Chapter One

6.2K 115 16
                                    

"Hoy Shin! Bumangon ka na diyan. Baka nakakalimutan mong ngayon ang kasal ni Tita Wilma."

Pupungas-pungas na tinanggal ni Shin ang kumot na nakatalukbong sa kanya.

"Anong oras na ba?" tanong ni Shin sa kapatid niyang si Tommy.

"Ten."

"Ang aga pa, Tommy. Three ng hapon pa ang wedding," himutok niya.

Iyon ang katangian ng kapatid ni Shin na hindi niya matiyak kung dapat niya bang ikatuwa o ikainis. Lagi itong mas maaga kaysa sa actual time. Never pa sa buong buhay nito na na-late ito. Tommy was four years older than her. Kagagraduate lang nito sa college. Ito ang one and only sibling niya pero hindi niya ito tinatawag ng kuya. Nakasanayan niya na kasi nung sa Canada pa sila nakatira. Hindi uso ang ate at kuya doon. She simply called him by his first name.

"Baka mag-commute lang tayo dahil sira ang kotse natin. Kaya kung ako sa iyo, sisimulan ko ng gumayak."

"Okay," she said dryly. Hindi naman sa hindi siya sanay mag-commute kaya lang ay gusto niyang komportable siya sa byahe papunta sa kasal. Siya ang tatayong maid of honor ng bunsong kapatid ng Mommy niya – ang Tita Wilma niya.

"Wait!" Mukhang biglang may naisip na ideya si Tommy dahil lumiwanag ang mukha nito. "Tatawagan ko pala si Polaris. Baka pwedeng mahiram ang kotse niya."

Naiintrigang napatingin siya sa kapatid. Sino kaya ang Polaris na tinutukoy nito? She instantly loved the name. It was the name of the brightest star. She was an amateur astronomer. Amateur because star gazing was only her hobby. Halos gabi-gabi niyang kapiling ang telescope niya hindi dahil sa scientific purposes. It was simply a hobby, a fascination.

"Are you talking to Polaris, the brightest star?" pasimpleng tanong niya sa kapatid matapos nitong makipag-usap sa cell phone. Nabuhay kasi ang curiosity niya.

"Baka bituing walang ningning." Bahagyang natawa ito. "Hiniram ko ang kotse niya at siya pa mismo ang magmamaneho."

"Great. Hulog ng langit 'yang Polaris na 'yan."

"I warn you. Don't call him Polaris. He hates his name. Just call him Aris. Tinatawag ko lang siyang ganun 'pag gusto ko siyang asarin."

"Okay, fine. I'll keep that in mind." Nagmartsa na siya papunta sa banyo para maligo tutal naman ay wala na siyang ibang nakuhang information mula sa kapatid niya patungkol sa Polaris na iyon.

"Dalagang-dalaga na ang anak ko," bulalas ng Mommy Sally ni Shin habang bumababa siya ng hagdan suot ang gown niya na combination ng ivory at gold. Nakalugay ang buhok niya na nilagyan ng curls sa dulo.

"Mom, dalaga naman na talaga ako. I'm already seventeen. College na ako sa pasukan, remember?" Naglalambing na ikinawit niya ang kamay sa bisig ng ina.

"Yeah, I know. But you're still my baby," anito habang hinahaplos ang mukha nya.

"Ang cheesy ninyo talagang mag-ina." Biglang sumingit si Tommy sa moment nila ng Mommy niya. Panira talaga ito. "By the way, nandito na si Aris."

Pagdako ng tingin niya sa pinto ay nagtama ang paningin nila ng lalaking nakatayo roon. Daig niya pa ang namaligno sa pagkakatulala sa kagwapuhang nasa harap niya. He was wearing an aqua blue long sleeved polo. The sleeves were rolled up to his elbows. Nakabukas ang dalawang butones sa dibdib nito, sapat para makita niya ang pinong buhok sa dibdib nito. Muling bumalik ang tingin niya sa mukha nito. Hinubad nito ang sunglasses sabay mano sa Mommy niya.

Hmmm, magalang. Isang malaking check iyon sa listahan niya ng mga katangiang hinahangaan niya sa isang lalaki.

"Good morning po," bati nito sa Mommy niya pagkatapos ay bumaling sa kanya. "Hi, young lady."

TEARS FROM POLARISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon