"Gusto mo ng ibang joke—"

"No!" 

Pigil ko na animo'y ikamamatay ko ang joke niya.

"May joke nga ako, mas nakakatawa," pagpumilit niya na yumuko upang magpantay ang aming mga titig. "Pedicab ka ba?" He reached my cheeks to dry up the tears.

"B-Bakit?" Nakangusong sinabayan ko ang tupak niya.

"PEDICABang akin na lang."

We were both stunned after the joke. Nagkatitigan kami na halos walang magpapadaig. Until we both burst into waves of laughter. Unrestrained laughter. Halakhak na hindi nakakasawa. Tawa na pinupunan ang mga bagay na wala. Hanggang sa iyon ay unti-unting natapos.

An awkward silence echoed throughout the place while our eyes were locked. Tumikhim si Niccolo nang makabawi mula sa nakakabinging katahimikan.

"Did I make you happy, Isabella?"

Lihim kong nakagat ang pag-ibabang labi. Am I happy? Yes I am.  Ang kalungkutan ay unti-unting naglaho sadyang napalitan ng ngiti at galak.

Tumikhim din ako at isang pekeng ngiti ang pilit na ginuhit ko sa aking labi. Ang puso ko ay sobrang bilis ng tibok. Nakakabingi. 

I claimed my composure back. Umirap ako. "Hindi—a-ang corny ng joke mo!" Pagsisinungaling ko. Nag-iinit ang tainga ko. Tinalikuran ko siya upang itago ang namumula kong pisngi.

"At least napatawa kita sa corny kong joke," si Niccolo sa likuran.

Lihim akong napangiti akma kong ihakbang ang paa pabalik sa gawi ng gate nang muli siyang nagsalita.

"Isabella, I have something to tell you."

"H-Huwag na, ang corny ng jokes mo—ayoko na," tanggi kong may maliit na ngiti sa labi. Pilit kong nilangkapan ang boses ng tabang. Pinagpatuloy ko ang mga hakbang.

"Mahal kita," wala sa oras na pahayag niya.

Natigilan ako't napinto ko ang kamay sa akmang pagbukas ng gate. Mahina lang iyon na pagkabigkas pero sakto lang na marinig ko. "A-ano?" nauutal ako. Bumalikwas ako paharap.

"Mahal kita," ulit niya na malamlam ang mapupungay na mga mata na nakatitig sa akin.

I was stunned there like an idiot. Biglang na blanko ang utak ko. Ta's isang malutong na tawa ang pinakawala ko pagkatapos.

"S-Sobrang nakakatawa ang joke mo!" sabi ko na pinilit hindi mawalan ng balanse sa tinding emosyon.

Isang ngiting mapait ang sumilay sa labi ng binata. "Hindi iyon biro, Isabella," pagkasabi niyon ay naging mabilis ang kilos niya. Tinawid niya ang ilang dipa na pagitan naming dalawa. Hinagip ang balakang ko't pwersahan akong diniin sa nakasarang pintong bakal ng bakud. "I am not joking, Isabella," pabulong niyang ani na dumapo ang kanyang mainit na hininga sa pisngi ko.

"Y-You are," pumipiyok ang boses ko. Dinaig ang kompyansa ko sa tinding tambol ng puso ko. "A-At nakakatawa ang biro mo... s-sobrang nakakatawa—"

"Mahal kita at hindi iyon biro." Ulit niya na mas napatigalgal sa akin.  

Napalunok ako ng laway. Nanunuyo ang lalamunan ko sa narinig.

"Mahal kita and I don't need your consent... you're mine. I own you. You're my property," he said with emphasis.

Inabot niya ang batok ko't walang pag-alinlangang sinakop ang labi ko. He kissed me with full of passion. Ginalugad niya bawat parte ng labi ko na puno ng pagnanasa. 

This isn't the first kiss we shared. Gaya ng nauna ay hindi ko maipaliwanang tila baga naging paralisa ako't hindi sumunod ang puso ko sa dekta ng utak ko. I just found myself reciprocating his kisses. Savoring his daring lips exploring mine.

Got Hitched By MafiaWhere stories live. Discover now