Manila 7

10 2 0
                                    

Manila's POV

"I now pronounce you as husband and wife. You may now kiss the bride."

Maugong na palakpakan ang maririnig sa loob ng simbahan matapos bigkasin ng pari ang mga salitang yun.

Kinakabahan at nag-aalinlangan kong hinarap ang newly-acquired husband ko.

Matulin na lumipas ang isang linggo para sa amin ni Jace. Nung isang araw lang ay nanggaling na kami sa Italy para ikasal ng sibil at ngayon nga ay ang kasal namin sa simbahan.

Ikinulong ni Jace ang baba ko sa pagitan ng dalawang daliri bagp niya iniangat ang mukha ko at ginawaran ng mabilis na halik sa mga labi.

Hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha sa isang alaala na bumabalik sa akin. Ito pa lang ang ikatlong beses na nahalikan niya ako. Dahil kahit sa mismong sibil namin ay hindi niya ako hinalikan. Para nga lang kaming pumunta ng ibang bansa para lang pumirma ng kontrata, which is actually true. Hindi naman sa nanghihinayang ako pero kasi para lang kaming tanga dun na nagpakasal kuno.

Nagkislapan ang mga camera sa paligid. Nakita ko pa ang mama ko na pinupunasan ang kanyang luha.

Mama, kung alam mo lang.

Hindi naman nakarating si ate Paris dahil sa finals nila ngayon. Tanging si kuya London lang at ang pamilya niya ang nandito kasama ang mga magulang ko.

Sa loob ng simbahan halos karamihan sa mga dumalo ay hindi ko kilala. Mga business circle of friends nila papa at daddy Leon na ama ni Jace. Ni wala nga akong inimbitahang kaibigan eh. Kahit sina Maddie at Noreen na ngayon ay nasa Macau pa rin ay hindi alam na ikakasal ako ngayon.

Sa bilis ba naman ng mga pangyayaring naganap sa loob ng isang linggo, aba'y hindi na talaga ako makakapag-imbita.

And this marriage is bound to end in two months anyway. Even before the class starts and even before they know it, I am already divorced with Jace.

I would live normally again as if nothing happened.

"Are you okay, Manila?" Jace asked as we sat on the presidential table here at the reception.

"Yep. Iniisip ko lang kung bakit nandito ako sa reception ng kasal na may suot na wedding gown at singsing at katabi ka." Bahagyang natawa siya sa tinuran ko.

"Bakit, gusto mo ba honeymoon agad?" Namula ang mukha ko sa narinig habang siya ay humahalakhak. Aba'y gago pala 'tong napangasawa ko eh.

Hinampas ko siya sa braso at pinanlakihan ng mga mata. Tumahimik naman siya pero hindi pa rin maalis ang ngiti sa kanyang mga mata, "what I mean is that how did I end up being married with you."

"I know." Bumuntong-hininga siya at bumulong sa tapat ng tenga ko, "Because we saw your ex-boyfriend with her new girl wandering the seashore when we were talking and you got pissed, ki--"

"Yeah! Yeah! Hindi mo na kailangan pang ipaalala." Namumula talaga ang mukha ko kapag naaalala yung tagpong yun sa dalampasigan.

Habang marahan kong itinulak si Jace palayo sa akin, nakita ko si Ethan kasama yung girlfriend niyang naghahagikgikan habang naglalandian. Sa sobrang inis ko, nang magtama yung mata namin ng ex kong bakulaw ay hinigit ko si Jace at hinalikan. At ang gago talagang nilubos-lubos. Napapikit ako at mariing napahawak sa batok niya ng naramdaman kong nanghihina na ang mga tuhod ko. Bago pa man mapunta sa kung saan ang nagaganap na palitan ng enerhiya ay tinulak ko na siya.

"What was that for, Manila?" At bago ko pa siya masagot may tumawag na sa pangalan ko.

"Yannie!" nakangiting tawag ni Ethan sa akin. Para namang tuko kung makakapit si Fey na akala mo ay aagawan ng candy. "Nice seeing you here."

That MidyearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon