Ch. 27: Confession

Magsimula sa umpisa
                                    


Makulit ako dahil sinubukan ko pa ring tulungan siya. Tinabig na naman niya ang kamay ko pero hindi ko ininda iyon at nangialam pa rin.


"Stop pestering me, will you?!" napipika niyang sigaw na humarap na sa akin.


Natigilan ako roon at may nakakagulat na kidlat ang dumaan sa dibdib ko. Pero imbis na sundin siya, parang mas tumigas pa ang ulo ko. Sandali ko lang siyang pinansin saka yumuko uli at tinulungan siya hanggang sa ako ang makatanggal sa lubid at siya ay pinanood lang akong gawin iyon.


"Alam mo imbis na kay Nikko, sa kamay mo na lang ito ilalagay ko."  aniya nang makatayo na siya ng maayos.


"Why don't you say thank you instead?" tanong ko na pasimpleng kinagat ang gilid ng labi ko.


"Hindi ko hiningi ang tulong mo. Now if you'll excuse me, I gottlalampasan niya dapat ako pero hinarang ko siya nang hindi sinasalubong ang paningin niya. "I gotta go."


Nanikip ang dibdib ko at nanuyo ang lalamunan. Sandali akong humugot ng malalim na hininga saka sinalubong ang paningin niya. Matalim ang tingin niya sa'kin pero unti-unti iyong nawala nang ako naman ang tumitig sa kanya.


I snorted. 


"I hate you. I hate you kasi pinaparamdam mo sa'king you hate me." mas kinagat ko ang labi ko. "Hindi ko maintindihan kung bakit nagagalit ka pa rin sa'kin. Hindi ko na nga nilalapitan si Rainbow eh, kompetensiya pa rin ba ang tingin mo sa'kin? Can't you notice na sinusubukan kong pagaanin ang atmosphere between us? Sinusubukan kong i-lessen ang gap na meron tayo. Nag-eeffort ako kaya sana makipag-cooperate ka naman."


"What for?" manghang tanong niya.


Simpleng tanong, what for daw. Pero hindi ko masagot, kasi kahit ako sa sarili ko hindi ko rin alam kung bakit ba talaga.


"What for, Ishii?" pag-uulit niya na bumalik uli ang talim ng paningin. He sigh exasperatedly. "Hah! Alam mo nakakapanibago ka eh. Hindi mo kailangan mag-effort, hindi mo naman kailangang pagaanin ang atmosphere sa pagitan natin. Bakit mo ginagawa? May nagbago sa'yo."


Sinabi niya ang last sentence with conviction. Mas kinabahan ako at parang hinahalukay ngayon ang sikmura ko. 


Ayoko ng ganitong pakiramdam.


"Dahil na naman ba kay Rainbow? Anong connect nito kay Rain?" tanong pa niya.


Bigla akong nainis.


"Bakit ba lahat kailangang nakaconnect kay Rainbow?" balik tanong ko. 


"Kasi siya lang naman ang nagkokonekta sa'tin, Ishii. Siya lang naman ang rason kaya tayo nandito. Kaya tayo nag-uusap ngayon, kaya tayo nag-aaway noon. Kung hindi dahil sa kanya hindi naman natin malalaman na nag-eexist ang bawat isa sa atin,  hindi ba?"

He's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon