Ch. 30: The scared one

176 13 1
                                    


"The heart has reasons which reasons cannot understand" -Psychology 1013


Mishiela Salvador


How... can... you... tell... if... you're in... love /enter/  /view results/


10 definitive ways to tell you're in love with the right someone

Blah blah blah

Blah blah blah.


I opened 10 definitive ways. Kaso biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko dahilan para pabagsak kong masara ang laptop ko dahil sa gulat.


"Yaya!" saway ko nang makita ko kung sinong pumasok. Nasapo ko ang dibdib ko, nagulat ako.


"Me tinatago ka, 'no?" napatingin ako sa kanya na kasalukuyang kinukuha ang mga madudumi kong damit sa basket, lalabhan na ata. 


"Wala naman po." tinabi ko nalang ang laptop. Bakit masyado naman ata akong nagulat, na para bang mali ang sinesearch ko sa internet kanina at natatakot akong may makahuli sakin?


"Mag-ayos ka na ng gamit, may pasok na naman kayo bukas. Wag mo na rin daw intayin ang mommy't daddy mo. Ku, gabi na 'yon darating."


Upon remembering na ngayon ang huling araw ng sembreak at bukas ay balik school na kami, my heart skips a beat.


No, I don't miss school. Pero hindi ko maiwasang hindi maexcite dahil may pasok na uli bukas. Magulo di'ba? Ganyan ako buong sembreak, magulo. 


"Ishii." tawag niya, "Natutuwa akong makita kang ganyan... nagdadalaga, nagkakagusto sa iba." 


Sandali kong napigil ang paghinga. Nginitian niya ako saka binuhat ang basket na may maduduming damit at lumabas ng room. My heart pounded heart inside my chest. Bigla akong nahiya sa kanya at sa sarili ko.


Lahat naman sila dito sa bahay alam na may gusto ako kay Rainbow pero hindi ko narinig sa kanya iyan, hindi rin niya ako nginitian na para bang natutuwa siya sa nararamdaman ko, ngayon lang. And alam kong hindi si Rainbow ang tinutukoy niya na gusto ko.


Paano niya nalaman? Huhuhuhu. 

***

Monday morning and we're back to school and usually may flag ceremony since it's Monday nga pero ngayong umaga ay wala, I don't know why. Today I am back to my usual self. Iyon ang usual Ishii na makikita mong pa-skip skip kung maglakad sa hallway every morning. Weird as it may seem, pero doon ako sanay.


"Hi, Aimee!" bati ko nang makasalubong ko siya sa hallway. Kararating lang niya at papasok na sa room, ako naman ay pababa para bumili sa caf. 

He's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon