Chapter Six

1.8K 57 3
                                    

Sa tingin ni Shin, unti-unti nang bumabalik ang dating masayang samahan nila ni Aris. Doon na muna sila sa condominium nito nakatira kahit na hindi pa sila kasal. Mapilit kasi si Aris na gusto nitong namomonitor ang pagbubuntis niya. Mayroon kasing tertiary hospital malapit sa condo nito. Maaari din naman siyang manatili sa penthouse niya kaya lang ay hindi na siya binigyan ng future husband niya ng options.

Ilang araw kasi mula nang mamanhikan ito sa mga magulang niya, dinugo siya. She was rushed to the hospital. Incompetent daw ang cervix niya at para mapigilan ang pagbuka niyon na pwedeng mauwi sa miscarriage, sinabihan siya ng doktor na mag-bed rest. Bawal siyang maglakad nang malayo. Bawal siyang mapagod at ma-stress. She immediately rendered her resignation. Mas mahalaga ang buhay ng anak niya kaysa sa career niya.

One more thing, bawal na muna silang magniig nito. Not until she's on her ninth month. Sa iisang kwarto lang sila natutulog ni Aris. Magkatabi sila sa isang kama. They just talk like they did before. They hug each other sometimes. Pero hanggang doon lang, bawal lumagpas sa limitasyon na itinakda ng OB-Gyne niya.

Halos buong araw lang siyang nakahilata. Regular na bumibisita sa kanya ang pamilya niya. May helper din siya na gumagawa ng lahat ng gawaing-bahay.

Sa tuwina ay may oras si Aris na inilalaan para sa kanya. Alagang-alaga siya nito. Well, hindi siya sigurado kung para lang sa anak nila kaya binebeybi siya nito.

Tulad na lang ng gabing iyon. Pagkadating nito galing sa trabaho ay lumapit agad sa kanya sa kama. Hinalikan nito ang nakaumbok ng tiyan niya.

"Kumusta kayo ni baby?" Puno ng lambing ang tinig nito.

Hinaplos niya ang buhok nito. "Bored as usual."

"Bukas naman makakalabas ka na dito. Check up mo."

"Gusto kong mag-mall. I-date mo naman ako." Humaba ang nguso niya.

"Okay, ipapasyal kita pagkatapos ng check up. Isasakay na lang kita sa wheelchair."

"Thanks, Aris."

"May pasalubong nga pala ako sa iyo. Here." Inabot nito sa kanya ang isang supot na puno ng duhat.

"Oh my, saan mo nahanap ito?" Noong isang araw pa siya naglilihi sa prutas na iyon kaya lang ay hindi iyon panahon ng duhat kaya lagi siyang bigo.

"I have my resources. Basta bukas, something white or pale naman ang kainin mo para hindi maging negro si baby."

Tumango siya. Sinimulan niya ng lantakan ang duhat sa harap niya.

Amused na nakatingin sa kanya ang lalaki.

"What?"

"You look cute with purple mouth."

Inirapan niya ito. Napapapikit pa siya habang patuloy sa pagkain. Heaven ang pakiramdam niya na sa wakas ay na-satisfy ang cravings niya.

"I wonder how it feels to kiss a purple mouth."

Umusod ito palapit sa kanya.

"Aris!" saway niya rito.

"Bakit? Masama ba na halikan ka?"

"Don't flirt with me," she warned him.

"I don't."

May nalalaman pa itong 'I don't' samantalang ang ending, hinalikan din nito ang purple mouth niya. Not a torrid kiss, though. Lumapat lang ang labi nito sa labi niya. It lasted for about a minute. She felt like a teenager again. When he left her lips, she blushed.

Tahimik na nakaupo si Shin sa kama niya. Nakasandal siya sa headboard. Nalulungkot siya na hindi na matutuloy ang church wedding nila ni Aris. It was one of her dreams. All the details were well-planned. Pero nagkaroon siya ng spotting. Mas mild iyon kaysa sa una niyang bleeding. But that was the freaking second time. Ayon sa doktor niya, hindi na nito pwedeng i-risk ang sitwasyon niya. The doctor suggested to cancel the church wedding until she has given birth. Bawal muna siyang ma-stress at masyadong kumilos. Iyon ang walang sawang nire-reiterate sa kanya.

TEARS FROM POLARISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon