Kabanata 13

11K 224 6
                                    


Umalis ka

Iniwanan ko si Jun ng isangdaan para may pagkain sila. Nakakahiya kasi pinagbantay ko na siya pa gumagastos sa pagkain.

Binilin ko ng maigi si Jorgina at umalis na para pumasok. Pagpasok ko ay nandoon na si Yana at naglilinis. Kinabahan naman ako. "Yana, late na ba ako?" agad naman siyang umiling. "Maaga lang ako. Vannah, mamaya patingin ako ng picture ng anak mo ah. Hindi talaga ako makapaniwala." Aniya habang naka paskil sa mukha ang salitang imposible. "Sige." pagpayag ko habang tumatawa.

Sinimulan ko na ang rounds ko gaya ng kahapon. Naka yuko ako habang  hawak hawak ang mop ng may masangga ako. Nanlaki ang mata ko ng tumambad sa mukha ko ang lab gown ng doctor at may mantsa ng kape sa bahaging gitna sa gilid ng lab gown niya, agad kong kinuha ang panyo sa bulsa ko at pinunasan iyon.

"Sorry po Doc. Sorry po." patuloy ang paghingi ko ng tawad hanggang sa napahinto ako kasi hindi gumagalaw ang nabangga ko. Sa pag angat ko ng tingin ay nakita ko ang pamilyar na mukha. Ang chinky eyes niya tamang tangos ng ilong. Masungit na kilay na bahagyang makapal. Labing natural na mapula at medyo makapal. Ang mukha na iniiwasan ko, pagbalik ko ng tingin sa mata niya ay may galit doon. "S-Sorry." Hindi ko alam kung ang pinaghihingi ko ng tawad ay yung sa kape o iba na. "Sorry po ulit." Wika ko bago tumalikod at naglakad palayo sakanya.

Bakit siya nandito? hindi naman Hidalgo Hospital ang napasukan ko ah. Anong gagawin ko? Hindi ako pwedeng umalis sa trabaho ko dahil kailangan namin ni Jorgina ng pera.

Hindi pa ako nakakalayo ng may humatak sa akin kaya napaharap ako sakanya, napabaling ang mata ko sa kamay niyang nasa siko ko. Napakahigpit ng hawak niya doon na parang doon niya binuhos ang lahat ng galit niya sa akin.

"Jeremy, nasasaktan ako!" mariin na wika ko pero imbes na pansinin niya ako ay hinigpitan pa niya lalo ang hatak sa akin at kinaladkad ako ng mabilis papasok sa pintuan kung nasaan nandoon ang hagdan. Walang nagsasalita sa amin habang hatak hatak niya ako paakyat sa kung saan.

Tinulak niya ang pinto at hinatak akong muli papasok. Pabalya niya akong binitiwan at napakagat lang ako sa ibabang labi ko ng makita ko ang napakalamig na ekspresyon ng mata niya.

"Umalis ka sa hospital na 'to." napalunok ako sa sinabi niya. "Bakit? ayoko." mariin na wika ko.

His jaw clenched even his fists. "Magkano ba kailangan mo para umalis ka na dito?" mabilis na sumiklab ang galit sa dibdib ko. "Ano bang pinoproblema mo? Hindi kita gagambalain kung yan ang iniisip mo at lalong hindi ako pumunta dito para manghingi ng pera sayo!"

"Kung ganon bakit ka nandito!? May iba pang dahilan? Ah.. baka iniisip mo na si Kuya ang magbo volunteer dito? pwes nagkakamali ka! Kaya umalis ka na dito!" puno ng hinanakit ang boses niya pero sa sinabi niya nagtatagis ang bagang ko.

"Huwag kang mag alala hindi ako nandito para sayo at lalong hindi para sa kay Jerome. Kung iniisip mo na baka may makakilala sa atin, huwag kang mag alala dahil hindi kita papansinin habang nag ta trabaho ako." wika ko at saka nag martsa palabas doon.

Pinilit kong huwag mag landas ang luha sa mga mata ko kahit na ang bigat bigat na ng dibdib ko.

Pero ng papalabas na ako sa pintuan kung saan ako dinaan ni Jeremy kanina ay napahikbi ako. Nanumbalik ang lahat ng ala ala sa akin simula ng sabihin ni Jeremy na mahal niya ako.

"Gusto mong malaman kung bakit ko 'to ginagawa?" bulyaw niya din sa akin. Galit na siya base sa sigaw niya pero wala akong pakialam.

"Sabihin mo! Dahil kay Jerome di'ba!? Di-.."

"Dahil mahal kita." napatigil ako sa sinagot niya. "Vannah, manhid ka ba? mahal kita."

Matagal bago ko naipasok sa isip ko ang sinabi niya. "Mahal na kita bago pa maging kayo ni Kuya." Dagdag pa niya.

Sa sandaling iyon nabalot ng kung ano ang isip ko at ang higanti na nais kong gawin ay gagawin ko ngunit gaya ng Jerome kung kapatid ko ang nais niyang mahalin, kapatid din niya ang paghihigantihan ko.

Inilang hakbang ako ni Jeremy at niyakap. Bumilis ang tibok ng puso ko pero isinantabi ko iyon. Hindi na ako magmamahal muli.

Once His  (Published)Where stories live. Discover now