Chapter Eight

1.6K 54 3
                                    

Naka-isang linggo na si Shin sa bakasyon niya. Abala siya sa pamamasyal sa mall nang may mapansin siyang babae na pamilyar sa kanya. Hindi siya maaaring magkamali. Si Ranee iyon. Naramdaman marahil ng babae na may mga matang nagmamanman dito kaya lumingon ito. Nagtagpo ang mga mata nila. She saw recognition on her face.


Masyadong mabilis ang mga pangyayari. The next thing she knew, she was begging for her forgiveness.


"Shin, patawarin mo ako."


Dire-diretso siya sa paglalakad. Ayaw niyang marinig ang sasabihin nito. It was painful to bring back the past.


"Stay away from me," she blurted out.


Sinundan pa rin siya nito. "I planned everything. Pinlano kong galitin ka at ginusto kong ma-stress ka para mawala na ang baby ninyo. Umasa akong kapag nawala na ang baby ninyo, mawawala na rin ang ugnayan ninyo ni Aris. I was wrong. Patawarin mo ako."


Binalikan niya ang babae nang ma-absorb ng utak niya ang confession nito. "This is for you." Isang malakas na sampal ang pinadapo niya sa pisngi nito at walang lingon-likod na nag-walk out siya.


Nanginginig siya sa galit pero makalipas ang ilang sandali, gumaang ang pakiramdam niya. Sapat na sa kanya na nasampal niya ito sa pangalawang pagkakataon. That slap was long overdue. Dapat ay noon pa iyon natamo ng babae mula sa kanya.


"Hey little sister," bati ni Tommy kay Shin nang bisitahin niya ito. Doon agad siya dumiretso pagkatapos nang naganap sa pagitan nila ni Ranee. She needed somebody to talk to.


"Hi."


"Bakit napasyal ka yata dito sa bahay? Ayaw mo na ba sa penthouse mo?"


"I saw Ranee. We talked."


That said it all. Sumeryoso ang mukha ni Tommy at mataman itong nakinig sa kanya. Inilahad niya rito ang aksidenteng pagkikita nila ni Ranee pati na ang pag-amin nito sa kasalanan nito.


"I think Aris can wrangle her to death if he would know what she did."


"Gusto ko din siyang patayin. Kaya lang wala naman ng magagawa iyon. Nakaraan na ang lahat."


"What's your plan now? Mukhang masugid si Aris sa pag-win back sa iyo."


"How did you know?"


"He told me. Well, what's your plan?" Inulit nito ang tanong sa kanya.


"I don't know. Baka guilty lang siya kaya niya ginagawa ang lahat ng ito."


"Let me tell you a secret."


Nagtatakang napatingin siya rito.


"Pagkaalis mo, madaling natunton ni Aris ang kinalalagyan mo. With his connections, money and power, it was not impossible."


Inaasahan niya na iyon. The question is 'Did he root for her?'


"Sinundan niya ba ako?" hindi niya napigilang itanong.


"Yes. He made sure that you're okay. Pero nangako siya kay Daddy at Mommy na hindi siya magpapakita sa iyo at hindi ka niya lalapitan hanggang hindi ka pa nakaka-move on."


She stayed silent for a while.


"Tuwing wedding anniversary ninyo, nandoon siya sa exact place kung saan ka nandoon. Siya ang nagbibigay sa iyo ng Iris flowers. He's a workaholic person for the entire year. Pero kapag sumasapit na ang anniversary ninyo, he takes fifteen days of vacation leave. He spent those days looking at you from afar."


"I thought those flowers were from some admirers."


Natawa ito ng pagak.


Come to think of it, bakit nga ba hindi niya na-realize na sa asawa niya nanggaling ang mga bulaklak na iyon. He didn't know that she loved Iris flowers. Pero hindi na siya dapat magtaka roon. Madali lang makuha kay Tommy ang impormasyong iyon. She should have known because those dates were their anniversaries.

TEARS FROM POLARISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon