F O U R

26.7K 366 3
                                    

***


Pagtapos ko maligo, lumabas na ko ng banyo.



Nasaan na yung lalaki na yun? Paglabas ko kasi wala na sya. Tinignan ko yung wall clock na nasa may gilid at 5 na ng hapon malapit na palang mag gabi.




Umupo muna ko sa kama at pinapatuyo ko yung buhok ko gamit yung twalya. Tinignan ko yung box na dala dala ko kanina. May nakalagay na sticky notes dun kaya kinuha ko.




Open the box and wear it, i'll meet you in Bar'Letizia. 7 o'clock in the evening



-Kristian.




Binuksan ko yung box at isang pulang long dress na may spaghetti strap ang bumungad sakin. Kinuha ko yun at tinaas. Halatang mamahalin yung tela kasi kapag tinapat mo sa liwanag kumikinang yung tela. May high heels na din na kulay Red sa box at pouch na kulay Red din at yung mga accessories meron din at lahat yun kulay red.




Para namang birthday ko ata ngayon kasi puro pula. Pero saan naman kaya kami pupunta? At bakit ganto yung suot ko? Hayaan na nga. Mas maigi na siguro na mag-ayos na ko kesa sa mag-isip ako ng kung ano ano. Tatanungin ko na lang si Kristian kapag nagkita kami mamaya.



Nagsimula na kong ayusan yung sarili ko, buti na lang at tinuruan ako ni Kuya'Ate Avril kung pano magmake up. Simpleng make-up lang ang ginawa ko sa sarili ko at yung buhok ko ginawa ko lang bun na medyo mababa at nilagyan ko ng maliliit na sticky diamond yung buhok ko, medyo inabot din ako ng 6:30 sa pagaayos ng buhok ko at sa pagsuot ko ng damit, sapatos at mga kakikayan inabot ako ng 6:45 kaya nagmadali na ko.



Paglabas ko ng room ko halos matipalok ako sa heels ko dahil tinakbo ko na papunta sa elevator buti na lang at nakahawak ako sa pader kundi dapa na ko ngayon. Pagpasok ko sa elevator sa ground floor ang punta ko. Pagbaba ng pagbaba ng elevator pumunta kagad ako sa may entrance nitong resort.




Paglabas ko nakita ko na kagad si Kuya Jerome sakay ng isang Golf cart. Teka dito lang din ba yung Bar'Letizia?




" Magandang gabi Ma'am Ailee. Sakay na ho kayo dahil kanina pa po kayo hinihintay ni Sir Kristian " tinignan ko yung orasan at Waaaaaaaaaahhh! Ilang minuto na lang at seven na kaya sumakay na ko sa may back seat nitong Golf cart. Pwede pala maggolf dito? Akala ko puro pang beach lang yung mga activities dito.



Dumaan kami sa malapit sa dagat kaya damang dama ko yung malakas na ihip ng hangin. Hindi naman kami ganun katagal bago nakarating sa Bar na pupuntahan namin.



" Salamat po Kuya Jerome " nakangiti kong sabi pagkababa ko. Maglalakad pa ko ng konti para makapasok sa loob ng bar.




" Walang anuman Ma'am Ailee. Mauna na po ako at magenjoy po kayo sa gabing ito " nakangiti nyang sabi at tumango na lang ako at umalis na sya.



May mga pasikot sikot pa kong dinaanan bago ako nakarating mismo sa harap ng Bar na to. Sa labas pa lang rinig na rinig ko na yung kanta na pinapatugtog sa loob at medyo na aamoy ko na yung alak. Medyo malayo pa ko pero kitang kita ko na si Kristian na naka Gray tuxedo at nagaabang sa labas ng bar kaya lumapit ako sa kanya.



" Bakit ang tagal mo? At late ka na " inis nyang sabi kaya tumingin ako sa wrist watch ko kung late ba talaga ako pero may 2 minutes pa naman bago mag seven.



" Hindi pa kaya ako late. Tignan mo " hinarap ko sa kanya yung wrist watch ko " May 2 minutes pa ko " tinabig nya yung kamay ko pero mahina lang at hinawakan yun.



His Affair (COMPLETED) Where stories live. Discover now