“Napaka-loyal mo naman para di na makipagkaibigan sa iba.” Pakli ko.

“Mas loyal akong girlfriend. Di kita ipagpapalit sa kahit gaano pa tayo magkalayo.”

Mahina akong natawa. “Ang corny mo.”

“I mean it.”

“Pero hindi mo ‘ko girlfriend.”

“Hindi naman kailangan.”

“Ha?”

“Just because you’re not my girlfriend doesn’t mean I don’t have to be loyal to you.”

“Nasobrahan ata ng keso yung mac and cheese mo kanina.” Pilit kong biro, di magawang tumingin sa kanya. Kunwaring inabala ko ang sarili sa paglalagay ng bala sa cartridge.

“Seems you two both having fun.”

Pareho kaming napalingon ni Heather sa nagsalita. Sila tito Vincent at Roel ang pumasok sa booth na kinaroroonan namin.

“Yes, indeed. Thank you for having me here sir. I will treasure this experience.”

Gusto kong matawa sa pagiging formal ni Heather. Hindi ko alam kung sinasadya niya para magpatawa or talagang nai-intimidate kaya siya ganyan sa kanila.

“Nagsasayang lang actually ng shooting targets at bala si Heather.” Biro ko.

“Kanina lang sabi mo, not bad.”

“Sa pang-apat mong rounds.”

“I’m a first-timer.”

“Pero tinuruan ka naman kanina.” Saglit akong tumingin kila tito na nagturo sa kanya ng proper handling ng baril at firing.

“You know that I’m a slow-learner. Tingin mo makakabisado ko sa isahang instructions?”

“Okay, okay.” Taas ang dalawang kamay at natatawang tugon ko.

“Oh, bakit di mo siya turuan?” Di ko inaasahang suggest sa’kin ni tito Vincent. Pareho ulit kaming napatingin rito ni Heather. “Total sharpshooter ka, bakit di mo siya turuan ng mga techniques?”

“Kaya nga.” Segunda rin ni tito Roel. “Bakit di mo ituro sa kanya mga alam mo? Like proper gun-grip, posture and when to pull the trigger? Sinabi mo nga nagsasayang lang siya ng bala. Maybe she just keeps on firing.”

“Right. Ba’t di mo ‘ko turuan total nandito ka sa booth ko?” Napatingin ako kay Heather na malokong nakangiti ngayon.

Okay. Pinagsisisihan ko ng tingnan siya rito at kantyawan.

“Sige, balik na rin kami sa booth namin. We’re just checking on you.” Paalam ni tito Roel.

“Remember the Do’s and Don’ts guys.” Paalala naman ni tito Vincent bago kami tuluyang iwan.

“So, where to begin Lara Cro-- Ow!” Tinadyakan ko nga siya. “Hanep. Cariño brutal.” At nagawa pa niyang magbiro habang sinasapo ngayon ang binti niyang tinadyakan ko.

Kinabig ko ang damit niya sa likuran upang patuwidin siya ng tayo mula sa pagkakayuko. Kinuha ko ang earmuffs at goggles niya para ibalik na isuot sa kanya.

Haraam (GxG)Onde histórias criam vida. Descubra agora