"Ah ano, sige." sagot ni Jimin. Halata namang napipilitan.

"Yay! Sweet talaga ng Minnie ko!" nakakagago yung tawag niya kay Jimin. Mukha ba siyang daga ah?! Teka, may naisip ulit ako. Kinuha ko naman yung phone ko.

"Oh Kookie! Bakit ka tumawag? Magkasama lang tayo kanina ah!" sabi ko. Napatingin kaagad yung dalawa sa akin. Wala naman talaga akong kausap, testing lang kung ano magiging reaction nila.

"Grabe ka naman makamiss!...Bakit?...ANO BA KOOKIE! HAHAHA!...Oo syempre, kinilig ako!...Kookie monster ko, enebe....Kasi na--" napahinto yung pag-aacting ko nang biglang may pumasok sa room.

Si Jungkook.

"Rona! Nan--"

"Kookie! Ang bilis mo naman! Magkausap lang tayo sa phone kanina ah!" bungad ko kaagad sa kanya.

"ANO?! MAGKAUSAP TAYO?!" sigaw niya sabay laki ng butas ng ilong niya. Napangisi naman bigla si Hani at may binulong kay Jimin. Mamatay na sana yang demonyo na yan.

"Ano ka ba Jungkook? May amnesia ka ba?" sabi ko sabay dinilatan ko siya ng mata.

"Ha? Ano, oo nga pala! Magkausap tayo kanina! Oo tama!" sabi niya habang kinakamot yung ulo niya. Walang hiya itong ilong na ito, halatang-halata na nagsisinungaling. Umupo kami sa upuan at inantay yung iba pa naming kaklase hanggang sa dumating na yung lahat.

"You have a new classmate starting today." sabi nung teacher namin at pumasok naman siya.

"I'm Cheon Angela. Maganda, period."

"Uhm okay, you may now seat beside Ms. Lee." sabi ni ma'am at napatingin naman siya sa akin at sa katabi ko, si Jungkook. Nanlaki naman bigla yung mata niya at dahan-dahang umupo sa tabi ko.

"Walang hiya ka Rona. Di mo man lang sinabi sa akin na kaklase natin si Jungkook." bulong niya.

"Hehe, sorry. di ka kasi nagtanong." sabi ko sabay peace sign. "Oy Kookie, si Angela nga pala." pakilala ko.

"Alam ko, nagpakilala siya kanina diba?"

"Wow naman, sungit ng ilong mo! Sasama na siya sa atin simula ngayon."

"Ha?! Ibig sabihin di na kita masosolo?!"

"Anong masosolo?" tanong ni Angela.

"Mahabang kwento."

"Parang baba ko." epal bigla ni Hoseok na nakaupo sa harapan ko. "Jung Hoseok." pagpapakilala niya sa sarili.

"Min Yoongi, sweg sweg baby." sabi ni Yoongi bigla at bumalik sa tulog.

"Kim Taehyung! Pinakagwapo sa lahat ng gwapo!" sabi ni Tae sabay pogi sign.

"Kim Namjoon. Leader ng Bangungot Squad."

"Magkamag-anak kayo?" tanong ni Angela.

"OO! ANAK NAMIN NI NAMJOON SI TAEHYUNG! KIM SEOKJIN NGA PALA! MAS MAGANDA SA LAHAT NG BABAE SA MUNDO!" sigaw ni Jin habang nakayakap sa kamay ni Namjoon. NamJin.

Napatingin kami lahat kay Jimin na katabi si Hani at naktingin lang sa board. Problema ng pandak na yan?

"Nakikita mo yang lalaki na yan? Si Park Jimin yan." sabi ko sabay turo sa kanya. Narinig yata ni Jimin yung sinabi ko kaya napatingin siya sa akin at inirapan. Wow ah.

Getting to know each other sila Angela at yung Bangungot except kay Jimin at Jungkook. Si Jungkook naawkward kasi dikit nang dikit sa kanya si Angela. Si Jimin naman, may sariling mundo kasama yung higad.

Bago maguwian tinawag ko si Jimin.

"Jimin!" tawag ko pero di lang niya ako pinansin at tuloy-tuloy sa paglakad.

"Oy Park Jimin!" tawag ko ulit pero ngayon ay hinawakan ko yung balikat niya kaya napahinto siya. Agad niyang tinanggal yung nakapatong kong kamay.

"Problema mo?!" iritado niyang sabi. Anong ginawa ko sa kanya?

"A-ano, may n-naiwan yata akong picture sa bahay mo. Baka nakita mo lang."

"Wala." cold niyang sabi at dumiretso sa paglalakad.

"Teka!" sigaw ko.

"Ano nanaman?!"

"Ano ba ang problema mo ah?! Kinakausap kita nang maayos tapos ganyan ka sumagot! Ano ba ang ginawa ko sayo ah?! Ano ba ang problema mo?!"

"Problema ko?! Ikaw! Pwede ba Rona?! Layuan mo na ako! Layuan mo na kami ni Hani!"

"Wala naman akong ginawa sa inyo ah!"

"Anong wala?! Sinaktan mo siya kagabi tapos wala?! Isang beses mo pa siyang saktan, makakatikim ka talaga sa akin!" galit niyang sabi. Aalis na ulit sana siya pero hinawakan ko ulit balikat niya. "Bitawan mo ako."

"Sa tingin mo siya lang nasaktan?! Kasi pati ako nasaktan! Kita mo itong braso ko?! Gawa niya lahat niyan!" sabi ko sabay pakita sa kanya yung dalawang braso ko na punong-puno ng sugat at pasa.

"R-rona..."

"Hindi lang siya ang nanakit sa akin! Pati ikaw! Iniwan mong sugatan at durog itong puso ko!" sabi ko at naglakad na palayo pero nakaramdam ako ng yakap mula sa likod.

"I'm sorry." sabi niya. Kumawala ako kaagad sa yakap niya at naglakad ulit. Kahit kailan, hindi ko talaga siya maintindihan. Lagi nalang niya ginugulo ang isip ko.






Living With my Ex-boyfriend [Jimin ff]Where stories live. Discover now