Part 27: The Mark

1.6K 51 0
                                    

Bumilog ang magkakaibigan at nag-masid sa palagid, isang malakas at itim na aura ang nararamdaman nila. Lalo na si Celeste, isa syag manipulator, kaya nyang ma-detect at maramdaman ang mga bagay-bagay na nasa palagid lamang.


"This is bad" sabi ni Celeste, kahit si JAne nakikisaling pusa sa laban nila. Nasa tabi sya ng kuya dahil alam nyang po-protektahan sya nito.


"Kuya..." sabi ni Jane


"Ang yabang mo, pero pag dating sa laban halos maihi ka na" sabi ni Von


Nawala ang aura, nagtaka ang mag-kakaibigan. Hindi sila makapaniwala, guni-guni lang ba iyon? Eh, ramdam nga nila ang enerhiya na papalapit sa kanila...


"Anyare teh?" Catrina


"Nawala?" sabi ni Jay


Bumalik sila sa normal na posisyon, pero matapos ang ilang segundo...


"Austria!"


"May umatake!" Napa-sigaw na sabi ni Daniel, nag-labas si Catrina ng isang fire ball, pero hindi man lang na-damage ang atake ng isang mysterious one.


"Ang weak mo" sabi ni Jay at umatake na ng earth attack. Ang masama tumalsik lamang sya...


Napa-titig si Roger, bakit hindi sila inaatek nito at hindi sa direksyon nila papunta ang isang nucleur attack na napaka-lakas. Isang nakakamatay na spell, alam ito ni Celeste kaya sumigaw siya na wag lalapit kung aatake...


Huli na ng ma-realize ni Roger na patungo ang nucleur attack na yun kay Jane. Sa sobrang nerbyos naman ni Jane, hindi na nya alam ang gagawin. Kaya napa-tingin sya at halos hindi gumagalaw sa kinatatayuan.


"Jane umalis ka na dyan!" sigaw ni Jay


Sinubukan ni Jane pero talagang sya ang sadya ng nucleur attack, tumakbo sya ng tumakbo at sinubukang umilag. Nagtataka na ang mga kasama niya bakit sya lang?


"Help me Lord... Ilayo nyo ako sa bagay na ito, kung ano man ito?" sabi ni Jane habang tuma-takbo.


At isang mainit na enerhiya ang dumampi sa kanyang likuran, nandidilim ang paningin ng dalaga. feeling niya may sumispsip sa mga ugat nya, napaka-bigat ng pakiramdam niya hanggang sa...


*BLACK OUT


Aena's POV

O.MY.GOD! Saklap ng nangyari kay Jane, bakit ba kasi sya lang ang inaatake ng nucleur attack na yun. Alam naman naming nakakamatay 'yon, nagulat na lang kami ng nasa harap na namin yung lalaki na nagpa-wala ng isang nucleur attack.


Kapal ng muka nya at naka-ngiti pa, matapos nyang masaktan ang kaibigan ko eh? Ganyan talaga ang buhay pag may mga kalaban at nasa labas ka ng paaralan. Miserable ang buhay ng isang charmer...


"Celeste, tulungan mo sya. Tanggalin mo yung nucleur spell sa katawan nya" Nagmamakaawang sabi ni Von... Walang malay si Jane, nakita na lang namin na sa tabi namin yung lalaki. Actually, hindi namin nakikita ang mukha nya, dahil sa robe na may hoodie pa...


"Ikaw!" sabay turo sa lalaki


"Anong ginagawa mo dito? Nakita mo ba nag ginawa mo, papatayin mo ang kapatid ko... Sino ka ba?" Galit na sabi ni Von, akmang sasapakin nya ang lalaki pero inawat na sya nila Lei.


"Von, tama na. Umalis ka na kung sino ka man at wag na wag ka nang magpapakita samin. Dahil baka matuluyan ka ng kaibigan ko" sabi ni Roger at babalik na sana sa pwesto namin pero nagsalita ang lalaki na dahilan ng pagtigil nila Von. Humarap sila sa lalaki...


"Ako si Orius, hindi ko sya pinatay. Tinulungan lang sya. Sinugo ako ni Lord Bovelor, isang dyos ng mahika sa mundong ito" sabi nya at biglang nawala...


"Pare, malupet ang kinalaban mo" sabi ni Daniel


"At ano mang tulong ang ginawa nya? Papatayin nya si Jane" sabi ni Mel


"Kaya nga e... Hindi ako naniniwala na isa syang sinugo ng dyos" sabi ni Von


Naku, ang lakas nga ng kinalaban nila. Isang alagad ni Lord Bovelor, buti hindi sila pinatulan ng isang kawal ng langit. Baka magulat ka simot na ang protector sa Weslyn Academy...


Von's POV
Gumawa na muna kami ng tent sa gubat na napaka-sukal, doon na muna kami titigil. Dahil madilim na ang paligid, mamaya may umatake nanaman samin at ang masama hindi na sya kawal. Mga black wizard na pala?


"Jane, gumising ka na" sabi kong mahina


Pero wala akong narinig na sagot sa kanya, oo nga pala? Walang malay ang kapatid ko. Dahil sa bwesit na kawla na yun! Tinulungan nya pa ang kapatid ko, anong tulong ba yun? Parang si Kamatayan ang tinulungan nya kasi halos patayin na niya si Jane sa takot at pisikal na katawan nito.


Gusto kong maiyak pero alam kong kahit ganyan yan ang bunsong kapatid ko ayaw niya na nalulungkot ako. May puso naman kaso hindi halata... Tinititigan ko ang kapatid ko ng may tumabi sakin. Si Celeste.


"Bakit andito ka?" habang pinipigil ko ang luhang gustong bumagsak.


"Wala, pasensya na kung wala kaming nagawa sa kapatid mo" sabi nya


"Okay lang yun, ako din naman halos walang nagawa eh?" sabi ko


"Wag ka mag-alala, gigising din sya. Alam kong babalik si Jane, hindi pa sya kinukuha ng nasa taas, magtiwala ka lang" Sabi ni Celeste


"salamat" sabi ko na lang


"Walang ano man, sige pupunta na muna ako kina Catrina" sabi nya at umalis na nga...


Tinitigan kong muli ang aking kapatid, napansin ko sa kanyang pulso ang isang marka na hindi ko maipaliwanag. Ang nakalagay dito ay salitang Urdu tapos may nakalagay na pa-ekis na dalawang espada.


Tinawag ko ang iba pa naming kasama, ipinakita ko ang marka. Nagtaka na rin sila, para saan ang markang ito, saan naman kaya ito nanggaling?


"Hindi kaya may ibang ibig ipahiwatig angmarkang ito?" sabi ni Kimverly, sa wakas nag-salita din!


___________________________________________________________________________________


Ano kaya ang markang iyon? Bakit meron nito sa Jane.. Malalaman niyo yan sa tamang panahon.


Magic SchoolWhere stories live. Discover now