F I V E

25.2K 305 3
                                    

Pag-gising ko. Matinding sakit ng katawan ang bumungad sakin. Ganito ba talaga kapag first time? Masakit? Parang akong binugbog ng sampong katao.




Bumangon kagad ako sa higaan ko ng mapansin ko wala na si Kristian sa tabi ko. Nasaan nanaman yung lalaki na yun? Kinuha ko kagad yung bathrobe at yung underwear at bra ko.




" Shit " napamura ako ng makita kong may dugo sa bed sheet ng kama. Nakakahiya naman sa mga maglilinis nitong bed sheet kapag umalis na kami dito bukas.



Pumasok na ko sa loob ng banyo nang paika-ika. Sobrang sakit ng down there para binabanat na kung ano. Saglit lang ang ginawa kong paliligo at nag-bihis na. 10 na ng umaga at wala pa kong kain simula kagabi.




Bumaba ako sa baba para sa restaurant na lang ako kakain. Ayoko naman mag pa room service kasi baka makita nila yung stain sa bed sheet namin. Pagkapasok ko sa resto umupo kagad ako sa high chair kung saan tanaw na tanaw mo yung dagat.




Pineapple juice at Burger lang ang inorder ko kahit gutom na gutom ako. Gusto ko sana mag rice kaso parang ayoko.




Pagtapos ko kumain naglakad lakad muna ko sa sea shore, upang lumanghap ng sariwang hangin. Hindi ko pa pala masyadong nalilibot tong buong resort. Kung simulan ko na kaya ngayon? Tama. Buti na lang at naka shorty shorty ako at white shirt at slippers ako ngayon.




Una kong pinuntahan yung pool area na di kalayuan dito. May apat na pool dito. Yung una pangbata medyo malaki sya. Yung pangalawa medyo malalim lang sya mas malaki naman to kesa sa isa. Tapos yung pangatlo, medyo maliit sya na square na may nakalagay na Hot Spring. At yung last napaka laki, may slides na rin sya.



Pagkatapos ko sa pool sa may outdoor activities naman ako pumunta na medyo kalayuan dito. Pagdating ko sa field kong saan lahat ng outdoor activities nandon. Pwede ka mag golf, mag basketball, at volleyball at kung ano ano pang outdoor games. Konti lang ang tao dito at karamihan puro babae at bakla, naglalaro sila ng volleyball.



Yung ibang parte naman nitong resort malayo na. Kailangan mong umarkela ng golf cart para mapuntahan yun. Kaya sa dagat na lang ako pupunta napansin ko kasi na may duyan sa dulo nun.



Pagdating ko sa beach pumunta kagad ako sa may dulo nun kung saan may lumang kubo at sa may bandang coconut tree naman mah duyan at sakto walang nakaupo dun. Humiga kagad ako sa duyan at tinukod ko yung paa ko sa buhangin para gumalaw galaw yung duyan. Buti na lang at may puno dito kundi baka matusta ako sa sobrang init.



" Sayang hindi ko dala yung camera ko " madami pa naman akong nakikitang bata sa dika layuan na nagtatakbuhan. Ang sarap siguro maging bata ulit nuh, yung wala kang problemang iisipin, wala kang pakielam sa mundo at paglalaro lang ang iisipin mo. Yung tipong nasugatan at napagalitan ka lang ng magulang mo kaya ka umiiyak at candy lang ang nakakapagpasaya sayo. Memories



Pagtapos ko mag muni-muni sa may duyan nagpunta na uli ako sa resto para kumain. 12:12 na kasi at sakto nagugutom narin ako. Kung kanina nasa loob ako ng resto, ngayon naman nasa labas ako kung saan may mga pang apatan na tables.



Chicken soups at strawberry lime juice lang ang inorder. Habang kumakain ako nag ring yung cellphone ko, tinignan ko yung ID caller nung tumatawag at si Kristian yung tumatawag? Bakit kaya?



" oh bakit? " humigop ako ng mainit init na soup.



[Pack your things, uuwi na tayo]



" Teka bakit? Asan kaba? "



[ I'm on the way, i explain to you later ]



His Affair (COMPLETED) Where stories live. Discover now