Ch. 27: Confession

Magsimula sa umpisa


Nagsimulang magdebate si Millie at Ria. Hindi na ako sumingit kasi kapag sumali pa ako, mag-iisip ako ng side tapos kailangan i-defend, edi iisip pa ako kung paano ko ididefend at magjajustify ang side na napili ko. Sa ngayon wala ako sa tamang pag-iisip so to play safe, nanahimik na lang ako.


At sa pananahimik ko, itong weird feelings ko ang pumasok sa isip ko. Pumasok din sa isip ko si Rainbow, pinilit ko ngang sa kanya magfocus but then I failed. Noon pa man, hindi pwedeng maisip ko si Rainbow nang hindi ko naiisip si Nathe. Parang kambal ang dalawa sa isip ko. Hindi pwedeng isa lang, dapat talaga dalawa sila.


Pero noon, papasok siya sa isip ko dahil siya ang pinakamalaking hadlang sa gusto ko. Parang siya ang evil side. Ngayon... hindi na ako sure.


"Hey, Ishii!" tapik ni Ria sa braso ko. "Hindi naman pala nakikinig sa'tin ito, Millie, eh."


Napapahiyang lumingon ako sa kanila. "Ano 'yon? I'm sorry."


"Spaced out ka. Tanong ko kung magpapaiwan ka ba rito? Babalik na kasi kami sa building eh."


Napatingin ako sa paligid, mukhang nauna na ang iba, ako na lang ang nakaupo eh. 


Saglit lang naman akong nag-isip ah, bakit parang tumagal ata?


"Ah, oo, babalik na rin." sagot ko sa kanya.


Tumayo na ako dahil naghihintay na silang dalawa.


"Ikaw, Nathe, ano pang ginagawa mo dyan?" tanong ni Millie dahilan para lingunin ko ang pwesto niya kanina. Akala ko wala na rin siya pero hindi, nandoon lang pala siya sa ilalim ng lamesa.


"Nevermind me. Mauna na kayo. Tapos pakisabi kay Nikko na 'wag siyang papakita sa'kin sa taas kasi itong lubig na ipinangtali niya sa'kin, makikita niya mamaya sa sariling leeg niya." banta niya sa ilalim ng mesa. 


"Sige, una na kami sa taas ah." paalam ni Millie saka humarap sa'min ni Ria, nag-aaya na.


Naggesture ako sa kanilang mauna na lang sila. Aalma pa sana si Ria pero pinatahimik siya ni Millie. Nang makalayo na sila, saka ko lang nilapitan si Nathe. Yinuko ko siya at sa ilalim ng mesa at nakita kong pilit niyang kinakalas ang lubid na nakatali sa right ankle niya at sa poste ng mesa. Napalingon siya nang makita niyang may tumabi at yumuko sa kanya at halos muntik pang mauntog sa gulat nang makita ako.


"Ano pang ginagawa mo dyan?" tanong niya na mabilis na ibinaling ang paningin sa ginagawa.


"I'll help you with that." I volunteered. Sinubukan ko siyang tulungan pero tinabig niya ang kanya ko. 


Mabilis kong hinawakan ang kamay kong tinabig niya dahil para akong kinuryente doon.


"No need, Ishii. Kaya ko 'to. Leave me na lang." tanggi niya.


"Tutulungan na kita." I insisted. 

He's Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon