Part 35: PIGGY BACK RIDE

1.4K 41 0
                                    

Aena's POV

Ilang oras pa ba ang lalakarin para makarating sa temple of magic na yan ah? Kangalay na eh? Tsaka yung bata hindi na napagod sa kalalakad. Sanay na siguro sya sa mga ganitong lakad. Pero maawa ka hindi ako sanay...


"Pagod na ako, kailangan pa bang mag-lakad? May LRT ba dito o kaya jeep, kahit triycle na lang" sabi ko


"Wag ka na ngang mag-reklamo" sabi ni Catrina


"Mas malala pa ito sa mga laban sa daan ano" sabi ko


"Mas malala kapag naligaw tayo" sabi ni Daniel


"Epal..." rinig kong bulong ni Jane, napangiti ako. Ang dalawang ito hindi ko maintindihan eh?


Nagpatuloy ang pag-lalakad, hanggang sa aksidenteng natapilok ako. At kung minamalas ka nga naman ano? Shit! The f*ck! Ang sakit mga dabarkad's, parang puputulan ako ng ugat sa paa.


"Aray..." daing ko


"ano ba yan ang careless mo naman?" sabi ni Mel


"Eh ikaw kaya? Kita mong hindi ako sanay sa mga ganitong lugar eh?" sabi ko


"arte mo" sabi ni Jay


"Wow... Ang yabang ah? Akala mo kung sinong gwapo?" sabi ko kay Jay


"Di lang gwapo, famous pa" sabi nya sabay pogi sign. Kung bangasan kaya kita baka maka-pogi sign ka pa. Tss. Sarap banatan ng mga lalaki ngayon na mayayabang, buti pa si Daniel Padilla o James Reid makatotohanan pang gwapo at famous.


"Tsk!" sabay irap na sabi ko kay Jay pero parang wala lang yun sa kanya.


"Tama na yan, kung sino ang mabait dyan. Baka pwede, kung pwedeng buhatin ito si Aena" sabi naman ni Kuya Von


Pero walang umimik pero biglang tinulak ni Lei si Mel sa akin, at ano naman ang ibig sabihin ng bagay na ito? Huwag niyong sabihin na sya ang mag-bubuhat sakin?


"Sige ikaw na lang Mel" sabi ni Von at tumalikod na ang ibang kasamahan.


"Wag na lang pala, nakakalakad na ako" At pinilit ang mag-lakad. Pero hindi ko nagawa, nabigo ako sa paglalakad. Kung mina-malas ka nga naman oh? Kainis!


"Iinarte ka pa kung pumasan ka na sakin?" sabi nya at hiihintay akong sumakay sa likod nya.


Hindi ako nakatiis at sumakay na din sa likuran nya. Agad kong napansin na ang bango-bango nya pala? Grabe kanina pa kami nag-lalakad pero ikaw Mel ang bango mo pa rin?


"Wag kang mag-asal aso, tao ka" sabi nito bigla na ikinahiya ko naman.


CELESTE'S POV

Magkakasama kaming nag-lalakad ngayon, at may sari-sariling usapan kami. Si Mel at Aena naman ang naguusap, sila Von, Jay, Lei, Daniel, Roger naman ang magkaka-usap sa unahan. Tapos kami naman nila Catrina ang naguusap-usap.


"Ang gwapo kaya ni Matt" sabi ni Catrina, ah... Si Matt isang fire user na kagaya.


"Grabe... Mas gwapo kaya ang Arvey ko" sabi ko naman


"Anong mas gwapo ang Arvey mo, mas gwapo ang Matt ko" sabi ni Catrina


Hanggang sa nagbubulyawan na kami, si Jane naman ang tahimik. Kaya pala walang react kasi naka-earphone at di alintana ang baku-bakong daan. Medyo dumidilim na rin naman eh? Kaya nagpahinga kami, akala ko naman ang lapit na namin yun pala ang layo pa!


"Mas gwapo si Arvey" sabi ko


"Mas gwapo nga si Matt, ano ba?" sabi ni Catrina sakin


At...


"Can you please shut up! " Bulyaw bigla ni Jane ng malakas, at lahat ay natahimik sabay napatingin sa kanya.


"Lumalabas na naman ang ugali nya" sabi ni Von


"Anong ugali? Lalaki lang nag-aaway pa. Tsk! Kainis aalis nga muna ako, ka-suffocate kayo" sabi ni Jane at lumakad ng mabilis.


"Yaan nyo sya, ganyan yan. Magpapahangin lang" sabi ni Von


"ang taray ng kapatid mo" sabi ni Roger


"Tsaka feeling magaling" sabi ni Daniel


"Ano ba Daniel? Tigilan mo na nga si Jane" sabi ni Aena


"Ikaw, isa ka pa. Porke andyan si Mel sa tabi mo eh?" sabi ni Jay


Nag- "AYYIEEEE" naman silang lahat, kami ni Catrina ang sama ng tingin sa isa't isa. Bwesit ka kasi, sabing mas gwapo sya eh! Ayoko naman sa Matt na yan, ang sarap pektusan sa ulo at bukulan ng sampung beses.


____________________________________________________________________________________


sorry sobrang bagal po ni Author, parang pagong lang. Pero thank u po sa mga nag-vote ng story ko, I Appreciate it guyyss... Thank you very much. Suporta lang po tayo, kapit lang....






Magic SchoolWhere stories live. Discover now