Chapter 1

75.6K 825 102
                                    

CHAPTER 1

Maingay ang paligid, at halos lahat nagmamadali. Halos lahat napapatingin sa kanilang mga relos, tinitingnan kung makakahabol pa ba sila.

May iba na parang nagaayos pa ng buhok habang lakad takbo papunta sa bilihan ng ticket. Siguro hindi na sya nakapag ayos ng buhok sa bahay sa pagmamadali.

Yung iba naman may mga kausap sa cellphone.

"Oo, malapit na ako."

Napailing ako; totoo kayang malapit na sya? O isa lang yung alibi. Di bale, hindi lang sya ang gumagawa ng ganyan. Minsan nagagawa ko rin yan. I'm not a saint.

Ganito ang paulit-ulit na buhay dito sa MRT. Lahat may hinahabol... Ay wait.

Hindi naman lahat, dahil ako wala namang hinahabol. I have my classes pero I am sure na hindi ako mali-late. One hour and thirty minutes palang kaya before my class.

Third year College na ako ngayon. Political Science ang course ko.

Maaga akong pumapasok dahil sadyang nag-ienjoy lang ako sa magulong buhay ng bawat tao dito tuwing rush hour. Masaya kaya sila panoorin.

Pero may kakaiba sa araw na ito. Kasi parang kakaiba ang mga tao na nasa paligid ko; the way they smile, the way they talk,.. Teka!

Bakit maraming naka suot ng red? Anung meron?

Kinuha ko kaagad ang cellphone ko para tingnan kung anu nga bang date ngayon. And there, nalaman ko bakit kakaiba ang kilos ng mga tao ngayon.

HE KISSED ME GOODBYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon