CHAPTER 123 : INTERHIGH

4.5M 91.3K 217K
                                    

MAX'S POV

Latang lata akong bumangon dahil pakiramdam ko ay iilang minuto pa lang ang itinulog ko ay nag-alarm na agad ang alarm clock ko..

Mabilis akong kumilos at naligo..

Bihis na rin si Naih pagkababa ko..

"Good morning..." matamis ang ngiti'ng bati nya pa sakin.

"Morning.."

"Mmm.. hindi ka ba susunduin ni Deib??" tanong nya pa.

"Hindi.."

"Ngek.. bakit?!"

"Kelangan nya ba akong sunduin pa?" takang tanong ko na naglagay ng foods sa plate ko.

"Kasi syempre.. bago pa lang kayo di ba?! Hehehehehe.."

"Tss.."

"Yiiiieeee.. kinikilig ako sa inyo.."

Nanunukso masyado ang tingin nya pero hindi naman ako naapektuhan sa mga ganun patutsada nya.. Kaya naman nanatili akong blangko ang emosyon habang kumakain..

"Eh kayo ni Lee?" ngumunguyang tanong ko at kitang kita ko ang mabilis na pandidilat ng mga mata nya..

"A-Anong k-kami ni Lee--wala ah! W-Wala! H-Hahahahaha! N-No way! Stop me!"

OA talaga..

Tumingin ako ng deretso sa kanya at saka pinagmasdan sya dahilan para iiwas nya ang mukha nya sakin na halos magdikit na ang plato at mukha nya.

"Tignan mo yang ugali mo.. ako nagsabi sayo.. tapos ikaw.." panunumbat ko kunwari.

"H-Ha?! E-Engkasi.. w-wala naman kasing-----sige na nga!!!!" animong napipilitan pang sigaw nya.

Hanep..

"K-Kami na.."

"Ang bilis naman?" tanong ko.

"Ayy teka.. hindi pala kami.. Pero parang kami na ewan! Ewan! Hindi ko alam! Hindi ko maintindihan!"

"Tss.."

"Engkasi naman.. u-umamin sya sakin na.. he likes me too.. bwahahahahahahahahahaha so nakakakilig! Hindi ko akalaing ang isang Lee Roi Gozon ay magkoconfess sakin that he likes me too! Aww!!!" tili nya pa! "Ganito pala ang feeling, Max noh??? Hahahahahahaha----ayy.. Sabagay.. Hindi ka nga pala kinikilig.. Hmm.."

Hindi ko sya kinibo..

"San kayo magkikita?"

"Nino?"

"Ni Kamatayan! Leche ka! Malamang! Ni Deib!"

"Sa Parking Lot.." walang ganang sagot ko.

"Nang Luna??"

"Mmm----"

NATIGILAN AKO SA PAGSUBO!

"Hoy.. Sa parking lot ba kako ng Luna?!" tanong nya pa ulit munit mabilis akong napatayo at napatingin sa relos ko! "Hoy.. T-Teka! San ka pupunta?! Hoy! Max, a-ano bang nangyayari sayo!?"

"Pupunta nako don.."

"Ha?!" gulat na tanong nya pa. "Bakit?! Hintayin mo ko! Kumain muna tayo! "

"Tss.. Hindi ko naalalang sa Luna nga pala tayo ngayon! Tsk! Nandon sila Mallyu at Yago!" sigaw ko sa kanya at nagitla sya!

"Oh ngayon!?"

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon