Tinanggal nya yung kamay ko sa bibig nya. "Boplaks ka ba Daniel? Artista tayo! I mean, KAYO!"

I smirked. "Alam ko. Pede naman magdisguise di ba?!" sabi ko habang tumataas baba ang kilay.

"CHANDRIA!" tawag ulit ng staff pero tumakbo kami ng mabilis sa sasakyan ko.

Pinaandar ko agad yun pag sakay namin.

"Ano plano mo?" tanong ni Kath.

"Suotin mo to!" bigay ko sakanya ng bag.

"Sumbrero? Glasses? Seryoso ka ba?!"

"Gagana yan! Trust me!"

"Daniel. Nakadress ako tapos pag susuotin mo ko nito? Nagmukha naman akong shunga!"

I sigh. I stop the car sa gasoline.

"Suotin mo yung nandyan sa may isang zipper! Magbihis ka na! Ako din. Wag ka magpapakita ha!"

 

She nodded.

Nagbihis na ko. Sumbrero at glasses din.

Sumakay na ko sa kotse.

Asan na yung babaeng yun?

"OMG OMG CHANDRIA PAAUTOGRAPH!" narinig kong may nahiyaw sakanya.

Napaface palm ako. Nakita sya. Tsk.

I saw Kathryn smiling nervously tapos nakadisguise na sya.

Napatingin saakin yung girls. 3 sila.

"OMG MAGKASAMA KAYO! OMG OMG!!!!!!!" sigaw nila habang natalon. Pssh.

Di nila alam na kami ni Chandria eh. Ewan ko ba. Sabi dapat maging kami para malakas hatak ng loveteam. Pero bakit di sinasabi sa publiko? Loko din no?

Pero buti pumayag si Chandria. Napilitan nga lang eh.

Mission ChandriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon