PART 50: Sacrifice

Start from the beginning
                                    

"Bakit ikaw? Tinatanggi mo pa na ayaw mo kay Jane" sabi ni Mel

"Hindi ko sya type" sabi ni Daniel.

"Daniel, kaya kong basahin ang utak mo" sabi ni Roger sabay roll eyes. Tama... Kaya wala kang kawala.

"Fine. Hindi na nga eh, sya din sawayin nyo" sabi ni Daniel

"Kawawa ka naman" Asar naman ni Mel.

"Isa ka pa..." Saway naman ni Jay.

Matapos ang usapang yun, umalis na kami... May mga klase pa kasi kami. Dahil nga nawala lang naman kami ng ilang araw, hindi na kami nakahabol sa klase namin. Babawi na lang kami...

KAT'S POV
Ngayon na namin isasagawa ang plano, tapos na ang klase. Alas singko na pala ,nag-mi-mission impossible kami dito.

"Girls... Sigurado ba kayo na dito talaga dumadaan si Sofia" bulong ni Aena. Andito kami sa loob ng mga locker namin. Dito daw kasi si Sofia nag-pupunta pag tapos na ang klase.

"Oo naman, sa sobrang kagalaan ko ba naman" bulong naman ni Jane. Yeah right.

"Girls tahimik. There she is" bulong ko naman

Andito na si Sofia, nilagay nya ang mga libro sa loob ng locker niya. Then tumingin sya sa kaliwa't kanan, pasimple siyang naglakad palayo. Pati kami nag-pa-simple na din sundan siya...

"Ninja tayo ngayon, so don't make any sound" sabi ni Aena.

"BALIW!!" Napalakas ata sabi ko, eh lumingon si Sofia kaya sari-sariling tago.

"Fuck you ka Kat" mindlink ni Aena sakin

"Fuck you ka din" mindlink ko din naman pabalik...

Tahimik lang si Jane, desidido talaga siya sa mga balak nya. Tsaka para naman 'to kay Kim na kaibigan namin... Si Celeste naman seryosng-seryoso..

Lumakad nang muli si Sofia at tiniyak na walang nakakita sa kanya o sumusunod sa kanya kahit meron naman talaga. Tsk! Kapag napatunayan namin na ikaw ang may kagagawan ng pagka-wala ni Kim SABUNOT KA TALAGA SAKIN!!!

Pumunta sya sa scary hallway, nilakad niya yun hanggang sa pinakadulo ng hallway. Kami naman ni Aena natatakot na... pero itong si Jane parang naglalakad lang sa normal na hallway

"Nakakatakot" sabi namin ni Aena na may basag na boses.

"Sssshhh.... Be quite please" sabi ni Jane ng mahina at lumakad nang muli. Pumasok naman si Sofia sa pinto. Pumasok din kami sa pinto ng dahan-dahan, naka-pasok na kami sa loob ng pinto.

Napaka-dilim dito, pero nung pag-apak namin, bumukas ang mga torch sa mga pader. Namangha ako do'n ah? Lumakad na kami, remember sinusundan namin si Sofia.

DANIEL'S POV
Ang tagal naman nilang mag-mind-link eh? Ahy teka lang, andito nga pala kami malapit sa hallway na nakakatakot. Ewan ko ba? Sana ang planong ito ay gumana, plano ni Ms. Taray.

"Hindi pa ba sila magma-mindlink?" Sabi ko sabay hikab.

"Andyan na si Boredom" sabi naman ni Mel na halatang ako ang pinapatamaan. Paano sa akin ba naman nakatingin.

"Wag mo nga akong maasar-asar ngayon, baka di kita ma-tantiya eh.." Sabi ko habang nakatingin kay Mel ng masama. Tumingin din sa akin si Mel, ayan nagtinginan na kami ng masama.

"Hey guys. Wag naman ganyan, ngayon pa kayo mag-aaway" sabi ni Jay

"Hindi kami nag-aaway, nagtitinginan lang kami" sabi ni Mel na hindi binabaling ang tingin sa amin.

"Baka naman magkaparehas na kayo ng mukha dyan, magiging dalawa na ang panget sa grupo na'tin" sabi ni Lei, naka-sandal lang ito sa pader at naka-cross arms.

Magic SchoolWhere stories live. Discover now