Kabanata 28

12.3K 229 6
                                    

be his again

Tinignan ko ang mag ama kong natutulog. Akala ko hindi mangyayari ito. Nakayakap si Jeremy kay Jorgina at ganoon din ang anak ko. 'anak natin' biglang nag echo ang boses ni Jeremy kaya pinalobo ko ang bibig ko para maitago ang nagbabadyang ngiti.

I leaned forward to Jorgina at hinalikan siya sa noo napatingin ako kay Jeremy. I still love this guy. Sinuklay ko ang daliri ko sa mga buhok ni Jeremy at kikintalan ko sana ng halik sa noo ng may tumunog na phone. Iginala ko ang mata ko at nakita ko ang ilaw sa bulsa ng pantalon ni Jeremy.

Tumayo ako at kinuha ang phone niya. Nakita ko ang mukha ni Kath sa phone niya. Napatingin ako kay Jeremy.

Mahal ko si Jeremy pero pag aari na siya ng iba.

Lumapit ako kay Jeremy at ginising siya bahagya siyang dumilat kaya tinapat ko sa mukha niya ang phone. "Si Kath tumatawag." kinuha niya ang phone at may pinindot bago sinagot ipinatong sa tenga niya ang phone.

"Kath." "Hmmm..." "Sige. Andito ako kila Vannah." "Oo. dito ako matutulog." "Sige. Pasabi na lang. babay."

Nagtalukbong ako ng kumot at tumalikod sakanila ni Jorgina. Nahihirapan akong huminga. Parang may pumipiga ng puso ko. Naramdaman ko ang palad ni Jeremy sa bewang ko. Kinagat ko ang labi ko ng maramdaman ko ang milyon milyong boltahe na naglalakbay doon mula sa palad niya patungo sa bewang ko.

Ayokong umasa. Ayokong isipin na pwede pa kami ni Jeremy. Dahil hindi na mangyayari iyon. May Kath  na siya. At hindi na pwedeng magkabalikan kami. I am just once his and will never be his again. Dapat itanim ko iyon sa isip ko.

Inalis ko ng talukbong sa mukha ko at hinarap si Jeremy na patuloy sa pag himas sa bewang ko. "Ano ba Jeremy! umuwi ka na, tulog na si Jorgina sasabihin kong may emergency ka." umuwi ka na sa girlfriend mo. I wanted to add.

Umupo si Jeremy kaya umupo din ako. He's not saying anything pero sapat na iyon para malaman ko ang iritasyon o galit niya sa sinabi ko. I breath heavily bago ako tumayo ako at lumabas.

Sumunod si Jeremy sa akin at pumwesto sa harap ko. "Ano bang ginagawa mo Jeremy!? Hindi mo kailangan na matulog dito at isa pa tuwing sabado at linggo ka lang pumunta. Hindi mo kailangan na matulog dito." Kasabay ng paglabas ng salita sa bibig ko ay ang galit na nararamdaman ko. I shook my head nang hindi pa din siya nagsasalita. "Umuwi ka na. Hinahanap ka na sa inyo. Hinahanap ka ng girlfriend mo." Wika ko pinagdidiinan ang girlfriend para maalala niyang may karelasyon siya. O sa akin ko ipinapaalala iyon?

Tinapunan niya ako ng galit na galit na tingin bago siya lumabas. I guess that's it. Uuwi na siya without saying anything.

Lalapit na sana ako sa pintuan para i lock iyon ng pumasok si Jeremy sa bahay bitbit ang mga bag niya. Napakunot ang noo ko.

"I'll stay. Gusto kong makasama ang anak ko. twenty-four seven. Alam ito ni Kath. Isang linggo lang naman ako dito Vannah." wika niya. Alam ni Kath? kung ako ang girlfriend hindi ako papayag na tumuloy siya sa babaeng na anakan niya kahit isang araw.

Ipinasok niya ang gamit niya sa kwarto at nang lumabas siya muli ay nagsalita ako.

"Isang linggo? tapos ano? aalis ka!? Hind  mo ba naiisip ang mararamdaman ng anak ko!? Kapag ginawa mo yun para mo siyang binigyan at pinatikim ng candy pagkatapos ay hahatakin pabalik. Masasaktan ang anak ko." Huminto ako para huminga sa galit "Kaya kung ganon lang. Huwag mo ng umpisahan. Umalis ka na. Nagmamakaawa ako." dugtong ko pa.

"Mahal..." napatingin ako sa pintuan ng dumukwang ang ulo ni Jorgina doon agad ko siyang dinaluhan. "Wag na kayong mag away ni Papa." malumnay na aniya. "Hindi kami nag aaway." wika ko sabay tingin kay Jeremy na nasa tabi na ni Jorgina.

"Hindi ako naniniwala." aniya at tinignan kaming dalawa ni Jeremy. "Papa, Kiss mo si mahal." utos niya. Nagulat ako pero sinagot ko agad siya. "Jorgina ah. Tulog na!" pagkasabi ko noon bigla na lamang siyang nagiiyak. Sinusumpong.

"Tahan na. Ki-kiss ko na si mama mo." napatingin ako kay Jeremy at nanlaki ang mata ko, in just a swift motion naglapat ang labi namin pero agad din niyang tinangal. Huminto si Jorgina sa pag iyak. "Isa pa. hindi ko nakita." aniya I look at Jeremy namumula ang mukha niya pero mabilis din siyang yumuko sa akin at hinalikan ako. This time tumagal na ng ilang segundo.

"I love you mama, papa. Huwag na kayong mag aaway ah." narinig kong wika ni Jorgina kaya napalayo ako kay Jeremy. "Sleep na anak." utos ni Jeremy, namumula pa din.

Hiniga ko si Jorgina at humiga na din ako agad siyang yumakap sa akin kaya tinapik tapik ko ang hita niya. Tumabi na si Jeremy kay Jorgina at niyakap din ito. Nakatulog naman agad si Jorgina at doon lang ako nakatulog.

Once His  (Published)Where stories live. Discover now