Kabanata 5

12.8K 194 4
                                    

Pares

Halos mapaso ako ng bigla kong ininom ang kape. Im in rush, susunduin ako ni Jerome para sabay kaming mag enroll sa College.

"Vannah dahan dahan." nag aalalang wika ni Mommy. "I have to go po. Bye My and Dy." paalam ko at isinantabi ang paalala ni Mommy.

"Vannalein hindi ka pa sasabay?" Tanong ni Mommy kay Ate Vannalein na prenteng nakaupo sa hapag. "Hindi My. Bukas na lang ako." sagot niya at pinagpatuloy ang pagkain.

Nagmadali ako sa paglabas ng bahay. Nakita ko doon ang sasakyan nila Jerome. Kumunot ang noo ko sa pagtataka. Bakit hindi ginamit ni Jerome ang sasakyan niya? Ang sariling tanong ay binigyan ko din ng kasagutan. Baka nasira ang sasakyan niya.

Hinanda ko ang malaki kong ngiti bago ko binuksan ang pinto sa passengers seat only to find out na hindi si Jerome ang laman ng sasakyan kung hindi ang driver nila.
Napawi ang matamis na ngiti sa labi ko. "Goodmorning po Miss Vannah." magalang wika niya. "N-nasaan po si Jerome?" nauutal na tanong ko. "Wala si kuya may hang over dahil sa inuman nilang magbabarkada kagabi at sinabihan niya akong isabay ka sa pag enroll dahil tapos ng mag enroll si Jewel kahapon." napatingin ako sa likod ng drivers seat ng magsalita si Jerome. Hindi ko siya napansin kanina. "Ah. Ganon ba?" dismayadong sambit ko at tumango tango. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng sasakyan sa gilid ko kaya sinara ko ang pinto ng passengers seat at pumasok sa likod na bahagi ng sasakyan.

Pakiramdam ko may iba kay Jerome pero alam kong mahal niya ako. May rason naman siguro kung bakit ganon. Siguro nasobrahan nga siya ng kakainom kagabi.

Nang makarating kami sa school ay sabay nga kaming nag enroll ni Jeremy. Tinanghali na kaming matapos dahil sa haba ng pila.

"Lunch muna tayo." yaya niya pagkalabas na pagkalabas namin sa gate ng school. Gusto ko sanang tumangi pero kumakalam na din ang sikmura ko kaya tumango na lang ako. Ngumiti ng malaki si Jeremy at hinatak ako papunta sa malapit na kainan.

"Pares at lugawan...?" patanong na basa ko sa karatula bago tinignan si Jeremy. Tumango tango naman siya. "Paborito ko ang pares, kung ayaw mo non maglugaw ka na lang, may tapsilog din diyan.." aniya at ngumiti kaya lumabas ang biloy niya.

"Manang isa pong pares at.." tinignan ako ni Jeremy nagtatanong. "Tapsilog na lang po." wika ko sa matandang babae. "Si Gwapo may girlfriend na." wika ng matanda at ngumisi pa. "hindi ko po siya boyfriend." sabi ko sa matanda pero hindi ata naniwala kaya nginitian lang ako.

Pagka lapag ng pagkain ay agad kong nilantakan iyon dahil gutom na gutom na ako nang nangalahati na ako ay tinignan ko si Jeremy, hinihigop niya ang sabaw ng Pares, mukha sarap na sarap siya. Bigla ay na curious ako sa lasa non pero hindi ako kakain non. Kasi parang iba ang itsura, malinis kaya yon?

"Gusto mong tikman?" tanong niya. hindi ko namalayan na nakatingin na pala siya sa akin. Ngumiti ako at umiling agad bago binaling sa kinakain ko ang atensyon ko.

Ang sarap ng pagkakaluto ng pagkain na ito. Ibang iba sa luto ng mga katulong amin sa bahay. Sa susunod titikman ko naman ang lugaw nila.

Nagbayad si Jeremy at tumayo na. "Magkano?" tanong ko sakanya. Umiling siya at sinabing lalaki siya kaya siya ang magbabayad. Hindi na ako umimik. Sa labas ng kinainan namin ay hinintay namin ang sasakyan. Tinext na kasi ni Jeremy si Manong.

Hinatid ako ni Jeremy sa bahay. Nagpasalamat naman ako pagbaba ko.

Paguwi ay nagtext agad ako kay Jerome at nagkuwento sa araw ko. Ilang oras akong naghintay ng reply niya pero wala akong natanggap.

Inisip kong baka tulog dahil sa hang over niya. Kinabukasan ay maagang umalis si Ate Vannalein dahil mag papa enroll daw siya. Hindi pa din nag paparamdam si Jerome at ang kakaibang bumabagabag sa isip ko nagkakaroon na ng malaking espasyo sa isip ko. Ang pinapasimpleng bagay ko ay nagiging iba na.

Sabi nila kapag ang babae ay kinutuban ay totoo iyon, pero hinihiling ko na sana tyeorya lang iyon at iniisip lang ng iba. Dahil sa oras na malaman ko na niloloko ako ng mahal ko ay hindi ko alam ang gagawin.

Isang linggo akong walang maayos na tulog dahil sa pag iisip ng mga inaakto ni Jerome noong nakaraan.

Bumaba ako ng hagdan at nagtungo sa kusina para kumuha ng ice cream cake. Kapag kumakain ako nito ay pakiramdam ko naiibsan ang mga dinadala ng isip o ng puso ko.

Kumain ako ng kumain hanggang sa masatisfied ako at makatulog sa lamesa ng nakatungo doon.

Once His  (Published)Where stories live. Discover now