It's Been a While

3.4K 119 4
                                    

PAGOD na binuksan ko ang pinto ng aking apartment. Kagagaling ko lang sa aking clinic. Buong maghapon na maraming pasyenteng mga hayop. Nangangalay ang likod ko't kailangan kong makapagpahinga. Magbi-bente singko na ako't hindi ako tumatanda ng paurong. Kailangan kong alagaan ang sarili.

Pagkagraduate ko ng Veterinary Medicine ay agad akong nag-ipon upang makapagpatayo ng sarili kong clinic at nagawa ko nga. May katamtaman akong clinic sa distrito. Mahigit dalawang taon ko nang naipatayo ang aking Pets Clinic at sa awa ay kumikita rin naman. Hindi ganoon kalakihan ngunit tama lang na makakabili ako ng gusto ko. Makakabayad ng renta at bills at may naitatabi ng kaunti.

Magdadalawang taon na rin na bumukod ako kina mommy at daddy.
Dumadalaw lang ako ro'n dalawang beses sa isang buwan. Simula rin nang bumukod ako ay nagkaroon ako ng kalayaan na makapadesisyon para sa sarili ko at hindi iniintindi ang opinyon ni Mommy Evelyn.

Pagkalabas ko ng banyo ay sinulyapan ko ang orasan na nakabitin sa pader. Pasado alas onse na ng gabi. Tupi ang tuwalya ay lumabas ako mula sa shower room. Tumutulo pa ang buhok ko nang maupo ako sa harap ng vanity mirror. Maingat ko na inabot ang tuyong tuwalya upang tuyuin ang aking mahabang buhok saka binalabal doon pagkatapos.

Pakanta-kantang sinabayan ko ang musika mula sa aking cellphone habang sinimulan ko ang pag-aaplay ng skin care sa aking mukha. Mula sa toner hanggang sa facial mask. Nakasanayan ko nang gawin 'to bago matulog.

Setting my timer'n phone. Kampanteng tumayo ako na hinintay ang labing limang minuto upang tanggalin ang itim na face mask sa mukha ko.

Tinalunton ko ang built in closet upang kumuha ng panloob at pajama nang biglang malakas na kalampag ang umaalingawngaw mula sa labas ng aking maliit na apartment.

I hissed upon hearing the noise. Pinilit ko na hindi pansinin ngunit sunod-sunod na katok ang umaalingawngaw sa loob ng aking munting tahanan pagkatapos.

Sino naman ang distorbo?

Wala akong inaasahang bisita sa ganito kalalim na gabi.

Muli na namang pumainlang ang katok. Walang nagawa ay lumabas ako ng silid at tinungo ang pinto na nakatuwalya lamang at may face mask sa mukha.

Nakangusong mabilis ang kamay kong pinihit ang door knob ngunit napatiuna ako sa bumungad sa aking pintuan. Nanlaki ang ako mga mata sa imaheng bumungad sa'kin.

May matangkad at gwapong lalaking nakasandal sa door frame ng aking pinto. Nakasandal ito roon na tila baga roon niya hinugot ang natitirang lakas niya.

Habang pinaglakbay ko ang mata sa imahe ng lalaki nakitaan ko ng mga marka ng pasa at galos ang gwapong mukha niya. Halatang galing sa sapakan at kaguluhan.

Later, his face crumpled. As if he was in pain, and he breathed heavily.

"W-Woman." He stammered and groaned. His voice is deep. His brownish-green eyes were on my facial masked face.

Pigil-hiningang nakatitig lang ako sa lalaki. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa buhol ng tuwalya.

Muling umungol ang lalaki. Ang pinakawala niyang hininga ay nanginginig. Nalukot ang mukha.

Kurap-kurap na ginala ko ang buong paningin sa kabuuan niya hanggang tumama ang mata ko sa palad niyang nakasapo sa tagiliran.

I saw blood dripping to the floor. Sapo nito ang tagiliran na walang humpay ang dugo sa pagpatak.

"Woman, let me in!" usal ng lalaki na kasama mabibigat na hininga. Akma nitong iusad ang paa papasok sa apartment ko'y kusa na itong nawalan ng balanse at nabuway. Bumagsak sa harapan ko at nawalan ng malay.

Got Hitched By MafiaWhere stories live. Discover now