Nandito kaming lahat sa rest house ni Jin sa Palawan. Ang yaman kasi ng baklang iyon, may nalalaman pang rest house. Bakasyon naman ngayon kaya limang araw kami nandito.

"Rona, ikot tayo sa buong beach." yaya sa akin ni Jimin.

"Hindi ka pa ba pagod? Halos matagal biyahe natin papunta dito ah."

"Paano ako mapapagod kung lagi kong kasama ang kalakasan ko? Bakit babe, pagod ka na ba? Pwede namang bukas nalang at mag--"

"Sige na, ikot na tayo."

"Ha? Hindi, magpahinga ka nalang. Sasamahan kita."

"Baliw ka din eh noh? Ikaw magyayaya tapos aayaw ka. Yung totoo Chim? Kung ayaw mo edi wag." sabi ko at nagsimula ng maglakad pero hinabol naman niya ako.

"Let goes." Yung english talaga niya ang palaging nagdadala. Nang mapagod na kami sa paglalakad ay umupo kami doon sa buhangin.

"Ang ganda ng sunset oh!" sabi ko sabay turo sa araw.

"Pero mas maganda ka." Enebe Jemen, kenekeleg eke.

"May naisip ako, picture tayo!" sabi niya at nilabas niya yung cellphone niya. Umayos kami ng pwesto para kita yung sunset yung background.

Nakangiti na ako sa camera nang bigla niya akong tinawag."Rona." lumingon ako at bigla niya akong hinalikan.

"Jimin, ano ba!?" sigaw ko habang hinahampas siya sa braso niya.

"Bakit mo ako hinahampas? Gusto mo hawakan biceps ko noh?" sabi niya sabay tawa.

"Gago!" sigaw ko at hinampas ulit siya.

"Aray, Rona! Masakit! Kung gusto mong hawakan sabihin mo lang! Hindi naman ako aangal eh!"

"Manyak!"

"Bakit ako?! Ikaw nga diyan ang nagmomolestiya sa katawan ko eh!"

Binatukan ko siya nang malakas. "Ewan ko sayo!"

Tumawa lang siya at biglang humiga sa hita ko. "Ipopost ko ito sa facebook. Yung caption, 'watching the beautiful sunset with the most beautiful girl in the world.'"

"Ayos ah, nag-iimprove english natin."

"No no, I just hears he say!" sabi niya sabay turo sa magkasintahan na medyo malapit sa amin.

"Psh."

"Hala! Bakit ayaw magpost?!"

"Hay nako Park Jimin. Malamang, nasa loob ng rest house ni Jin yung internet at wala dito."

"Hehe sabi ko nga." Pagkabalik namin ay pinost niya kaagad yung picture namin.

"Hanep Rona! 69 likes kaagad!" tuwang-tuwang sabi ni Jimin.

"Inaatake nanaman ng libog itong si pandak." sabi ni Yoongi sabay ngiti.

"Grabe Yoongi, ang silaw."

"Wow Rona ah. Sweg out."

Kinuha ko yung phone ni Jimin at ngayon ko lang nakita yung picture, ayaw niya kasi ipakita kanina. Kuha yung sunset ng araw at nakahalik kami sa isa't isa..

Naiiyak nalang ako kapag naaalala yung nakaraan. Sobrang saya, hindi tulad ngayon. Tapos nawawala pa yung paborito kong picture namin.

Hindi naman pwede bumalik ulit ako sa bahay niya para kunin lang yun. Ang kapal ko naman para gawin yun. Bahala na.

[Jimin's POV]

Umuwi kaagad si Rona pagkatapos ko siyang sigawan. Nagsisisi ako sa ginawa ko. Alam ko namang si Hani ang nagsimula pero nung nakita kong may sugat siya, nandilim kaagad ang paningin ko. Ginamot muna namin ni Hani yung sugat niya at pagkatapos ay kumain siya dito sa bahay ko.

"Ano ba ang ginagawa ng babaeng yun dito ah?! Ako ang girlfriend mo tapos may ibang babae kang pinapapunta mo dito sa bahay mo!" Sigaw ni Hani.

"Sorry na, okay?"

"Fine."

Tama si Hani. Siya na ang girlfriend ko. Hindi na dapat ako nagpapapasok ng kung sino-sinong babae sa bahay ko. Lalo na ang ex ko.

Simula ngayon, hindi ko na papansinin si Rona. Pati na rin siguro itong nararamdaman ko. Paalam na ba ito sa kanya?

Living With my Ex-boyfriend [Jimin ff]Where stories live. Discover now