"Minnie, picture tayo!" sabi ni Hani. Oo, kasama namin yung higad. Sinama nung pandak. Epal lang diba?

Yung mga isip bata katulad ni Taehyung, naglaro doon sa may buhangin. Kami nalang nila Angela, Jimin, Hani, Yoongi, Namjoon at Jin ang natira. Pinasok muna namin sa loob ng rest house yung mga gamit at pagkatapos ay tumingin kami sa buong paligid. Habang nag-iikot sa buong beach, may nakita kaming tree house.

"May nakatira ba diyan?" tanong ni Angela.

"Wala." sabi ni Yoongi kaya umakyat kaagad si Gela.

"Namjoon, akyat tayo!" sabi ni Jin.

"WAG!" sigaw bigla ni Yoongi.

"Bakit naman?"

"Baka masira yung tree house kapag umakyat si Namjoon, hehe."

"Pakyu Yoongi. Aakyat pa rin ako." sabi ni Namjoon at umakyat nga. Nakarinig naman kami bigla ng tunog mula sa tree house kaya bumaba na kaagad siya.

Aakyat na rin sana ako ng biglang nakarinig ulit kami ng tunog mula sa hagdan. Hindi ko nalang pinansin yung tunog at umakyat pa rin.

Pagkatapak ko sa isang step, bigla na lang yun nasira at nalaglag ako. Akala ko mamamatay na ako pero hindi. May sumalo sa akin. Si Jimin.

Ilang beses ka man mahulog at masktan, may tao pa rin talagang sasalo sayo at hindi ka hahayaan na masaktan ulit.

"Rona!" sigaw nilang lahat.

"Rona, ayos ka lang?" tanong sa akin ni Jimin.

"O-oo. Salamat." tinulungan naman niya akong tumayo.

"Alam mo bang pinakaba mo ako?! Paano nalang kung hindi kita nasalo tapos mawala ka?! Ano na ang gagawin ko sa buhay ko ah?!" tanong niya bigla sa akin.

"Ehem." sabi ni Hani bigla.

"Sa rest house nga muna tayo." sabi ni Jimin at hinila palayo si Hani.

"IKAW KASI NAMJOON EH! SINABI KO NA NGANG WAG KANG UMAKYAT, GINAWA MO PA RIN!"sigaw ni Yoongi. Galit nanaman yung lolo.

"Kumalma ka hyung. High blood ka nanaman, palibhasa lolo na. Sorry na rin Rona." sabi ni Namjoon.

"Asus, ayos lang yun."

---

"Yung totoo Rona? Magswiswimming ka o matutulog?" tanong ni Jin sa akin.

"Magswiswimming! Ano ba mali sa suot ko ah?" reklamo ko. Naka-tshirt at mga 2 inches above the knee na shorts kasi ako.

"Mukha kang manang! Magpalit ka nga!" sabi ni Jin at tinulak ako pabalik sa loob ng kwarto namin ni Angela.

"Ano isusuot mo?" malungkot na tanong ko kay Gela.

"Ito." sabi niya sabay pakita sa akin ng one piece na swimsuit.

"May extra ka pa ba?" tanong ko. Wala kasi akong dala eh. Di ko nga alam bakit di ako nagdala.

"Oo kaso ano eh, hehe. Medyo revealing nga lang." inabot naman niya sa akin yung swimsuit.

"SERYOSO BA ITO?! WAG NA PALA!" sabi ko at binalik sa kanya yung swimsuit. Kasi naman eh. Backless siya tapos may dalawang slit siya sa harapan, banda sa may tiyan. Basta ganun!

"UMAYOS KA RONA! SUOTIN MO MAN KUNG ANO MAN YAN!" sigaw ni Jin sa labas. Sino ba kasi siya para utusan ako? Pero baliw din ako eh, sinunod ko siya.

"Narinig mo sinabi ni Jin. Magsuot ka nalang din ng shorts tulad ko." sabi ni Angela.

Sinuot ko nga yung swimsuit dahil sa takot ko kay Jin at pagkatapos ay nagsuot ako ng shorts. Yung hindi na 2 inches above the knee. Lumabas na ako sa room at nakita ko na nag-aantay si Jin at Angela.

"Woah, Rona! Ang ganda mo! Ikaw ba yan?" tanong ni Gela.

"Ayern, kabog mo na sila! Gora na tayo!" sabi ni Jin at hinila na ako palabas ng rest house. Takip naman ako ng takip sa katawan ko dahil sa kahihiyaan.

"Nandito na kami!" sigaw ni Jin kaya napatingin naman lahat sila sa amin. Lahat sila nakasando maliban kay Jimin. Mainit ba talaga o sadyang siya lang yun?

"R-rona?" nauutal na tanong ni Jungkook habang namumula yung pisngi niya. Ngumiti lang ako. Napatingin ako kay Angela na parang sinasabi na 'mag-usap tayo mamaya'.

"A-ang g-ganda m-mo." nauutal niyang sabi. Nilalandi nanaman ako ng ilong.

"Dati pa kaya! Ikaw talaga! Doon ka na nga!" sabi ko. Ayokong magselos sa akin si Angela kasi kaibigan ko siya. Kung pwede lang itulak ko si Kookie papunta sa kanya eh.

Lahat sila nagsabi ng kung ano-ano sa akin, pati na rin kay Angela, nang biglang dumating si Hani. Aba tangina. Nakared na two piece yung higad.

Agad siyang lumapit kay Jimin. Edi tangina, sila na yung hot. Sila na may mga magagandang katawan.

Lahat sila nagswimming maliban sa akin at kay Taehyung. Sinamahan ko siya maglaro doon sa may buhangin.

"Teka nauuhaw ako. Inom muna ako tubig sa rest house." sabi ko.

"Bakit ka pa pupunta doon eh ang dami ng tubig dito? Ayun oh! Inumin mo!" sabi ni Taehyung sabay turo doon sa dagat.

"Baliw." sabi ko at naglakad na papunta doon. Hindi naman private yung beach na ito kaya yung iba nakatingin sa akin habang naglalakad. Ang awkward.

Bigla nalang akong may naramdaman na may nagpatong ng towel sa balikat ko.

"Jimin?"

"Magpalit ka."

"Ha?"

"Magpalit ka sabi."

"Bakit?"

"Sa tingin mo papayag ako na marami ang nakatingin sayo dahil diyan sa suot mo?!"

"Ano ba ang problema mo kung maraming nakatingin sa akin? Pake mo ba? Ex mo lang naman ako diba?!"

"Basta! Magpalit ka sabi!"

"Bakit nga?!"

"Kasi naaasar ako! Nagagalit! Nagseselos! Ayokong may tumitingin sayo na ibang lalaki lalo na't ganyan ang suot mo!"  

Teka ano? Tama ba narinig ko? Siya, nagseselos? Yung ex ko? 

"A-ano sabi mo?"

"Aish! Wala! Magpalit ka lang!" naiirita niyang sabi at umalis.

Meron ba siya palagi kaya paiba-iba ang ugali niya? Hindi ko talaga siya maintindihan.







Living With my Ex-boyfriend [Jimin ff]Where stories live. Discover now