{MMH} *Ch. 16 - Deep Conversation and Indirect Confession?

Start from the beginning
                                    

“Clenery. May itatanong ako sayo.”

“Ano yun?”

“Paano kung….. kung nalaman mo na si Marc pala yung pakakasalan mo? Anong magiging reaksyon mo?”

Nabigla ako sa tinanong nya kaya naman aalis sana ako sa pagkakayakap pero mas lalo nya pang hinigpitan.

“Gusto kong sagutin mo ang tanong ko Clenery.”

Hindi ako agad nakapagsalita. Iniisip ko pa ang sasabihin ko.

Paano nga ba? Paano nga ba kung ang lalaking nanakit ng husto sakin ang pakakasalan ko? Paano kung si Marc nga yun? Ano nga ba ang magiging reaksyon ko? Masasaktan? Malulungkot? Magagalit? Maiinis? O magiging masaya? Hindi ko alam. Hindi ko maisip ang tamang kasagutan.

Umiling ako habang yakap ako ni Gab. Naramdaman ko na napahinga sya ng malalim. Pero bakit yun ang naitanong nya? Posible bang…..

“G-gab. Bakit mo, sakin naitanong yan?” mahina kong tanong sa kanya. Kinakabahan ako sa sasabihin nya.

Dahan dahan syang kumalas sa pagkakayakap at seryosong tiningnan ako.

Unti unti syang umiling, “Wala naman. Gusto ko lang malaman ang sagot mo. Kaso hindi mo naman alam.”

Ngumiti nalang ako sa kanya. Hinawakan naman nya ang magkabilang pisngi ko. Nakatitig lang sya ngayon sakin.

“Clenery. May gusto ulit akong itanong.”

Tumango ako bilang sagot.

Tinitigan nya ako sa mga mata, “Ano kaya kung, tayo nalang ang magpakasal?”

Nagulat ako sa sinabi nya. Hindi ako sumagot. Hinihintay kong sabihin nyang joke nya lang ang sinabi nya pero nakatingin lang sya sakin ng seryoso habang naghihintay ng sagot ko.

Gab, ano to? Nagpopropose ka ba sakin ngayon? Hindi mo ba biro lang to? Totoo ba tong tinatanong mo sakin?

Pero kung totoo, bakit, bakit hindi ko alam ang isasagot ko?

Ngumiti sya at inalis ang pagkakahawak nya sa mukha ko. Tumayo sya at nilahad ang kamay nya sakin.

“Wag mong seryosohin yun. Nagbibiro lang ako. Hinihintay ko na kumagat ka sa biro ko kaso ang tagal mong sumagot eh. Nagugutom na ko. Tara na. Kumain na tayo.” Nakangiti nyang sabi.

Tiningnan ko ang kamay nya na nakalahad sakin at tumingin ako sa kanya.

Nginitian ko sya at tumango. Hinawakan ko ang kamay nya at hinila na nya ako palabas ng kwarto.

Sa totoo lang muntik na kong sumagot kanina kung hindi nya pa inalis ang mga tingin nya sakin.

Pero sa sagot ko alam kong masasaktan sya..

{COMPLETED} [MFM Book2] Mirror of My Heart {MMH}Where stories live. Discover now