PART 47: Lost

1.5K 39 0
                                    

CELESTE'S POV
Pabalik na ako sa dorm ko ng makita ko si Jay na nasa isang room. Napansin ko na balisa sya, may iniisip sya na napaka-lalim pa sa hukay ng patay. Joke...

"What's bothering you?" sabi ko

Napalingon sya and try to pretend that he's okay.

"Kanina ka pa dyan?" sabi nya

"No. Are you okay?" sabi ko, I'm tryna read his mind..

"Ah... Yah. I am okay? Bakit mo naman natanong? Crush mo ako ano?" sabi nya sabay hagalpak ng tawa. I hate his craziness.. You gay.

"Oh kapal ng mukha? Ako magustuhan kita, in your dreams" I said and roll my eyes. Hate the way he laugh..

"Pakipot ka pa eh? Hahaha" Baliw, he is totally crazy.

"Stop that, you psycho! Grr... " I walk away, binasag nya ang araw ko. Akala ko may problema sya? Wala naman pala... Tsk!

"Bakit ko naman sya tutulungan sa problema nya, problema nya yun di ba? Ang engot mo talaga Celeste" sabi ko sa hallway habang nagsasalita magisa.

"Celeste ikaw ba yan?" sabi ng isang boses. Napalingon naman ako, si Kat lang pala?

"Bakit?" sabi ko

"Why are you talki---" di ko sya pinatapos.

"Wala yun, ako nagsasalita mag isa? Loka ka na ba?" sabi ko

"Hah?" Nagtaka sya sa inasta ko.

"Tara na kako sa room"sabay hatak sa kanya papunta sa room. Bakit ba kasi gusto ko sya tulungan? Next time di ko na sya tutulungan. Tse!

SOMEONE'S POV
Bumalik na ang mga protectors, kasama nila ang babaeng nag-ngangalang Jane.. Nasasabik na akong makaharap sya. Sigurado ako na siya yung tao na nakikinig sa usapan namin.

"Mahahanap na rin natin ang babaeng yun" I said and evil laugh.

"Matutuloy na ho ba ang mga plano natin?" sabi ng isa sa kasama ko.

"Oo. Malaki ang posibilidad kung matatangal ang tinik sa lalamunan natin, sya lang naman ang babaeng nagngangalang Jane" sabi ko...

KIM'S POV
I am walking in the hallway, walang masyadong tao ngayon sa hallway kasi may klase. Nautusan lang ako na dalhin ang mga librong ito sa library.

"La... La.. La.." pakanta-kanta pa ako sa paglalakad habang dala ang mga libro..

"Kailangan nyo syang patalsikin, para matuloy ang mga plano natin" sabi ng isang boses, malapit kasi ako dito sa weird hallway. I think, boses yun ng isang lalaki. Pero sino naman kaya ang papatalsikin nya? Ano naman ang plano nila?

"Who's that?" sabi ko sa sarili ko. May nangta-traydor ba sa school na ito? No. Hindi pwede..

Nilapag ko na muna ang libro sa sahig ng hallway at sinundan ang boses. Nilakad ko yung scary hallway na yun hanggang dulo, tapos may nakita akong pinto. I slowly open it, but someone is here..

"Who are you? What are you doing here?" sabi ng isang lalaki. Hindi ako makalingon sa takot..

"A-ah.." I wish someone will tell me what should I do. I feel he is stronger than me..

"Ikaw si Jane ano? Malas mo nahuli ka namin ngayon" sabi ng isang lalaki

"Yes I am. And Lowel you're so stupid she's not Jane. She is one of the protectors" Inis na sabi nya habang humahakbang palapit sa'min.

"Oh sorry... Ano naman ang pinunta mo dito?" sabi ng Lowel. Crush ni Aena? What?!

"That's good. I have a bright idea..." lumabas ang isang lalaki. Kasama nya si Megan.. Nasa likuran nya si Megan.. Ang crush naman ni Von.

No...

LEI'S POV
I am walkin' near in the scary hallway, sabi nila.. Scary daw? May mga weird daw kasing nangyayari dyan. Ewan, nakakarinig sila ng mga pagsigaw at kung anu-ano pa.

"If I got locked away... La la la.." Kumakanta ako, napansin kong may patong-patong na libro sa sahig. Tinanggal ko ang headset ko at nilapitan ito.

"Sino naman kaya ang tamad na naglagay nyan dyan?" sabi ko, syempre masipag ako... Kinuha ko ito at dinala sa library. Sa'n ba nararapat ang libro? Sa banyo? Hahahaha! Baliw na ako..

After a few minutes...

Nadala ko din sa library ang mga libro. Then, ngayon naman naglalakad ako ulit, biglang nakita ko sila Kat, Aena at Celeste na tumatakbo... Bakit kaya? Mukhang papalapit sila sakin? No! What?! Papunta sakin...

*BOOGSSHHH!!!!!!

Huli na ang lahat para umilag, kainis nga naman oh? Tumayo ako at pinagpagan ang jeans ko. Ano ba ito football?! Kainis ang mga ito.

"L!" sigaw ni Kat

"E!" Sigaw naman ni Aena

"I!" Sinundan pa ni Celeste. Ang sakit sa tenga, akala ko naman tapos na..

"LEI!!!" Sigaw nilang tatlo, ah... Wala na.. Bingi na ako bwesit ito.

"Ano ba?! Bakit ba kayo sumisigaw!?" Sigaw ko din

"Si kim! Si kim nga ba? Tama si Kim" Parang baliw na sabi ni Aena

"Anong Kim?" sabi kong nagtataka.

"Nawawala si Kim, wala sya sa dorm nya. Pinagtatanong na namin ang classmates namin pero talagang hindi nila alam kung nasa'n si Kim" Sabi ni Kat

"Ano?! Alam na ba yan nila Von?" sabi ko

"Hindi pa ata? Ahy.. oo, hindi pa nila alam" Natataranta naman si Celeste Nakakainis ang mga ito, anyare?? Ang gugulo nyo naman kasi. Para kayong baliw na nakatakas sa mental hospital.

"Tara na" yaya ko...

Pina-alam na namin sa kanila, maging sila ay nag-alala... Saan naman kaya pupunta si Kim? Malaki na sya para maligaw ano? Nasaan na kaya si Kim?

JANE'S POV
Papasok na ako ngayon sa pinaka-huling klase ko.. Yun nga, pumasok sa classroom at may isa akong ka-klase na lumapit sakin...

"Jane.. " tawag nya sakin

"Bakit?" sabi ko

"May naghahanap sayo nung nasa labas kayo ng paaralan. Sige, andyan na si Sir." sabi nito at umupo na sa upuan nya.

"May naghahanap sakin? Sino?" sabi ko habang papaupo sa upuan ko. Paupo na ako nang biglang lumagpak ang pwet ko sa sahig

*Boogssh!

"Aray!" Himas ko sa pwet ko. Tumingin sila saking lahat at nag-tawanan.

"Funny!" Sigaw ko at biglang kumidlat.

May humila pala sa upuan ko nung papaupo na ako. Mga baliw sila, sama nga ng tingin ko dun sa nanghigit ng upuan ko eh..

------------->
Lagi na po akong mag-a-update with 1000 words.

Thank you for reading.. ^_^

~MarieAlvarado06

Magic SchoolDonde viven las historias. Descúbrelo ahora