reachable dream of mine

8 0 0
                                    

Madaming istorya ang nagkalat na may dream boy sila tapos kadalasan happy ending, minsan tragic o kaya naman may nakukuntento na rin sa hanggang dream relationship nalang sila. This story is my own tru to life story which I wrote in my semi journal notebook for my never ending dream crush. Akala ko wala na talagang pagasa na maging kami. Many times na sobrang saya ko na sa pagpapantasya sa kanya. Pero... No.. No.. No... akala ko lang pala un. akalain mo last minute nagetsung ko pa ang lolo nyo. umepek din ang lahat ng pagpapacute, pagpapaganda at pagpapacharming ng lola nyo. Aba hnd naging madali ang mangarap ng ganung lalaki ah! Well, High School eh anu pa ba ang eexpect nyo. sobrang innocent at humble neto. keri-keri lang kasi balak ko na idispose si journal kaya eto, dito ko xa isshare para at least magiging aral din sa mga magbabalak magbasa at magiging tanda din na minsan may nakamit din ako sa isa sa mga naging pangarap ko...

P.s. Pinapauna ko na, never naging writer ang lola nyo, kahit mapaschool paper man yan o sariling notebook para sa lecture. NEVER, kaya naman tyaga tyaga nalang din pag may time. hahahha!

MAIN CHARACTERS: 

Si Jonathan, ayan... yan ang pangalan ng pinantasya kong lalaki simula ng tumungtong ako nung high school. panganay siya, dalawa lang silang magkapatid babae ung isa. wala xang nanay, hnd nya nakita simula pa nung bata xa. second family. hep hep hep. awat sa dramahan at balik na sa chorvahan. Aba, kung tatanungin nyo ko, walang itsura ang super crush ng truly yours nyo, ewan ko nga ba bat sakanya pa tumibok ang tatanga tangang puso ng gaga nyong bida bidahan. Payat, matangkad, karamihan sa mga High school batch mates namin autistic ang tingin sakanya. tingin naman ng pamilya ko sakanya mukha xa tunga sa paa, odba? grabe nalang ang description. Alam nyo, para sakin hnd xa auti, isa lamang xang taong malakas talga ang trip sa buhay, nagkataon pa na ang trip nya eh hnd pang earth, ung tipong hnd getsung ng people ni mother earth at mas mabuti pang kay Papa Saturn nalang xa mangtrip baka sakaling normal pa sa mga brother aliens natin. etong si ultimate crush ay matalino, katunayan nga eh one of the honor student pa nga xa nung elementary eh at take note nagloko ng high school kasi daw hindi nya inabot ang firstsection, panu ba naman kasi xa ang una sa listahan ng second section sakit noh? Arranged un accdg to the grades we got from entrance exam. Lahat halos ng naging parte ng buhay ko nung naging highschool ako ay wala ng ipinagdasal kundi kabugin na ni Lord ang ulo ko para matauhan na ako. Pamilya, kaklase, teacher, principal, janitor, aso ni mang james (isa sa janitor ng school), si manang canteen at iba pa.

Si ako, ako ay isang average na high school student lamang, matalino pero hnd rin naman ganu kagandahan, ang lagay ko dito sa istorya na to, inlab na inlab kay jonathan, akala ko xa na ung huling lalaki na makakapagpatibok ng puso ko. naniwala na may happy ending at fate. panganay ako ng nanay at tatay ko, may mas panganay sakin ang nanay ko na mahal na mahal ko, may bunso akong kapatid na sobrang tigas ng ulo at tamad kapag nandito ako pero alam kong mahal na mahal nila ako pareho. matigas din pala ang ulo ko. madaming nagaadvice nagsasabi na magising na ako hnd pa rin ako nakikiniiig kahit na kapatid o nanay ko pa ang nagsalita. kasi para sakin i will create my own destiny that wll be soon our fate. o dba taray! nagkaroon na ako ng mga exes, 1 nung elementary, 1, nung bakaxon bago maghigh school, 1 nung 3rd yr high school nung nawalan ako ng pagasa sa buhay kay crush of my life at 1 na joke joke lang nung 4th yr. AND TAKE NOTE!!!!!!!! AKO ANG UNANG GIRLFRIEND NI JONATHAN.! yes yes yes!!! ni ultimate crush! ohyea!

So... The story proper....

hnd ko alam panu ko uumpisahan to, pero simulan ko nalang ng napakainformal way dahil yun naman tlga ang gusto ko mangyari, ung parang nagkkwento lang para hnd maubusan ng words na sasabihin. 

Ganito nagsimula yun.

Ayoko sa school na pinasukan ko, napilitan lang ako magentrance kasi ung mga close friends ko, nasa school malapit lang dito sa bayan namin, mga isang jeep lang ung layo. pero ung school kung saan pinilit akong ipasok ng nanay ko at konsenxahin na pumayag na sana ako ng tatay ko eh 45minutes to 1 hr ride pa mula dito samin, mga tipong pipili ka sa tatlong jeep isang winstar papnta dun pag commute o isang jeep, isang bus, isa pang jeep at winstar pa. (para sa mga hnd nakakaalam ang winstar ay isang sasakyan sa loob ng base gaya ng sbma at clark na parang jeep otso ang bayad doon). OH anung sinabi ng binyahe ko papnta lang dun. ahy naku po. Pero sa kadahilanan na dun papasok ang bestfriend ko ng elementary eh semi pumayag payag na ako, at san ka pa, napilitan akong pumasok sa high quality highschool, nagmumukod tanging science high school sa buong rehiyon. ansabe! nakapasa naman sa entrance exam. at kahiya naman sa napilitan na tao ah! pinalad ako maging first section! ikaw ba naman tcher mo nung grade 6 eh walang ginawa kundi budburin ang utak ng mag estudyante sa pagbabasa, pagmamath at pagsscience ewan ko nalang kung hnd ka makapasa sa kahit anung entrance exam. may time pa nga na halos kalahating araw kami nagtutula mula sa reading power na book namin eh. haaayyyyy.......to make the long story short, ayun  napapayag ang lola nyo na pumasok sa tinitingalang high school. 

kung kelan ko nakilala si super crush, walang exact date. ang naalala ko lang eh may crush ako sa kamukha nyang higher year na akala ko xa un i have no clue na magkaibang tao pala ang crush ko, good thing crush ng classmate kong isa ung higher year thats why i knew his name. since naging kaibigan ko ung classmate ko na may gusto kay higher year eh natapon ako sa kamukha ni higher year, ayun po si jonathan, ang kamukha naming freshie. kaya along the 1st month of being a freshie, ako naging die hard fan netong taong to. tinuro ko xa sa bestfriend ko. at di naglaon eh nalaman at kumalat sa buong section namin. Mabilis ung mga pangyayari, kumalat ung less than a month sa katunayan nga naunahan pa ang acquaintance party ng school para sa mga freshies eh, every last week of june or 1st week of july un. tindi no? pero aus lang sakin kasi syempre bilang isang kabataang pinoy, anu bang malay nya na totoo ang chismis kung aabot man un kay jonathan. saka hnd ko kailangan magpakaplastic kung gusto mo, pagmalaki mo! ganun lang un... kaya iyon, i did some researches about him, naging kaklase ko kasi ung mga dati nyang long time classmate sa elementary school nya, kaya ung mga un ang naglahatla ng buong mga katotohanan. Nalaman ko na may gusto xa sa higher year namin, si ate aiah, 2nd year, 1 year ahead samin ang kaso eh may boyfriend siya, si kuya luke. iyon ang tunay na gwapo. piangaagawan nila si ate aiah, ang swerte ni girlalu noh? xmpre ang napili si kuya luke. 

Pinaabot ng magaling kong ex classmate mula grade 1 hanggang nung freshie na si erwin kay jonathan na may gusto ako sa kanya. at xmpre given na nanakakita ng chance sakin lumigaya si onats kaya naman grab naman xa. nagtxt xa, hnd ako naniwala na xa un kala ko si erwin lang tlga. hanggang may mga sinabing proofs, at dahil sa umaasa na rin ako na sya na sana un. kaya naman naniwala na rin ako.hanggang sa dumating ung araw ng acquaintance, sinabi sakin ni wen na sinabi sakanya ni jonathan na isasayaw daw ako nito pag tumugtog na sweet dance. asa naman ako.. kaya naman tandang tanda ko kung anu ung 1st song na un. iyon ay "MAGBALIK by Callalily" pero sa kasawiang palad, hanggang asa lang. walang nangyaring sayawan. tapos nung pauwi na kami galing sa acquaintance, nagtxt xa sakin, sabi nya "I Love you" so ako naman..  hala anyare? hnd naman pdeng agad agad un. kaya naman aun. sagot ko sakanya "lasing ka ba?" tas simula nun naging cold na xa. sinu sino ung kumalat na crush nya. masakiit xmpre. lumipas ang mga normal na araw, naglakbay aral ung school magkabus kami sa pilitang pakikiusap pa un sa adviser nila na teacher namin sa filipino, see,, alam ng teachers ang pagtingin ko.ganun dn naman ang nangyari sa tour nung 1st year bsta kasama namin sa bus sila, solve na! next up, one of the most awaiting part sa earth science subject namin, ang moon viewing. nagaganap ito ng mga last week of january i think... ang communication kay onats (jonathan) tuloy pa rin! hahaha mag katxt kami lagi pero hnd gaya ng dati lagi ng cold at mdalas ako na ang gumagawa ng topic. To be continue....

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 22, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

reachable dream of mineWhere stories live. Discover now