinayaan si Emil mag-aral sa abroad?” Kwestyon ko nang subukang agawin sa’kin ni tito Vincent ang dalang bag. “Kung gusto nyong maging magulang, pauwiin nyo siya dito and I’ll stay too.”

“Vanessa, magandang opportunity ‘yon para sa kuya mo at ‘yon naman ang gusto niya. Sinusuportahan lang namin siya.”

“Ang sabihin niyo, gusto nyo talaga na malayo siya para mabawasan kayo ng aasikasuhin. Alam ko namang napipilitan lang kayo.” Marason pa ring sabat ko kahit paalis na. “Hayaan niyo, wala na kayong magiging sakit sa ulo. Hindi niyo kailangang maging magulang para sa’kin.”

Gusto kong lamunin ng lupa sa tuwing naaalala ko ‘yon. Sobrang immature. Palasabat. Bastos. Akala mo kung sino. Ngayon, naiinis ako sa sarili noon. Nakakahiya. Maling-mali.

“I’m sorry Mr. Steffan, Mr. Linares.” Wala sa hinagap kong litanya.

“Kalimutan na natin. Alam naming nag-a-adjust ka pa rin sa mga panahong ‘yon. Naiintindihan ka namin.”

“May isa lang kaming request.” Ani Mr. Linares.

“Ha?”

Napangiti ito bago magpatuloy. “Kung pwede wag ng Mr. Steffan and Linares ang itawag mo sa’min.”

“Wag mo na siyang pilitin.” Ani tito Vincent sa kanyang partner. “Ako nga, never niyang tinawag na tito or uncle.” Saka ito bumaling sa’kin na may nagbibirong ngiti.

Haraam (GxG)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant