Kabanata 35

13K 233 5
                                    

Mother

"Sige po." pag sang ayon ko sa sinasabi ni mama ang mama ni Jeremy. Iyon ang pinatawag niya sa akin, sakanya.

"Babay apo ko." paalam niya kay Jorgina at kumaway kaway pa. Uuwi kasi kami ngayo sa bahay para ayusin ang gamit namin at magpaalam kay Jun. Nakauwi na kasi iyon kagabi nalaman ko ng nagtext siya at hinahanap kung nasaan kami.

Niyakap ako ng mama ni Jeremy at ganon kay Jorgina bago kami tuluyan na sumakay sa sasakyan.

Sa biyahe papunta sa bahay namin ni Jun ay pumipikit pikit ako. "Matulog ka muna Baby ko. Pagod ka pa kasi e, Sabi sayo hapon na tayo umuwi!" magkahalong inis at lambing ang boses niya.

Nilingon ko muna si Jorgina na naglalaro sa Ipad ni Jewel na pinadala muna sakanya. "Mahal okay ka lang diyan?" umangat siya ng tingin sa akin bago ngumiti at tumango.

Naramdaman ko ang palad ni Jeremy sa palad ko. "Matulog ka muna.." malambing na utos niya at hindi na ako nakipagtalo pa.

Napagod talaga ako at antok na antok pa ako. Nang magising ako ay malapit na kami sa bahay. Nilingon ko si Jorgina sa likod at nakita tulog na din siya habang yakap ang unan doon.

Pinark ni Jeremy ang sasakyan. Lumabas agad ako at kinuha ang ibang gamit. "Jeremy si Jorgina ah.." bilin ko sakanya.

"Sige na. Bubuhatin ko na lang." Aniya at binuksan ang kabilang pintuan bago binuhat ai Jorgina. Nagmartsa na ako papasok at nakita ko si Jun na nanonood sa sala.

"Oh.. si Jorgina?" pagtanong ni Jun ay saktong pasok ni Jeremy. "Van, ayos na higaan ni Jorgina?" tanong niya sa akin. Nagpaalam muna ako kay Jun at pumasok sa kwarto para ayusin ang higaan ni Jorgina. "Je, lapag muna.." sabi ko Jeremy na nasa pintuan.

"Maliligo ako Van ang init e, Handa mo damit ko ah.." aniya pagkalapag kay Jorgina. "Sige pero mag paghinga ka muna. Napagod ka kaka maneho e!" ngumisi siya at kinintalan ng halik ang noo ko.

"Masusunod baby ko. Kailan tayo lilipat na kila mama?" tanong niya.

"Sasabihin ko muna kay Jun tapos balik din tayo doon." sagot ko at naalala ang sinabi ng mama ni Jeremy na bukas ay bumalik din daw agad kami.

Nang maligo si Jeremy ay lumabas ako at sinabi kay Jun ang lahat ng nangyari hanggang sa paglipat namin.

"Nakakalungkot naman mag isa na lang ako. Pero okay lang maghahanap na lang ako ulit ng kasama." aniya at sinundan ng tawa. "Congrats babae! worth it ang paghihirap mo." aniya at niyakap ako.

Inimpake ko lahat ng gamit namin ni Jorgina, ang kay Jeremy kasi ay nauna ko ng iimpake.

Dire diretso ang tulog ni Jorgina mukhang napagod sa byahe. Kinabukasan ay maaga kaming umalis.

"Mahal doon na tayo titira?" tanong niya pagpasok ko sa sasakyan. "Oo. Mahal.. Gusto mo doon di'ba?" nagningning ang mata niya bago tumango.

"Mahal.. may duyan doon tapos ang taas niya. Ang ganda mahal.." aniya na saktong pumasok si Jeremy at narinig ang sinabi ni Jorgina.

"Wala namang duyan mahal ko ah." aniya nakakunot ang noo.

"Meron kaya. Pagpasok ng bahay niyo papa tuturo ko." aniya at ngumiti. Napailing na lang ako.

Mabilis lang ang byahe namin at tanghalian na kami nakarating sa bahay ng mama ni Jeremy.

Papasok pa lang ng gate ay nakita ko na ang magulang ni Jeremy na tila ba hinihintay kami.

Agad lumabas si Jorgina at tumakbo palapit sa Lola niya. Nag bless siya dito at ganoon din sa papa ni Jeremy. Sumunod kami sakanila at hinayaan na ang mga tauhan ng bahay ang magpasok ng gamit.

"Mahal..  ayan o! Duyan." wika ni Jorgina habang nakatingala. Napatingin din ako sa itaas at nakita ko ang chandelier. Mahaba ang chain nito na nagdudugtong mula sa kisame at tatlong patong na bilog na malaki hanggang paliit ang nagsisilbing lalagyan ng ilaw nito.

Napatawa ako ganoon din sila Jeremy, mama at papa nito. "Apo ko.. Ilaw iyan. Hindi ka pwedeng magduyan diyan." natatawang wika ng papa ni Jeremy.

Inakbayan ako ni Jeremy at bumulong saakin. "Kanino nagmana ang anak natin?" nakangising wika niya.

---

Umupo ako sa tabi ni Jorgina. Agad akong natakam ng makita ko ang nakalatag na pagkain sa lamesa. Parang fiesta ulit. Iba't ibang putahe ang nadoon.

Napansin ko ang patingin tingin ni  Jeremy sa pala pulsuhan niya at ang panaka nakang tingin sa pintuan ng kusina. Inabot ko ang hita niya at ipinatong ang kamay ko doon. Mabilis siyang tumingin sa akin. "May hinihintay ka?" tanong ko na sinagot lang niya ng ngiti.

"Sir Jeremy, may bisita po kayo." napabaling ako sa katulong na biglang pumasok sa kusina. "Saglit lang." paalam ni Jeremy bago tumayo at  lumabas ng kusina.

Pagbalik niya ay napatayo ako. Sa likod niya ay ang mga magulang ko. Namuo ang isang parang bato sa lalamunan ko. Ibinuka ko ang bibig ko para tawagin sila pero walang lumabas sa bibig ko.

"Vannah.. Anak." tawag sa akin ni Mama at mabilis na nilakad ang distansya namin. Hinalikan niya ako sa pisngi. "Im sorry anak ko. Patawarin mo si mama. Nabulag lang ako ng galit ko..." lumuluhang hingi niya ng tawad. "Hinanap kita pero hindi na kita makita. Patawarin mo ako anak ko.." nauutal na aniya at niyakap ako. Tumingin ako kay Jeremy naluluha na ang mata ko, tumango siya sa akin at ngumiti.

"Mommy.." untas ko at niyakap siya ng mahigpit. Lumapit si dad sa amin at hinaplos ang likod ko. Kumalas ako ng yakap kay Mommy at yumakap kay Daddy. "Mahal ka namin anak ko.." aniya.

"Mahal.." napatingin ako kay Jorgina na umiiyak na din. Agad ko siyang binuhat. "Bakit ka umiiyak?" tanong ko habang pinupunasan ang luha niya. "Kasi nag cry ka din. Kapag umiiyak ka mama ko iiyak din ako." wika niya at yumakap sa leeg ko.

Once His  (Published)Where stories live. Discover now