Hindi ko binigyang pansin ang katanungan niya sa huli na alam ko namang segway lang. Iniisip ko ngayon ang sinabi niyang rare condition no'ng babae.

"Prosopagnosia?"

"Do you think love is blind?"

"'Yong sinasabi mong babae, face-blind siya?"

"You got it." Bumangon siya mula sa pagkakasandal at pinagdiskitahan ulit ang inumin.

"Ipakilala mo nga siya sa'kin." Natigilan si Heather at tiningnan ako. "Gaya ng sabi mo, rare 'yong condition niya." Paliwanag ko sa alam kong itatanong niya. "Gusto kong makakilala ng mga taong may bihirang traits."

"Ewan ko sayo. Tara na." Tumayo na siya matapos maglagay ng pera sa mesa, 'di man lang nagtawag ng service crew para sa billing-out. Pagkasuksok ng wallet sa kanyang backpocket ay kinuha na niya ang mga bitbit kong libro kanina at nanguna na sa paglabas, di man lang ako hinintay.

"May connection pa ba kayo?" Pangungulit ko sa kalagitnaan ng aming paglalakad pauwi.

"Para sa'n pa't iniwasan ko siya kung 'di ko rin lang puputulin ang connection sa kanya diba?"

"Wala or Meron lang naman ang sagot e."

"Wala na."

"Paano kayo nagkakilala? At ano 'yong sinasabi mong tricky-something...Basta. Part 'yon ng alin?"

"Bakit ba puro ka tanong?"

"Bakit kasi hindi mo na lang sagutin?"

"Because it's not necessary."

"Bakit?"

Patuloy lang siya sa paglalakad at di na ulit nagsalita pa pero dahil sa nakapalagayan ko na siya ng loob, nawalan na 'ko ng hiya at alinlangan pagdating sa kanya. Kaya gaya ng paglalakad namin ay walang tigil din ako sa pagtatanong.

"Bakit ba laging limited pag nagkukwento ka ng tungkol sa'yo?"

"You're asking questions that aren't just about me. Sinabi ko na sa'yo, ayokong pag-usapan ang ibang tao."

"Pero naging part siya ng buhay mo."

"She was a part of my job."

"Job?"

Naalala ko na naman yung sinabi niyang 'Entertainer' daw siya 'but not a hooker kind of job'. At bakit marami siyang ligoy sa bawat sagot? May inililihim ba siyang hindi ko pwedeng malaman?

Dahil sa mga roller coaster na katanungang umarangkada sa isip ay di ko namalayang mag-isa na lang ako ngayon sa kinatatayuan. Lekat. Siya itong nagsabing sinundo niya 'ko para may kasama pauwi pero hayun na't iniwanan ako. Hindi na yata nakayanan ang kakulitan ko sa pagtatanong.

Hanggang sa makarating kami sa pad, hindi na 'ko kinibuan ni Heather.

"Galit ka ba?" Pagbasag ko sa katahimikan. Hindi ako sanay sa biglaang pagbabago ng kanyang mood. Ganyan na ganyan siya sa ibang tao. Kagaya na rin kaya ako ng iba? May nasabi ba 'kong mali at instant siyang naging distant sa'kin?

Tiningnan niya ako matapos ilapag ang libro ko sa mesa. "Hindi. Bakit?"

"Totoo?"

"I had too much interraction with people. Pagod lang ako." Pagal niyang ibinagsak ang sarili sa sofa saka ulit lumingon sa'kin. "Can you give me a massage?"

Imbes na mainis ay para akong nabunutan ng tinik dahil sa di inaasahang biro niya sa huli. Akala ko kasi, iiwasan na talaga niya 'ko dahil naaalibadbaran na siya sa kakulitan ko. Hindi ko naman kasi maiwasang di magtanong dahil parang may hindi siya pwedeng sabihin kaya mas lalo akong nako-curious at gusto ko lang namang malinawan sa bawat pagtataka.

Haraam (GxG)Место, где живут истории. Откройте их для себя