Chapter Twenty Six

En başından başla
                                    

Sa buong pagkakakilala nila noon, isang beses lang siyang pinansin ng dalaga. Nang unang beses na ipakilala ito sa kanya ng kaibigan niya. Pero dahil na-cute-an siya rito nang makita niya ang mukha nito at inasar niya agad. Simula noon, hindi na siya pinansin ng dalaga at lantarang ipinapakita ang inis tuwing nakikita siya.

Na-isip niya ang isang beses na nakita niya ito sa resto na 'yun.

Nilapitan niya si Joy na nagbabasa ng isang romance pocket book sa isang sulok.

"Nagbabasa ka pala ng ganyan?" aniya.

Tinignan lang siya nito sandali saka inirapan. Kinulit niya pa ito ng kinulit hanggang sa tumawag ito ng waiter at ipinabalot na lang ang kinakain.

Sandali pa lang itong nakakalayo sa kanya nang hindi niya napigilang mapa-bulong, "ang cute mo talaga."

"Sinong cute?"

Napamulagat siya nang magsalita si Joy sa tabi niya.

"Ano, nasobrahan ka na sa gamot? Nakatingin ka sa kawalan tapos may cute?" Sinundan pa nito ang tingin niya saka nagkibit. "Kunsabagay, cute naman talaga 'yung dahon," anito pa bago nagpatiuna sa isang mesa na pandalawahan.

Naka-upo na ito nang makalapit siya sa mesa. Uupo na rin sana siya sa katapat na silya nito nang tumayo ang dalaga at inalalayan siya paupo para hindi niya maitapak ang paa niyang may sugat.

Ilang minuto rin na tahimik lang sila. Umorder lang ng pagkain si Joy, pagkatapos ay tumingin na lang sa labas ng resto at mukhang walang balak na tumingin sa kanya.

Naisip niya ang dahilan kung bakit ito nagagalit. Ang nakita nitong nangyari sa kusina. Magpapaliwanag na sana siya pero bigla na lang may yumakap kay Joy mula sa likod nito.

"Jooooy!" sabi ng babae at bumeso pa sa dalaga.

"O, JL. Nandito ka na pala," ani Joy.

"Yup! Na-miss kita, super!"

May iniabot na brown envelope ang babae kay Joy matapos sabihin 'yun.

Nakatitig lang siya sa dalawa. Sa buong umaga na magkasama sila ni Joy, noon lang ngumiti ang dalaga. Napa-kunot ang noo niya at tinitigan ang babae.

Ni hindi man lang mapansin ng mga ito na naroon siya. Nang hindi na matiis ang pang-iignora sa kanya ay tumikhim siya.

Sabay pang napalingon sa kanya ang dalawa.

"O, may kasama ka pala," sabi ng babae na dumating.

Sa tantya niya sa tingin nito sa kanya ay mukhang may galit ito sa kanya na hindi niya mawari. Para bang ayaw siya nitong makita roon.

Anong problema ng babaeng 'to?

"Uh, oo nga pala. JL, si Ian. Ian, si Jenelle, kaibigan ko," sabi lang ni Joy bago bumaling ulit kay JL.

Wala na siyang nagawa kundi panoorin na lang ang dalawa habang nag-uusap.

"Uy, 'wag mo 'kong iindyanin mamaya ha!" malakas na sabi ng babae mayamaya. Noon niya lang napansin na mukhang paalis na 'to.

"Oo naman. Ako pa ba? Sige na, umuwi ka na muna," nakangiti pang sabi ni Joy.

"Yey! Thank you!" Bumeso ito kay Joy at bago tumalikod ay sinabing, "Love ya!" Pagkatapos nun ay kumaway ito patalikod habang palabas ng resto.

Hindi niya naiwasang mag-smirk. Love ya? Tss. Ano 'to, kaya walang anu-anong napalayas si Rihanna kasi may kapalit na?

Inis na kumain si Ian nang dumating ang order nila. Padaskol siyang kumuha un kung minsan at alam niyang napaptingin si Joy pero hindi siya nag-aangat ng tingin.

He's My BrideHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin