Chapter Five

1.8K 64 6
                                    

"I'm listening, Aris," Shin said. Hinayaan niya lang si Aris na magsalita nang magsalita.

"We don't have a commitment. Yes, I know that. But we have a mutual understanding. She promised me last year. Sabi niya, she will stay here for good this year. Pinanghawakan ko ang pangakong iyon." Dire-diretso ang pagsasalita ni Aris. Kasunod niyon ay ang straight na pag-inom nito sa rum sa harap nila.

Nandoon sila sa condo nito. Kapwa sila nakasalampak sa carpet sa sahig. Tinawagan siya nito at dahil wala naman siyang flight ay hindi ito nagdalawang-salita sa kanya. Sanay naman na sila na bumibisita sa condo ng isa't isa. Ganoon na katibay ang friendship nila.

Ang unit niya ay nasa pinakatuktok ng building na iyon. Sa penthouse roon siya nakatira. Sa family niya ang unit na iyon. Doon pansamantalang tumira ang pamilya niya noong nire-renovate ang bahay nila.

Dahil may sarili ng condo unit si Tommy, siya na lang ang gumamit niyon ngayon.

"Sige lang, Aris. Ilabas mo ang nararamdaman mo para lumuwag ang kalooban mo."

Masakit man sa pandinig niya ang paulit-ulit na pagbigkas nito sa pangalan ni Ranee, kailangan niyang tiisin iyon.

"I owe you a lot. Si Tommy sana ang aayain ko kaya lang ay out of town siya ngayon. Pagdating sa usaping-puso ko, kayong dalawa lang ang nakakaintindi sa akin."

Marahan niyang pinisil ang kamay nito.

"I feel like I'm dumped. Para akong gago na matagal naghintay sa kanya. Hindi naman ako santo. I had casual relationships and flings before I was able to tell her my feelings. Umaasa kasi ako na makakalimutan ko din siya. Pero hindi. Mula pagkabata, siya lang talaga ang pinangarap kong mapangasawa. Pero mas mahalaga ang pangarap niya. In the end, it's still her career."

Habang patuloy ang lalaki sa pagkukwento ng hinanakit nito, para namang binibiyak ang puso niya sa sakit. Kumbaga sa manliligaw, hindi pa man siya nagsisimulang dumiga ay friend-zoned na agad siya. How she envied Ranee.

At the same time ay naiinis din siya kay Ranee. Pagkatapos nitong isurprise at pasayahin si Aris noong kaarawan nito, pinili na naman nito ang career nito at sinabihan na naman si Aris na wala itong maipapangako sa lalaki. Just like that. No clear assurance. No relationship. Aris was left in an overhanging cliff.

Gusto niyang isigaw dito na matagal na din niya itong hinihintay na suklian ang pagmamahal niya. Kaya lang, alam niya namang mabibigo lang siya. Baka ang friendship nila na kaisa-isang bagay na pinanghahawakan niya ay mawala na rin kapag ginawa niya iyon.

"You will recover soon, Aris. I swear you will."

"Cheers to that." Itinaas nito ang baso nito na may lamang alak.

Itinaas niya rin ang baso niya na may lamang Coke. Mahina ang alcohol tolerance niya kaya iniiwasan niya ang uminom.

Napalakas ang pagkakabunggo ng lalaki sa mga baso nila. A mixture of alcohol and soda spilled on her clothes.

"Sorry for that. Go change. Marami akong shirt dyan na pwede mong isuot."

Nagmamadaling nagpunta siya sa bathroom. Masyado siyang neat sa katawan kaya hindi siya sa komportable sa amoy ng alak sa katawan niya.

Napagpasiyahan niyang mag-full bath na. Nang matapos siyang maligo ay itinapi niya ang puting twalya sa katawan niya. Wala siyang kahit na anong suot sa ilalim ng twalya. Palagay naman ang loob niya na ngayon pa lang siya hahanap ng damit na pwedeng maisuot. Nasa sala naman si Aris. Ang silid nito ang kanugnog ng banyo kaya hindi siya nito makikita.

"Aris, diyan ka lang sa sala ha," malakas na babala niya rito bago siya naglakad ng pa-tip toe sa kwarto nito.

Pagpasok niya sa loob ng silid, napatigil siya.

TEARS FROM POLARISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon