"Ian," mayamaya ay tawag sa kanya ni Joy.

Kunot pa ang noong nag-angat siya ng tingin.

Nagulat pa siyang nakatapat sa bibig niya ang tinidor ni Joy na may hiwa ng burger.

"Tikman mo 'to. Bagong recipe ni Kuya."

Sandaling tinitigan niya muna 'yun bago niya isinubo. Nang mag-angat siya ng tingin, nakagiti sa kanya si Joy.

"Masarap 'di ba?" tanong nito. Tumango siya bilang sagot. "Hay naku, buti pa si Kuya nakuha 'yung galing ni Mama sa pagluluto. Samantalang ako, nakuha 'yung galing ni Papa sa pag-kain." Tumawa pa ito kapagkuwan.

Napangiti siya sa tawang 'yun ni Joy. Pakiramdam niya kasi, bigla na lang lumiwanag ang buong resto.

"'Di bale, nagpa-practice na ako. Mamaya, ipatitikim ko sa'yo ang luto ko."

~*~

Hindi maitago ni Ian ang excitement nang nagluluto na si Joy. Though biglang nagbago ang mood nito pagpasok nila sa bahay, pagdating ng alas-diyes ay lumabas din ito ng kwarto at nagpunta sa kusina para magluto. Buong oras na 'yun, naghintay lang siya sa sala para sa pagbaba ng dalaga.

Halatang nagulat si joy nang makita siyang pumasok ng kusina.

"O, magpahinga ka na muna sa kwarto mo. Tatawagin na lang kita pagkatapos kong magluto," anito sa malamig na boses.

Ngumit siya saka nagsalita.

"Gusto kitang panuorin," aniya.

Nagkibit lang ng balikat si Joy saka tumalikod para kumuha ng ilan pang sangkap ng lulutuin nito. Naupo siya sa kabisera kapagkuwan. Nang humarap sa kanya si Joy, nakita niya ang galot na biglang lumabas sa mga mata nito. Umiwas agad ito ng tingin pero naroon pa ring ang hindi niya maipaliwanag na galit sa mukha nito.

Napa-isip siya bigla at naalala ang nangyari kahapon lang sa mismong kina-uupuan niya. Napabuntong-hininga siya at sinubukang magpaliwanag.

"Joy, I—"

"Kung gusto mong makakain ng matino, manahimik ka na lang d'yan," putol nito sa sinasabi niya.

Marahang tumango siya at tumayo. Pagkatapos ay lumipat siya ng pwesto. Nakita niya pang sinundan siya ng tingin ni Joy pero hindi na ito nagsalita at nagpatuloy na lang sa ginagawa.

~*~

Sa totoo lang ay kinakabahan si Joy sa magiging reaksyon ni Ian sa niluto niya. Simpleng sinigang lang 'yun na natutunan niya sa Mama nito. Abot langit ang dasal niyang matino ang lasa nun.

Nakadagdag pa kasi sa pressure ang panonood nito sa kanyang magluto kanina. Pakiramdam niya tuloy, hindi masarap ang timpla niya.

Hindi siya humihinga habang humihigop ng sabaw si Ian. Nakatitig siya rito at hinihintay ang magiging reaksyon nito.

KInabahan pa siyang lalo nan gkumunot at noo nito. Pero bigla rin itong ngumiti nang malapad saka humigop pang muli ng sabaw.

"Ang sarap! Parang luto ni Mama pero mas masarap," anito. "Parang kay Mama talaga e. Pero may iba. Mas gusto ko 'to," anito saka nilantakan ang pagkain.

Natuwa naman siyang marami itong kinuhang pagkain. Pakiramdam niya tuloy, ang galin galing niya na.

"Actually, kay Mama ko 'yan natutunan," aniya.

Napa-angat ng tingin si Ian. Malamang, hindi nito inaasahan ang sinabi niyang 'yun.

"These past few days, kung wala ako sa bahay naroon ako sa bahay nina Mama. Nagpaturo akong magluto. Para sana mapagluto na kita ng matinong pagkain," paliwanag niya.

He's My BrideDonde viven las historias. Descúbrelo ahora