May anak na ang kanyang sekretarya? Biglang napaisip siya, nakatingin siya ngayon sa dalawa. Gusto niyang tanungin ang babae tungkol sa sinasabi ni Faye pero nagdalawang –isip siya. Napaksaya kasi nilang tignan ni Kate. Nagpasya na lamang siyang palipasin muna ang araw.

Halos hindi mo mapaghiwalay ang dalawa, kung hindi sinusuklay ni Kate ang buhok ng sekretarya, ang huli naman ang nakikita niyang nag-aayos sa buhok ng anak. Kapag napagod sa kakanood ng T.V ay makikita mo ang mga ito na naglalaro ng lutu-lutuan sa sala. Hanggang sa sunduin ni Mamita ang anak ay magkadikit ang dalawa.

"Bye Tita! Let's play doctor doctor next week ha."

"Sure, Baby! Mag-aral ng mabuti ha. Ingat po kayo nina Kate, Mamita!"

Nung nakaalis na ang anak at makakuha ng tiyempo ay saka niya ito tinanong.

"May anak ka na pala?"

"Ha?"

"Sinabi ni Faye na inabandona mo ang anak mo at ibinigay ito sa kaibigan mo. Anong klase kang ina?"

"Hindi totoo yan!" Now she wanted to defend herself. Ngayon lang tumaas ang boses ni Roxanne, sobra sobra na si Faye. At sobra rin ang ginagawang paghusga ni Duncan. "Okay, yung anak ko, si Pot-pot, iniwan ko sa kaibigan ko habang nagtatrabaho ako rito, pero pagkatapos nito, kukunin ko siya. Hindi totoong inabandona ko siya katulad ng sinasabi ni Faye. Hinding-hindi ko yan magagawa."

"Nasaan ang ama?" Direktang tanong ni Duncan.

Tumawa siya ng pagak. "Katulad ng ina ni Kate, wag mo na sanang tanungin ang ama ni Pot-pot." Yun lang at pumasok na sa kwarto si Roxanne. Naiwang nag-iisip si Duncan.

*********************************************

Naging maayos naman ang unang isang buwan niya ng pagtatrabaho kay Duncan. Kahit laging moody ang binata, hindi naman mahirap ang nagiging trabaho niya. Madalas tiga lista lang. 'Di na nito masyadong napapansin ang suot niya, marahil at nasanay na rin ito. Nabibigla sa unang tingin pero madalas di na nagrereact.

Ipinadala niya kay Faye yung unang sweldo niya. Nagtira lamang siya ng limangdaan para sa personal needs. Si Pot-pot naman ay hindi naman pinababayaan ni Glenda.

Tuwing Sabado at Linggo o tuwing walang pasok ay hinahatid si Kate para makasama ang ama. Hindi mahirap mahalin ang bata. Napakabait at napakabibo. Marahil isa si Kate sa mga dahilan kaya nae-enjoy niya kahit papaano ang pagtatrabaho kay Duncan.

Kasalukuyan siyang nagbabasa ng magazine na nakita niya sa ilalim ng center table nung may marinig na may nagtatao po at kumakatok sa gate. Hindi na niya hinintay na lumabas si Duncan, siya na ang lumabas. Nagulat at hindi makapaniwala si Roxanne sa nakita.

"Roxanne, is that you?" Pati ito ay gulat na gulat rin nung makita siya.

"Mi-Mike?" Pagtitiyak niya.

"Yah, Rox." Bigla siya nitong niyakap siya ng mahigpit. Nagbago man ang itsura ng babaeng nasa harap niya ngayon, hinding-hindi pa rin niya ito makakalimutan. Hindi tuloy namalayan ng dalawa na nasa likod na nila si Duncan.

"Sinong nagsabing pwede mong yakapin ang sekretarya ko?" Dumagundong ang boses nito.

"Tol!" Masayang bati ni Mike, hindi nahalatang tila galit ang boses nito.

"Magkakilala kayo ni Roxanne?"

"Yah, she's my----"

"Friend. Friendship kami Bossing." Si Roxanne na ang nagtuloy.

Pinandilatan niya ng mata si Mike. Sana makuha nito ang mensahe niya.

"Yah, magkaibigan kami, dati, pero matagal na kaming hindi nagkita." Nakangiti nitong sabi sa binata. Kung alam ko lang na dito ko lang pala siya matatagpuan, sana matagal na kitang dinalaw, Tol!" Tila ang saya-saya nito.

Nagdududa man ay hindi na nagtanong si Duncan. Kilala ang pinsan niya bilang sobrang palikero sa babae.Bumisita lang ito dahil umuwi galing Manila, may sakit kasi ang ina nito. Nagkumustahan ang dalawa, kumuha na lamang si Roxanne ng memeryendahin ng kanyang Bossing at ni Mike. Panay naman ang sulyap ng huli sa kanya habang kausap ang pinsan.

Nang makatiyempo ay lumapit ito kay Roxanne. "Kumusta?"

"Okay lang." Kinapa niya ang sarili kung ano ang nararamdaman niya. Galit. Pagmamahal. Pero wala na. Siguro naghilom na ang lahat.

"Can we talk? I need to say a lot of things to you." Biglang sumeryoso ito.

Mapait siyang ngumiti. "Kalimutan na natin yun Mike."

"Hindi kita makalimutan, Roxanne. Maraming bagay na gusto kong sabihin sayo. Malaki ang nagawa kong kasalanan dati." Bigla nitong hinawakan ang kamay ng dalaga na agad naman nitong binawi.

"Ehem." Mula sa likod ay dumating si Duncan.

"Tol, may day off bas i Roxanne? Baka naman pwdeng mahiram bukas, mag-uusap lang kami." Walang pag-aalinlangang tanong nito sa kanya.

Tumingin siya kay Roxanne. Nakatalikod si Mike rito kaya hindi nito nakikita na tila nagmamakaawang huwag payagan na tingin ang sinasabi nito.

"Marami kaming gagawin tol, kahit lingo marami kaming hahabulin na supplies."

"Ganun ba? Pwede ko naman siguro siyang madalaw dito ano?" Hirit pa ulit nito.

Wala ng lusot.

"Sige." Masyado nang halata kapag sinabi pa niyang hindi. Nagpaalam na ito pagkatapos.

" Kaibigan pala ha." Sabin i Duncan nung matiyak na wala na si Mike.

"Bosing talaga. Nagseselos ka? Mas gwapo ka dun." Nakahinga siya ng maluwag. Hindi pa kasi siya handang kausapin si Mike, her first and only boyfriend.

"Isa rin ba siya sa naging customer mo?" He frankly asked her.

Natawa siya. "Actually, unang customer." Pagbibiro sana niya.

"So siya ang nakakuha ng virginity mo? Ama ni Pot-pot."

Nasamid si Roxanne sa iniinom. Hanep naman kung makatanong itong si Duncan. Wala man lamang bang preno?

"Paano kaya ha bosing kung sasabihin ko sayo na virgin pa ako? Maniniwala ka ba?" Subok niya, kahit pa alam na niya kung ano ang magiging sagot.

"Para mo na ring sinabi na pwede kong tamnan ng mansanas ang lupa ko." Umalis na ito sa harap niya.

She just smiled. Gusto niyang maawa sa sarili, talagang napakaliit ng tingin ni Duncan sa kanya.


Ang Promdi At Ang ProstiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon