Part 11: Go back Home

2.5K 68 0
                                    

Shyra's POV

Pupunta ako ngayon sa office para sabihin na gusto ko nang umalis, hindi ko matiis ang pamilya ko. Namimiss ko na sila, ilang linggo na rin naman ako dito eh? Salamat sa tulong nila... Tinuring nila akong katulad nila.


Bumuntong hininga na muna ako bago buksan ang pinto, nakita ko si Mr. Blue at si Headmaster... Mukang may seryosong pinag-uusapan sila. Wrong timing ata ako? Isasara ko sana ang pinto pero...


"Sige, iha pasok" sabi ni Mr. Blue


Pumasok ako, kaya mo yan Shyra! Para sa pamilya mo yan... This is the way to go back home and live happy with your family.


"Maupo ka" sabi ni Headmaster


"Ano ang sasabihin mo?" sabi nito, prangka sya ah?


"Gusto ko sanang magpa-alam kung papayag po kayo na umuwi na ako, baka po kasi nag-aalala na ang pamilya ko sakin. Alam nyo naman po..." sabi kong nakayuko dahil sa hiya.


"Yun lang ba? Oo, pwede kang bumisitang muli dito" sabi ni Mr. Blue at headmaster na naka-ngiti....


"Talaga po? Salamat po..." sabi ko


"Bukas na bukas uuwi ka" sabi ni Mr. Blue...


Lumabas na ako, kaso paano naman yung mga kaibigan ko? Sabi nila pwede naman daw akong bumisita ulit dito. Magkikita-kita pa naman kami eh? At alam kong may plano ang Dyos samin. Sino ba ang makakatalo sa friendship?


Tumungo na ako sa kinaroroonan ng mga bagong kaibigan ko, kilala ko na din ang mga lalaking yun! Sila Von... Kapatid ni Jane.


"Shyra!" Andun sila sa field, ang ingay-ingay nila buti 6 pm na at ang mga ibang students ay nasa dormitory building na.


Lumakad ako papunta sa kanila, nakita kong ang saya-saya nila. Si Von at Celeste ang init ng ulo sa isa't-isa. Sure ako may future ang dal'wang ito... Promise! Nagkukwentuhan naman sila Catrina...


"Hi" bati ko at naupo sa maliliit na damo


"San ka galing?" sabi ni Mel


"Sa office..." sabi kong naka-yuko


"ano naman ang gianwa mo dun?" sabi ni Jane


"Kasi..." hala! Sana wag silang magalit sakin!


"Kasi?" lahat sila nasa harapan ko, parang mga batang binabasahan ng isang kwento ng guro.


"kasi babalik na ako samin" sabi kong pahina ng pahina


"Saang bayan ka ba nakatira? Hatid ka na namin" sabi ni Jay. Biglang napektusan naman sya ni Catrina.


Magic SchoolWhere stories live. Discover now