"Ang ganda ng beach noh? Parang ikaw." hirit bigla ni Hoseok kay Hara. Okay naman.

Umalis kaagad ako kasi baka maka-abala pa ako sa dalawa. Pero akalain niyo, na-inlab kaagad si baba. Naniniwala na ako sa forever~ de joke, walang forever ulol.

"Angela, hinahanap mo daw ako."

"Ah oo kasi magcacampfire daw tayo. Si Kai daw uling." sabi niya sabay tawa.

Kai? Sino yun.

Kai, diba yun yung pinapalipad sa langit ng mga bata?

Kai, diba yun yung 11th letter of the alphabet?

Kai? Diba beach yun? BoraKAI. Okay bye.

Pagkatapos namin ayusin yung campfire, umupo kaming lahat sa paligid nun.

"Oy guys, laro tayo! Truth or dare! Ang hindi sumagot o umayaw, iinom ng isang shot ng alak. Ikaw mauna Taehyung!" sabi ni Namjoon.

"Truth!"

"Nung naghalikan kayo ni Hoseok, nag-enjoy ka ba o hindi?"

"OY! BAKIT AYAN NANAMAN?!" reklamo ni Hoseok.

"Hindi, ulol! Pero aamin ako, medyo nag-enjoy ako, hihi." sabi ni Taehyung sabay takbo papunta sa dagat.

"OY BUMALIK KA DITO! MAGTATANONG KA PA SA ISANG MEMBER!" sigaw ni Namjoon kaya bumalik kaagad siya.

"Uhmm, Jin hyung! Truth or dare?"

"Truth!"

"Bakla ka ba o hindi?"

"HINDI MALAMANG! PERO KUNG MAGIGING BABAE AKO, SI NAMJOON MAGIGING CRUSH KO! PERO LALAKI AKO, ANOBA?!" sigaw ni Jin. "Oh, ikaw Kookie! Truth or dare?"

"Dare, wahahaha!"

"Sumayaw ka ng girl group dance!" pagkasabi ni Jin nun, tumayo kaagad si Jungkook at sinayaw ang Ooh Ahh ng Twice. Namula nanaman ulit si Angela.

"Ikaw Yoongi hyung, truth or dare?"

"Truth!"

"Bakit mo ninakaw brief ko ah?! Umamin ka, bakit?!"

"KASI NAUBUSAN AKO NG BRIEF NUN! SAKA MAY BUTAS NAMAN YUNG SAYO EH KAYA WALA RING KWENTA!" huminga muna ng malalim si Yoongi bago magsalita ulit. "Ikaw Rona, truth or dare?"

"Truth!"

"May nararamdaman ka pa rin ba na pagmamahal kay Jimin?" Naglagay kaagad ako ng alak sa baso ko at nang iinumin ko na yun, bigla akong pinigilan ni Jungkook.

"Ako ang iinom ng alak para kay Rona." sabi niya at ininom kaagad yung alak. Pinigilan ko siya pero sadyang makulit siya at hindi siya pumayag.

"Gela, kapag nalasing ito, ikaw mag-alaga sa batang yan." bulong ko kay Angela. Ngumiti lang siya.

"Hoseok, truth or dare?"

"Truth!"

"Type mo ba si Hara? Yung babae kanina?"

"Hihi, oo." malanding sabi niya. Bigla nalang naglakad palayo si Taehyung.

"Namjoon hyung! Truth or dare?"

"Dare!"

"Sayawin mo yung Up and Down ng EXID! TAEHYUNG, TEKA LANG! MAGPAPALIWANAG AKO!" sabi ni Hoseok at hinabol si Taehyung. Pumunta naman si Namjoon sa gitna at sumayaw na parang di ko alam. Mukha siyang inaatake ng epilepsy na may uuod yata sa pwet. Isama mo pa yung mukha niya habang sumasayaw.

"Oh ikaw naman Jimin! Truth or dare!"

"Truth!"

"Bakit wala kang jams? De joke wahahaha! Ito na nga, dahil hindi sumagot si Rona kanina, ikaw nalang. Mahal mo pa rin ba si Rona?" 

Akala ko sasagutin ni Jimin yung tanong pero katulad ng ginawa ko, uminom din siya ng alak. Ano bang meron sa amin ni Jimin at yun ang mga tanong nila? Saka hindi ba sila nahihiya kasi nandito si Hani?

"Jimin, you got no jams." sabi ni Namjoon.

Paulit-ulit yung laro kaya lahat kami natawag na. Pero yung tanong at pinapagawa nila sa amin ni Jimin, may kinalaman sa nakaraan namin. Kaya ayun, purong alak lang ang pinili namin. Lasing na si Jimin, pati na rin si Jungkook na sumasalo sa akin. 

"Guys, guys, everyone give your ears and eyes to me." sabi ni Yoongi.

"Ano?!" sigaw namin.

"MAKINIG KASI KAYO! Okay ito na nga, may sasabihin si Namjoon."

"Aba gago ka Yoongi, sana ikaw nalang nagsabi. Kasi napag-usapan namin kanina ni Yoongi na kung sino yung dalawang may pinakamaraming iniwasan na tanong, magsasayaw ng slow dance."

"Slow *hik* dance?" tanong ni Jungkook sabay tayo at sinayaw yung Something in slow motion. Dahil sa lasing na siya, bigla nalang siya natumba at nakatulog.

"Ayan kasi, batang-bata pa umiinom kaagad!" sabi ni Jin. Binuhat ng NamJin si Jungkook sa loob ng rest house. Kami nalang nila Jimin, Hani, at Yoongi natira. Si Hoseok nagpapaliwanag pa kay Taehyung.

"Oh, Rona at Jimin, sumayaw na kayo." sabi ni Yoongi.

"Ha?" sabi ko.

"Aba, bingi ka pala Rona?" sabi ni Yoongi.

"Speaking of bingi, knock knock." hirit ko.

"Oh? Wala kaming pinto."

"SUMAGOT KA!"

"PUTANGINA WHO'S THERE?!"

"Magandang bingi, hehe."

"Magandang bingi who?"

"Ano sabi mo Yoongi? Hindi kita marinig eh. Ano ulit?" bigla nalang akong binatukan ni Yoongi.

"SUMAYAW NA KAYO NI JIMIN!" sigaw niya. Pakalmahin niyo si lolo, please.

"Hindi, babalik na kami ni Jimin sa loob." sabi ni Hani at tinulangan tumayo si Jimin. Lumapit kaagad si Yoongi sa kanila at ninakaw sa kanya si Jimin.

"Hindi! Sasayaw sila ni Rona!" sabi niya. Nagwalk-out naman si Hani. Bigla nalang akong hinila ni Yoongi at binigay kay Jimin.

"Ayan sumayaw na kayo, mga pakipot pa kingina."

Nagulat nalang ako nang nilagay ni Jimin yung kamay niya sa bewang ko. Nagtaasan kaagad yung mga balahibo ko. Dahan-dahan ko naman pinatong yung kamay ko sa balikat niya dahil sa naiilang ako.

Habang sumasayaw kami, hindi ako nakatingin sa kanya kaya bigla niyang hinawakan yung baba ko at tinapat sa mukha niya.

"Rona..." bulong niya at nagulat nalang ako sa susunod na ginawa niya.

Hinalikan niya ako sa aking labi.






















Living With my Ex-boyfriend [Jimin ff]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon