“Ay gurl! Ang ganda naman niyan, di ako naniniwalang drawing mo..” Pangaasar sa akin ni Rizza.

“Yeah I know, hindi naman ako magaling mag-drawing e. Hindi ko nga alam kung kanino galing to e. Nakita ko na lang sa notebook ko.” Sabi ko kay Rizza.

“Terey! May secret admirer! Wala naman akong kilalang ganyan kagandang mag-drawing sa classroom e, saka paano naman napunta sa bag mo yan e laging nakasumbit sayo yang bagelia mo!” Malanding sabi ni Rizza. Oo nga naman, kanino naman kaya mangagaling to e hindi naman ako marunong mag-drawing? Kahit mga classmates namin. Lagi nga kaming kamot ulo kapag art appreciation ang subject e. Kung i-aanalyze mong mabuti, maaring si Tristan dahil siya lang naman ang kasama ko sa seawall noon e pero hindi naman marunong magdrawing yun e! At bakit niya pa ako ida-drawing? Ano bang halaga ko na ngayon sa kanya. Imposible namang si Kuya Enzo di ba? Teka? Hmmm? Sino bang kilala ko ang magaling magdrawing?

“Si bes!” Sabi ko kay Rizza. Siya lang naman kasi ang magaling mag-drawing na kilala ko e. Minsan na kasi akong nakapunta sa bahay nila at kapag nakita mo ang kwarto niya at ang kwarto ng mama niya ay punong puno ng mga sketch drawing. Pero, paano namang napunta yun sa bag ko e hindi naman yan mahilig mangalkal ng bag.

Kung susuriin ng mabuti ang larawan ay mahahalata mo na agad na ako to. That was the exact scenario noong naghiwalay kami ni Tristan sa seawall. Sa drawing ay nakaupo sa isang bench ang isang lalaki, may nakasalpak na earphone sa kanyang mga tenga, nakatingin sa kawalan, punong-puno ng kalungkutan ang mga mata at may konting luhang tumutulo sa kanyang mga mata. At paano ko nasabing ako yung nasa drawing? Tulad ko ay mayroong hindi katangusan at hindi naman pango na ilong, mayroon ding bilugang mga mata, may kakapalang labi, at manipis na kilay na tulad ng akin. At ang mas lalong nakapagpakilabot sa akin ay ang pagkakita ko sa nunal sa may kaliwang bahagi ng labi ng lalaking nasa drawing na tulad rin ng posisyon kung nasaan ang nunal ko. Confirmed teh! Ako nga to!

“Huh? Paano mo naman nasabi?” Takang tanong ni Rizza.

“Shhhhh! Sino ba yung madaldal diyan? Ms. Rizza Ferrer? Can you please keep silent?” Puna ng prof namin kay Rizza, ang daldal kasi! Ayan.

“Sorry ma’am.” Nahihiya niyang sabi. “Oy gurl! Kwento later ah?” Pagpapaalala niya sa akin.

Habang nag-lelesson kami ay tinignan kong mabuti ang larawan. Hindi ko alam pero parang napakaganda at parang sobra akong na-amaze sa drawing na iyon. Bukod sa alam kong ako ang naka-drawing doon at maganda ang pagkaka-drawing ay nararamdaman kong napakaimportante ng drawing na iyon sa akin. Iyon bang kahit sa unang beses ko pa lang siya nakikita ay alam kong may ‘sentimental value ‘ na siya sa akin.

Tinignan ko ang binder notebook na hawak ko at laking gulat ko ng nakita ko sa front page ng binder notebook ang pangalan ni bes sa owners name. Ngayon, alam ko na kung kaninong drawing to at confirmed na corfimed! Kay bes to. Do doubt na ako!

Ngunit, bakit niya naman ako iginuhit? Kilala ko si bes e, alam ko na laging for important purposes lang yan kung gumawa ng isang bagay kasi kung hindi importante o mahalaga sa kanya yan at hindi nakakatulong, de-deadmahin niya yan.

My Second Attempt To LoveWhere stories live. Discover now